Prologue

1.4K 28 1
                                    

Follow me on twitter @barbiedaalwp. Followback po ako. Thank you!

--

"You taste so good," he said.

Napakagat ako sa labi ko dahil sa ligayang pinaparamdam niya ngayon. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang sumaya. Pakiramdam ko, lalagnatin ako sa simpleng pagluhod niya ngayon at pagtanggap sa kahihiyan. Uminit ang pisngi ko dahil sa ginagawa niya. Walang sinumang nakakita nun bukod sa kaniya. Walang ibang humawak nun bukod sa aming dalawa... pero hindi naman ito tama.

Ewan ko nga at bakit kami humantong sa ganito! Ni kanina lang ay galit ako sa kaniya at pinapalayas siya tapos ngayon... Hindi ko talaga maintindihan. Pagdating talaga sa kaniya, hindi ko na talaga nakikilala ang sarili ko.

"You liked it?" tanong niya tapos may pinunasan niya pa ang labi niya na akala mo isa akong ulam na masarsa.

Uminit ng husto ang mukha ko. Itinulak ko siya dahil kahit aminado akong nagugustuhan ko ang ginagawa niya, hindi pa rin ito tama. Kahit naman mahal na mahal ko siya, hindi naman puwedeng puso ko lang 'yung paiiralin ko kasi dadami na kaming tanga sa mundo. Ilang beses na akong nasaktan ng lalaking 'to, kahit mahal na mahal ko siya at kahit mahal niya ako... tumatak pa rin sa isip ko lahat ng sinabi niya.

Talaga ba, Niana? Mahal ka niya? Kung oo, bakit ka niya sinasaktan? Bakit ganoon lang kadali sa kaniya ang iwan ka?

At kung hindi naman, bakit siya nandito sa harapan mo at nagmamakaawa?

"Please... Come back to me," sabi niya at hinuli ang beywang ko tapos idinikit niya pa 'yung katawan niya sa akin. Kaya naman parehong nag-aalab sa init ang mga katawan namin.

Pero dahil ayoko, tinulak ko siya.

"Ayoko. Pagod na ako.. Ayoko na Aries."

Tinalikuran ko siya kasi ayokong bumigay sa harapan niya. Ayokong malaman niya na kahit ilang taon ang lumipas, ang dami niya pa ring kayang gawin sa akin—na ang dami niya paring kayang iparamdam sa akin. Kaya niya pa rin akong saktan. Kaya niya pa rin akong paiyakin. Kaya niya pa rin akong ubusin. Nahihirapan talaga ako kapag nakakasama ko siya! Pakiramdam ko, isa siyang masamang hangin sa akin dahil sa tuwing kasama ko siya ay para akong malalagutan ng hininga. Hindi tama!

Ikakamatay ko talaga siya.

"Umalis ka na." utos ko.

"No. I can't do that!"

"Nagawa mo naman noon ha? Tinalikuran mo ako. Kaya anong pinagkaiba kung gagawin mo 'yun ngayon?"

Nakita ko kaagad ang sakit at guilt sa mukha niya. Kilalang kilala ko si Aries Castillo, hindi dahil sa pamilyang pinanggalingan niya, hindi sa yaman na meron sila at hindi sa pangalang kilala ng lahat kundi dahil minahal ko siya. Nagtiis din naman ako... hindi naman agad ako sumuko. Kilalang kilala ko siya dahil siya ang unang lalaking minahal ko.

"I was asshole. Hindi na ako gago ngayon.. I can't lose you, Niana." sagot niya. Parang pinipiga ang puso ko. Lulunurin niya na naman ba ako sa kumunoy niya? Talaga bang magpapabihag na naman ako sa kanya?

Isipin mo Niana, lahat. Lahat ng pinagdaanan mo, lahat ng iyak at galit. Isama mo pa iyong awa at sakit. Kaya mo ba talagang sumugal ulit dahil lang sa sinabi niyang nagbago na siya? Na ibang-iba na siya sa Aries na minahal ko noon?

Umiling ako. Mababaliw na ata talaga ako sa lalaking ito..

"You don't love me anymore, Niana?" halatang-halata sa boses niya ang takot, isama mo pa ang pamumutla niya at ang mukhang takot sa kung anong isasagot ko.

Mahal... kaya nga masakit no'ng sinaktan mo ako. Halos ikaubos ko 'yun. Ignorante ako sa pag-ibig pero talagang nasaktan ako. Natatakot ako na baka iwan niya na naman ako ulit.

At saan ka nga ba natatakot Aries?

Bakit ngayon ka lang natakot para sa akin? Para sa atin?

Umiling ulit ako. Nakita ko kung paano gumuho ang mundo ng isang tao nasa harapan ko. Tama ang sagot ko, alam ko. Bubuohin ko muna iyong mundo ko—mundong winasak niya nang iwan niya ako.

"You really—" halos hindi niya masabi nang maayos 'yon. Tinalikuran ko siya at iniwan. Bakit kaya kapag sa akin niya ginawa 'yon ay parang ang dali-dali? Pero kapag ako, parang kailangan ko pang huminga nang malalim para magkaroon ng lakas ng loob para iwan siya at saktan. Ang unfair unfair sa akin.

Ganoon ko ba talaga siya kamahal?

Yes... bulong sa akin ng kung sinuman.

Dapat ba talaga akong maniwala sa kanya, sa ngayon? Talaga bang matitiis ko siya?

No.

Susugal pa ba ako?

Maybe? Isipin mo nang maigi.

Aries Gavine?

Yes, No, Maybe?

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon