Nonsense Attitude
Nakaupo ako sa tabi ni Jethro habang busy naman sya pag lalaro ng dota. Naalala ko bigla noong nag arcade kami ay nainis talaga ako ng bongga sa mga babaeng nag papansin sa kanya. Nakakainis naman kasi talaga lalo at sa harap ko pa. Respeto!
Umirap ako ng marinig ko ang mga pag trash talk ng dalawang partida. Sardate kasi namin ngayon at araw nya kaya wala akong magagawa kundi ang sumama sa kung saan nya gusto. Naalala ko pa kung paano kami na punta sa ganitong tagpo.
"Honey, is it okay to tell my boys that you are my girl now?"
Hindi na ako nakasagot ng sabihin nya yun habang pauwi kami galing school. Naisip ko rin na walang masama dahil halos kalat na rin naman sa school ang tungkol sa relasyon namin kahit na hindi naman kami nag sasalita.
Kaya ito ako ngayon na panay ang ang taas ng kilay dahil ang ingay nilang mag laro. Puro mura at sigawan. Nakakairita na. Sinubukan kong pag aralan kung paano ang nilalaro nila pero bigo ako. Gutom na ako at gusto ko ng umalis.
"Jethro, huy..."
Hinatak ko ang laylayan ng t-shirt nya pero sa Dota pa rin ang atensyon nya. Kanina nya pa ako hindi binibigyan ng atensyon. Naiinis na ako.
"Eris, wait lang..."
Hindi parin sya natingin sa akin at sa Dota pa rin ang mga mata. Arghhh! Ganito ba ang problema ni Jessica noon kay Taylor? Now I know kaya sila ng break.
"Jeth, look at me, puro nalang Dota!" Simangot ko.
Nakakainis na yan Dota na yan huh! Kaya naman pala may kantang Dota o Ako. Pambansang kanta ng mga babaeng kalaban ang Dota sa mga boyfriends nila.
Sumulyap sya sa akin. "Hon, waity lang, matatapos na yun game."
Medyo mahina ang pag kakadinig ko dahil sa sigawan sa paligid. Bahala ka! Dyan kana sa Dota mo! Hmmmp! Umusod ako ng upo palayo sa kanya. Sumimangot ako at nag dekwatro pa. Hantad ang legs ko dahil naka shorts lang ako.
Nakita ko ang tingin nya sa peripheral vision ko.
"Eris..."
Inusod nyang muli sa kanya palapit ang upuan ko. Malambing nya akong tinitigan saka kinurot ang ilong ko. Agad kong hinampas ang kamay nya. Bigla naman ang reklamo ang mga barkada nya.
"Hoy! Jethro! Matatalo tayo!." Parang aatakihin na sa puso si Kevin.
"Mamaya na yang si Eris." Dagdag pa ni Rob.
"Can't, nag tampo na."
Tinaasan ko ng kilay ang dalawang lalaking epal saka bumaling kay Jethro. Inilagay nya sa likod ng upuan ko ang kamay nya at hinalikan ako sa noo. There, I got his attention! Gusto kong tumawa ng malakas pero pinigil ko. Akala nyo huh!
"Tangina! Matatalo tayo!" Aligaga na talaga si Kevin at tumayo pa.
Umingay naman lalo ang paligid dahil lahat ng kakampi ni Jethro ay sa akin na nakatingin.
"Eris, please isang game nalang!"
"Oo nga Eris, please!"
"Need namin si Jethro, Eris!"
Umirap ako at huminga ng malalim. Para akong santo na lahat sila ay ako ang sinasamba na parang nasa kamay ko ang sagot sa matagal na nilang hiling. Tumingin ako kay Jethro na parang kumukuha lang ng go signal ko. Hays...
Umirap ako. "Go, bago pa mag bago ang isip ko."
Nag hiyawan ang lahat at saka sila mabilis nag sibalik sa mga keyboard nila. Ngumiti si Jethro at hinalikan ako muli sa noo.

BINABASA MO ANG
Selfish
Roman d'amourBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...