Lust or love?
Nagising ako sa pag yugyug sa akin. Pag mulat ko ng mata ay nakita ko agad si Meng. Umungol pa ako para mag protesta. Antok na antok pa ako at parang gusto kong umiyak.
"Meng, maaga pa..." Muli kong niyakap ang unan sa tabi ko at pumikit.
"Eris, pinapagising ka ng Papa mo, nasa baba si Jethro, may usapan daw kayo?"
Napamulat ako ng mata. Tumingin ako kay Meng na clueless na naka upo sa tabi ko. Nakalimutan ko na may usapan pala kami ni Jethro na mag jojogging ngayon umaga. It's our Saturdate!
"Kanina paba sya doon?" Tanong ko.
Umiling si Meng. "Kakadating nya lang, kausap nya si Tito sa baba."
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nakalimutan ko.. Siguro ay dahil na rin sa dami ng ginagawa sa school. Gagraduate na kami nila Bernice ilang linggo mula ngayon.
Ang daming dapat ayusin, mula sa clearance, sa mga projects, early test, sa venue, practice, tapos hindi pa rin ako nakakapili ng school ko para sa college. Na pre-pressure na ako!
"Sige, susunod na ako sa baba." Tinatamad akong sagot.
"Tagalan mo huh para makasilay pa ako." Bungisngis ni Meng.
"Ang landi mo huh." Umirap ako kinurot ang tagiliran nya.
Lumabas si Meng ng kwarto ko. Bumangon ako at umupo ng kama. Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at kinuskus ang mata para magising. Naagaw ang atensyon ko ng marinig ko ang mahinang tahol ni Champ. Umakyat sya sa kama ko.
"Good morning, baby..." Binuhat ko si Champ at pinanggigilan.
Nakatigitig lang sya sa akin. Humahaba na ang buhok nya. Siguro ay kailangan na ng gupit. Ibinaba ko si Champ at pumunta sa banyo para maligo. Mabilis akong nag ayos.
Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Naka shorts ako na green, tank top na puti at rubber shoes. Itinali ko ang buhok ko pag katapos mag blow dry saka pag lumabas ng kwarto.
Bumagal ang pag lakad ko ng makita ko si Jethro kasama si Papa. Nakaupo sila sa sofa habang nag uusap. Nakangiti si Papa habang nag sasalita. Halata ang closeness nilang dalawa. Biglang pumasok sa isip ko na maganda sa isang relasyon na involve ang pamilya. I mean, boto ang bawat partida dahil malaki rin ang papel nila para maging maayos ang isang relasyon.
Isa yun sa dahilan kung bakit gusto ko si Jackson. Kilala sya ng pamilya ko at alam kong boto sila kung kami ang mag katuluyan. Pero si Jethro naman ang kasama ko ngayon. Mapag biro talaga ang tadhana.
"Good morning." Wika ko para mapansinin nila.
Kumabog ang puso ko sa kaba ng mag angat ng tingin si Jethro. Tumayo sya at ngumiti na parang ako lang ang nakikita nya.
"Good morning..." Sagot nya.
Tumayo din si Papa. "Good morning, anak, may lakad daw kayo?"
"Opo, nakalimutan ko kasi sa dami ng ginagawa sa school."
Pinasadahan ko ng tingin si Jethro. Naka tank top sya na itim kaya lantad ang mga tattoo nya sa katawan. Noong summer kasi ay nag palagay sya ng angel wings sa may chest nya. Sa right biceps nya ay isang portrait tattoo ng mukha ko. Ang kabilang braso naman ay puno ng abstract tattoo.
Nadudumihan ako sa mga lalaking maraming tattoo sa katawan pero sa hindi ko malaman na dahilan ay gusto ko yun kay Jethro. Ang hot nyang tingnan.
"Ganun ba? Oh sige na, may jogging daw kayo, umalis na kayo habang hindi pa mainit sa labas." Tinapik ni Papa ang balikat ni Jethro. "Ikaw ng bahala sa anak ko."

BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...