Chapter 23

1.7K 64 18
                                    

Eris

Pag katapos ng lahat ng nalaman ko ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Inilock ko ang pinto para walang makapasok. Mabilis akong sumapalak sa kama at kinuha ang isang unan para yakapin ng mahigpit.

Bigla kong naalala yung mga panahon na umiiyak ako dahil sa rejection ni Jackson sa akin tapos ang hayop na si Jethro ang nandyan para sa akin. Ang akala ko kasi lahat yun ay totoo, yun pala ay dahil lang sa kagagawan nya kaya ako napunta sa ganun sitwasyon.

Kung hindi siguro nakialam si Jethro ay matagal na kaming masaya ni Jackson.

Humigpit lalo ang yakap ko sa unan kasabay ang pag tulo ng mga luha sa mata ko. Nagagalit ako dahil pinag laruan kami ni Jethro. Pinag mukha nya kaming tanga. Ang sama-sama nya!

"Eris!"

Napatingin ako sa pintuan ng marinig ko ang mabibilis na katok at boses ni Ate Erika. Hindi ako sumagot at pinunasan lang ang luha sa pisngi. Gusto ko lang muna na mapag-isa.

"Erika, let her be." Wika ni Ate Aria.

"Aria, how can I let my sister cry like this?"

"Ikaw kasi ang may kasalanan nito eh."

"Hoy Azariah paanong kasalanan ko?"

"Ikaw kasi yung nag tanong kay Jackson diba?"

"Mabuti nga at sinagot ni Jackson ng totoo, diba?"

"Tigilan nyo na nga ang pag aaway, tangina ng Jethro na yan para saktan ang kapatid ko!" Galit ang boses ni Kuya Edward.

Napatayo ako sa kama ng marinig ko ang mga sigawan sa labas ng kwarto. Pinipigilan ng mga pinsan ko si Kuya Edward at pinapakalma. Kumatok ulit si Ate Erika sa akin at inuutusan akong buksan ang pinto.

"Eris, open the door nag aalala na kami kung anong ginagawa mo dyan."

Hindi ulit ako nag salita at pinakinggan lang ang nangyayari sa labas.

"Edward, stop it!" Pigil ni Kuya Ricos.

"Oh my! Pigilan nyo!" Tili ni Ate Luisa.

"Tangina mong gago ka! Sinong may sabi sayo na lokohin ang kapatid ko?"

Lalong lumakas ang sigawan sa labas. Kinakabahan ako dahil baka nag susuntukan na sila kuya Edward at Jethro. Oo galit ako kay Jethro pero ayaw ko naman syang masaktan.

"Eris, buksan mo na yung pinto binubugbog ni Edward si Jethro!"

Lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Bernice. Nag taekwondo si Kuya pero alam kong hindi naman papahuli si Jethro dahil nag boxing sya. Napatalon ako ng may basag na kung ano sa labas.

"Fuck! Awatin nyo!" Nanggagalaiti ang boses ni Ate Erika.

"Eris, buksan mo na yung pinto please!" Wika ni Jea.

Hindi ko na matagalan ang mga nangyayari. Kinakabahan na talaga ako. Mabilis kong binuksan ang pinto pero natigilan rin. Hawak nila Stefan at Danick si Kuya Edward na panay ang piglas. Sa kabilang banda naman ay si Jethro na tinulungan tumayo ni Kuya Raiden habang pinupunasan ni Jessica ang putok na labi.

"Jethro, wag ka ng mag papakita sa kapatid ko! Naiintindihan mo? Dahil babasagin ko ulit ang mukha mo kapag lumapit ka pa!"

Nagulat ang lahat ng inilang hakbang ni Jessica si Kuya Edward at sinampal sa mukha.

"How dare you para saktan ang Kuya ko! Oo may kasalanan sya pero wala kang karapatan na makialam sa gulo nila ni Eris. Wag kang mag malinis na akala mo hindi ka nananikit ng babae!"

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon