Eris
Alam kong mag-durusa ako sa pakikipag-hiwalay ko kay Jethro. Dalawang linggo na hindi ko nakikita at nakakausap si Jethro. Alam kong hindi pa matagal ang two weeks pero pakiramdam ko two months na ang lumipas.
Ever since I broke up with Jethro, time has slowed down, and it's tormenting me inside.
Miss na miss ko na ang boyfriend ko.
Hindi mawala sa isip ko yung mukha ni Jethro ng sabihin ko na gusto kong makipag-hiwalay. Galit ako sa grandfather ni Jethro dahil siya ang reason kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako. I hate him for making me hurt Jethro.
Gusto kong masuka ng sabihin ko sa kanya na hindi ako sigurado sa feelings ko at gusto kong mag explore. Those words still burns my tongue because fuck it, I lied.
There's no one better than him. He's perfect in every way. Sure his cockiness drives me crazy and we argue sometimes, but when I am with him I feel complete.
Ang naging magandang resulta lang ng lahat ng ito ay naging mas focus si Jethro sa studies at sa sport niya na boxing, naging mas active rin siya sa mga charity events na involve ang pamilya Prieto.
"There's Jessica with a guy." Turo ni Bernice sa entrance hall. Nasa Red kami ngayon, ang isa sa pinaka-paborito namin bar sa Muntinlupa.
"Jess! Dito!" Kaway ko sa kanya.
Gumala pa ang mata ni Jessica bago nakita ang kamay ko. Hinila niya sa kamay ang kasamang lalaki at agad pumunta sa table namin. Katabi ko Si Ryan, habang si Bernice naman at ang date niya ay nasa kaliwang side ng table.
Umusog ako para bigyan ang dalawang bagong dating ng space. "Eris, it's been a while. I miss you!"
Hinawakan ni Jessica ang dalawang braso ko at hinalikan ang mga pisngi ko.
"I miss you too. Hindi mo sinabi sa akin na may kasama ka pala."
Lumingon si Jessica sa kasamang lalaki. "Mark, this is Eris, childhood friend ko." Tumingin si Jessica sa akin. "Eris, this is Mark, my boyfriend." Tinuro naman si Jessica sila Bernice. "This is Bernice, my other childhood friend."
"Nice to meet you, Mark," Wika ni Bernice saka tumingin sa katabi. "This is Ben, my friend." Tumango si Ben. "And this is Ryan, college friend namin ni Eris." Turo ni Bernice sa gay friend namin na malawak ang ngiti.
"Nag order na kami ng drinks, ano bang gusto niyo?" Tanong ko sa mag kasintahan.
"Beer nalang sa akin." Sagot ni Mark.
Tumingin si Jessica sa menu. "Mimosa sa akin."
"Jay, isang beer at Mimosa." Tawag ko sa kakilala kong waiter.
Tumango si Jay."Okay!"
Malakas ang sound sa buong bar kasabay ng boses ng mga tao kaya mas lalong mahirap mag karinigan. Mas maraming tao rin ngayon dahil may gig ang banda ni Jea. Kaya rin kami andito para suportahan ang pinsan ko na lately at parang wala sa sarili.
"Mabuti pala hindi pa natugtug sila Jea, akala ko late na kami." Wika ni Jessica habang busy sa hawak na cell phone.
"Malapit na rin silang mag perform," Tumingin ako sa paligid. Ang iba ay naka-tayo nalang dahil walang available na table. "Grabe, ang daming tao."
Nag salita si Ryan. "Of course, Si Jea ang mag pe-perform malamang mapupuno talaga ang lugar. Girl crush magnet yun." Tumaas pa ang isang kilay niya habang maarteng hawak ang Mojito drink niya.
"Hindi ba pwedeng magaling lang talaga si Jea at ang band niya kaya napuno ang lugar hindi lang dahil sa looks niya?" Sarcastic na sagot ni Bernice.

BINABASA MO ANG
Selfish
Roman d'amourBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...