Eris
"Are you okay?"
Tumingin ako kay Jea, habang nag da-drive. Nasa kahabaan kami ng skyway papuntang Muntinlupa.
"Medyo hindi lang ako nakatulog."
"Excited umuwi?" Singit ni Bernice
"Nag kape kasi ako kagabi kaya mababaw ang tulog ko." Sagot ko.
Partly ay totoo ang sinabi ko na nag kape ako pero hindi ko sinabi na halos hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip ko tungkol sa conversation na nakita ko sa tag photo ng party ni Ate Aria sa Sabado.
Hindi pa rin ako mapanatag, alam kong ilang months na simula ng mag hiwalay kami ni Jethro at alam kong madami na rin ang dumaan na babae sa kanya pero hindi ko mapigilan ang hindi mag-isip.
Sa lumipas na mga buwan ay pinigil ko ang sarili ko na makibalita ng tungkol kay Jethro dahil gusto ko na rin siyang kalimutan at ang panloloko niya sa akin.
He fooled me...Us! I can't forgive him that easily.
"Jea, saan ka pala galing kagabi?"
"Kasama ko ang mga classmates ko, last day namin kaya nag kayayaan na gumimik."
"Saan naman kayo gumimik?" Tanong ni Bernice.
"Sa Taft." Tipid na wika ni Jea.
"Saan sa Taf-"
Biglang naalog ang ang mga ulo namin ng bigla kong tapakan ang break. "Shit!"
"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Bernice.
"Yung kotse sa harap biglang huminto!"
Uminit ang ulo ko dahil halos magasgasan ang kotse ko. Nilagyan ko ng mas mawalak na distansya ang pagitan ng kotse ko sa kotse sa unahan namin dahil baka mamaya ay bigla na naman huminto.
Hindi masyadong malayo ang biyahe namin umabot lang kami ng mga three hours kasama na ang traffic. Habang nasa kalsada ay kinalikot ni Jea ang ipod ko at nag patugtug.
Pag dating ng bahay ay sinalubong kami ng mga magulang namin. Agad akong yumakap kay Mama at Papa.
"I miss you both!" Sambit ko habang yakap ang mga magulang ko.
"I miss you too, anak." Bulong ni Mama saka ako hinalikan sa noo ko.
"May masarap na mag lu-luto na ulit." Tatawa-tawa pa si Papa.
"Dindo, sinasabi mo bang hindi masarap ang luto ko?" Taas kilay na tanong ni Mama.
"Hindi naman sa ganun kaya lang ay ibang klase ang luto nitong anak natin, nag mana sa'yo."
Sabay kaming nag lakad papasok ng bahay ni Mama habang si Papa naman ay kinuha ang gamit ko sa kotse.
"Kamusta ang biyahe niyo?"
"Okay lang naman, Ma, hindi naman masiyadong malayo."
"Eris! Welcome home!" Salubong ni Meng pag pasok namin ng bahay.
"Thanks, Meng!" Ngiti ko.
Nilibot ko ang mga mata dahil hindi ko mahagilap sila Ate Erika at Kuya Edward. Asan sila?
Dumiretso ako sa dining area ng maamoy ko ang sinigang na niluluto ni Meng.
"Ang bango ah, gutom na ako." Wika ko.
"Halina't kumain na!" Wika ni Mama sa likod ko.
"Ma, asan sila Ate at Kuya?"
"Sinundo ni Aria dito ang Ate mo kaninang umaga si Edward naman ay umalis din pero hindi sinabi kung saan ang punta pero nakabihis."
BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...
