Eris
Mabilis lumipas ang panahon dahil dalawang araw mula ngayon ay sem-break na, bakasyon na at makakauwi na rin ako ng Muntinlupa. Makikita ko na ulit parents ko, sila Ate Erika at Kuya Edward pati na rin ang mga pinsan ko, ang mga kaibigan ko.
Nakakauwi naman ako minsan kapag Saturday and Sunday dahil yun ang araw na wala akong klase, naka block section kasi kaya fixed ang schedules ko pero balak ko na rin ayusin ang sarili kong schedule by next sem.
Huminga ako ng mababaw at tiningnan ang oras sa cellphone ko. Huling klase ko na ito para sa araw at sem na ito. Naalala ko pa ang kabang naramdaman ko ng mag umpisa ang pasukan.
Hindi ko kasi alam kung ano buhay ang meron sa college pero time lang talaga ang naging sagot sa lahat dahil naka adjust din ako, nakatulong pa na kasama ko ang mga pinsan kong sila Jea at Bernice. They are my companions when everything seems so hard.
"Eris, nag text si Ryan nasa starbucks daw sila papabili ka?"
Nabaling ang atensyon ko kay Julia. She's the first person na naging kaibigan ko sa campus at dahil nga block section kami ay lagi kaming mag kasama sa lahat ng klase. Minsan rin ay naaalala ko sa kanya si Jessica dahil parehas silang energetic at game sa lahat ng bagay.
"Java chips nalang, I want something sweet."
"Okay, grande no?"
"Yup, diba may klase pa sila ni Faye?"
"Meron nga pero wala daw binigay na assignment ang prof kaya maaga sila na dismiss. Ang swerte nga samantalang tayo ang daming pinapagawa baka hindi na natin ma-enjoy ang bakasyon."
I get that, medyo strict kasi ang prof namin sa English 101 kesa sa prof ng kabilang section. Ngumiti nalang ako at muling nakinig sa boring na lecture. Pag katapos ng klase ay agad kaming pumunta ni Julia sa tambayan dahil kanina pa text ng text sila Ryan at Faye.
"Ang tagal nyo naman!" Reklamo ni Faye ng makita kami ni Julia na palapit.
"Alam mo naman si Garcia ang tagal mag palabas tapos ang boring naman mag turo." Sagot ni Julia na agad umupo at kinuha ang Caramel Frappe nya.
"Anyway, may practice pala sa field pinapapunta tayo nila Gary, bet?"
Tumingin ako kay Ryan na malanding nakatayo sa harap ko. Tumaas lang ang kilay ko habang nasipsip sa Java chips na hawak ko.
"Eris, ano na?"
"Ano ba?"
"Alam mo naman na ikaw lang gustong makita ni Gary diba at sabit lang kami."
"Ryan, pumunta kayo kung gusto nyo, kailangan ko na bumalik sa condo mag aayos pa ako ng gamit ko uuwi kami nila Jea at Bernice."
"Friend mamaya kana umuwi saka pwede mo naman gawin mamayang gabi yun diba? Sumama kana muna para naman maka-hangout natin ang mga soccer player!"
Natawa ako ng umupo si Ryan sa tabi ko at ipulupot ang braso nya sa braso ko. Kahit sila Julia at Faye ay pinigilan akong umuwi dahil last two days nalang namin mag kakasama ngayon sem bago kami mag bakasyon.
"Okay, I will call Bernice na mamaya na ako uuwi."
"Ayan masaya na saka last two days nalang natin bago ang bakasyon." Wika ni Faye.
"Oo nga..."
Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Jethro. It's been what? Four or five months since I last saw him but still everything is vivid, yung last fight namin sa beach, yung malungkot nyang mata, yung pag iyak ko. Damn...

BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...