Chapter 19

1.7K 89 12
                                    

Eris

Ilang araw ko ng pinag aaralan ang nararamdaman ko para kay Jethro. Nag online ako para tingnan sa internet kung ano ba ang signs na mahal mo na ang isang tao. Ang unang sintomas ay ang pag bilis ng tibok ng puso kapag nakikita mo ang taong mahal mo.

Naramdaman ko na kay Jackson ang ganun pero hindi ako sigurado kung naramdaman ko na rin kay Jethro ang ganun. Naalala ko bigla noong isang araw. Pinapaliguan ko si Champ habang katulong ko si Jethro. Nakatitig lang ako sa kanila ni Champ ng biglang mag angat ng tingin si Jethro at bumilis ang tibok ng puso ko.

Fuck!

"Hindi pwede..."

Wala sa sarili akong humiga sa kama at binasa pa ang mga nakasulat sa blog. Nag babasa ang kamay. Bigla na naman pumasok sa isip ko ang isang pag kakataon na nag luluto ako at biglang sumulpot si Jethro sa likod ko para tulungan ako.

Halos mangatog ang mga tuhod ko at mamasa ang mga kamay ko. Fuck again!

"Ayoko na mag basa!"

Tinapon ko ang cellphone ko sa gilid at pumikit nalang. Bakit ganito? Bakit natatakot ako sa pwede kong malaman sa feelings ko kay Jeth? Bakit natatakot akong mahulog sa kanya? Dahil ba baka hindi nya ako saluhin? Or baka malunod ako at hindi na makaahon pa?

Pilit kong inalis sa isipan ko ang tungkol sa feelings kay Jethro at inabala ang sarili ko. Mabuti nalang at nag yaya ang mga pinsan ko na gumala kami. Nag aayos ako ng kilay ng bumukas ang pinto at iluwa si Ate Erika.

"Eris, are you done?"

"Almost, inaayos ko lang ang kilay ko." Pinag-patuloy ko ang ginagawa.

"Bilisan mo."

Tumango ako. Umupo naman sya sa kama ko at pinanuod akong mag make-up.

"Kamusta pala ang lakad nyo sa Manila?"

Tumingin ako kay Ate Erika mula sa salamin.

"Okay naman pero nag iisip pa ako kung sa Manila ako mag aaral."

Umirap sya. "Bakit naman? Mas marami kang choices na schools doon."

"Alam ko pero ang layo kasi..."

Umirap ako ng makita ko ang ngiting aso nya sa salamin.

"Ang layo kasi sa byahe oh ang layo kasi kay Jethro?"

Nanlaki ang mga mata ko at humarap sa kanya. "Ang layo kasi sa byahe!"

"Sus! Daming palusot! Eris, ano ba talagang nararamdaman mo doon sa tao?"

Ano nga ba ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko tuloy ay alam ko naman ang sagot pero ayaw ko lang i-acknowledge.

"Alam naman nya na mahal ko si Jackson..."

"Tanggap nya? Seriously, Jethro is not the martyr type sooner or later he will demand something from you. Don't be so unfair to him, sis."

"Ate, anong gagawin ko?" Despirado na ang boses ko.

"Alamin mo muna ang nararamdam mo para sa kanya saka ka mag desisyon."

Pag katapos ng pag uusap namin ni Ate sa kwarto ko ay muli kong pinag aralan ang nararamdaman ko para kay Jethro. Kahit sa kotse ay yun ang nasa isip ko. Pag dating namin sa Alabang ay tanaw ko na agad ang Bazaar at bandang kumakanta sa helera ng mga kainan.

"Tingin tayong mga damit." Yakag ni Ate Aria.

"Mag hahanap na kami ng table para makakain at nagugutom na kami." Si Raiden.

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon