Saturdate
Hindi ako nakatulog buong gabi dahil hindi mawala sa isip ko ang naging date namin ni Jackson. Hindi ako makapaniwala na kinuha nya ang cellphone number ko. Mas lalo lang akong hindi nakatulog ng mag text sya ng goodnight sa akin.
Hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti para ibigay sa akin ang katulad ni Jackson. Isa sya sa pinaka sikat sa school. Gwapo, mayaman, mabait, matalino. Nasa kanya na ata ang lahat.
Nalukot ang mukha ko ng makita ko si Kuya sa sala na prenteng naka upo habang hawak ang cellphone nya. Nanunuod sya ng Animal Planet pero wala doon ang atensyon nya.
"Kuya, aksaya ka sa kuryente di ka naman nanunuod."
Tumingin sya sa akin at inirapan ako. Tumabi ako sa kanya at kinuha ang remote. Nag hanap ako channel pero wala akong nakita kaya ibinalik ko rin sa Animal Planet.
"Walang maganda diba." Ngiting-aso nya.
Umirap lang ako at sumandal. Ang init ng panahon at tirik na tirk ang araw sa labas. Tinawag ko pa si Meng para ipag timpla ako ng juice dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Wala pang summer pero ganito na kainit? What's happening in this world?
"Wala kang date?" Baling ko kay Kuya habang nainom ng malamig na juice.
"Wala pa...bakit?" Irap nya.
Ito ang isa sa pinaka masasabing pag kakapareho namin dalawa. Mahilig kaming mang-irap, oh well, mag kapatid nga kami.
Umirap ako ng ilagay nya ang paa sa hita ko. Tinampal ko yun at inalis. Mainit na nga ay didikit pa sa akin. Pag papawisan lang ako.
"Wala naman, nga pala, tuloy ba yung pag sali nyo sa liga sa summer?"
"Oo, tuloy yun, ikaw na ang muse huh." Wika nya habang busy sa pag te-text.
Hindi ako sumagot at uminom nalang ng juice. Grabe ang init talaga ngayon. Sa sobrang init ay bumalik ako sa kwarto at doon tumambay. Binuksan ko ang aircon at humilata sa kama.
Sabado ngayon at wala kaming pasok. Si Ate Erika lang ang meron. College na sya kaya ganun. Parang ayoko pa tuloy mag college, medyo kinakabahan ako dahil baka mas mahirap. Hindi ko rin alam kung papasa ako sa entrance exam. Wala pa akong napipiling university pero parang gusto kong mag aral sa Manila.
Which school kaya? DLSU? ADMU? UST? UE? FEU? NU?
Ang choices ko lang ay ang mga nasa UAAP. Bet ko kasing manuod ng basketball sa Araneta at MOA. Feeling ko din na sikat kapag bandang u-belt ako mag aaral. Oh well.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yun. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Jackson.
Hi, ang init no? Ano gawa mo?
Wala sa loob na sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Nag type ako.
Oo nga. Eto nakahiga lang. Ikaw?
Kinagat ko ang ibabang labi at kumuha ng unan. Fuck. Kinikilig talaga ako. Wala na atang katapusan ito. Sometimes you can't explain what you see in a person. It's just the way they take you to a place where no one else can.
Nasa bahay lang din pero aalis ako, sasamahan ko si Mommy sa pag grocery. Kumain kana?
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang binabasa ang text ni Jackson. Agad akong nag reply.
Hahaha! Ang bait naman. Hindi pa po :(
Ilang sandali lang ay nag reply sya.
Please eat, I'll text you later, alis lang kami ni My...
BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...
