Chapter 21

1.9K 73 19
                                    

Eris

Dumating ang graduation namin. Pinag sabay-sabay na rin ang celebration dahil apat kaming mag pipinsan ang nag tapos ng high school. Isa rin sa highlight ng gradation ko ay ang gift ng parents ko sa akin. They gave a red Mazda 3 Sedan 2016. It was one of the grandest gifts they have ever given me.

"Eris, tapos kana mag pack?"

Umirap ako kay Ate Erika. May beach outing kami ngayon sa Batanggas, late celebration para sa graduation namin nila Jea, Bernice at Gavin.

"Almost done."

"Sige, bilisan mo na dyan, ang bagal mo!"

"Oo na, parang ikaw hindi mabagal ah."

Muli akong bumalik sa pag lalagay ng mga damit sa bag na dadalhin ko. Three days vacation kasi ang napag usapan ng lahat. Pag labas ni Ate Erika ng kwarto ko ay kinuha ko ang phone ko dahil tumunog.

Sumilay ang isang ngiti sa labi ko pag kakita ko palang sa pangalan ni Jethro. Shit, lately ay hindi ko talaga mapigilan ang emotions ko. This guy gives so much feels. Simula ng aminin ko sa sarili ko na may nararamdaman na ako kay Jethro ay hindi na sumasagi sa isip ko si Jackson.

Natatakot pa rin ako pero wala naman akong magagawa kung tuluyan na ngang nakuha ng bad boy na ito ang puso ko.

"Hello?" Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Good morning, honey, nakapag pack kana?"

"Patapos na, ikaw?"

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa hinhin ng boses ko. Shit ka Eris, tigilan mo yan! Papatayin ka ng Ate Erika mo kapag nakita nyang ganyan ka!

"Tapos na, palabas na ako ng bahay."

"Ah, dala mo ba ang kotse mo?"

Tumingin ako sa may pinto ng marinig ko ang palapit na boses ni Ate Erika. I zipped my bag and went outside the house.

"Gusto mo na sa akin sumakay?"

Tumaas ang kilay ko ng marinig ko ang pag tawa nya sa kabilang linya.

"Gusto mo akong sumakay sayo?"

Ang laki ng ngiti ko dahil narinig ko ang pag buga ng malalim ni Jethro sa kabilang linya.

"Hoy, mamaya na yang landi, saan ka ba sasakay?"

Umirap ako kay Luke na nasa kotse. Napangiti nalang ako ng makita ko ang bulto ni Jethro na palapit sa akin. Ibinaba ko ang cell phone at humarap sa kanya. Nasa likod nya si Jessica at Jackson.

"So, sasakay ka sa akin?" Bulong ni Jethro.

Tinulak ko ng bahagya ang dibdib nya palayo sa akin. Tumawa sya at kinurot ang ilong ko. Kinuha nya ang gamit ko at sya na ang nag bitbit. Saglit akong natigilan ng makita ko ang tingin ni Jackson sa amin.

Kung noon ay nakakaramdam ako ng sakit sa tuwing nakikita ko sya ay iba na ngayon. Wala ng bitterness dahil masasabi kong naka move on na ako at yun ay dahil kay Jethro. Bakit ba kasi late kong nakita na hindi naman pala masama si Jeth.

Nabaling kay Jethro ang atensyon ko ng maramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko.

"What?"

"Nothing, kung saan-saan ka naman kasi nakatingin." Madilim ang mukha nya.

Hindi ako nag salita at sumandal nalang sa dibdib ni Jethro. Alam ko naman na hanggang ngayon ay may insecurities pa rin sya pag dating kay Jackson at hindi ko naman yun mapipigilan, hindi ko pa rin kasi nasasabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko sa kanya.

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon