Chapter 33

668 16 1
                                        

Inayos ko ang gamit ni Aries sa loob ng bag niya. Kahit hindi niya man aminin, alam kong excited siya pumunta sa trabaho niya dahil alam niyang may pakulo ang mga estudyante niya lalo na't teacher's day. 

Ngumuso ako at inayos iilang folders. Projects iyon na sinumite ng mga bata. Ilang gabi na siyang puyat at abala dahil chini-check niya ang mga 'yon. May nakita akong iilang suggestions sa ibaba gamit ang pulang tinta at sinasabing repeat. 

Mas naging strikto na siya sa pagbubukas ng semester. Kinakamusta ko nga ang kapatid ko kasi baka masyado na siyang paborito. Baka mamaya, hindi patas ang pakikitungo niya sa kapatid ko at sa ibang mga estudyante. Baka magka-issue pa! Pero sinabi niya sa akin hindi niya gawain iyon at sadyang may potential lang ang kapatid ko. Nakikita niyang nag-pupursige para makapagtapos. Aba dapat lang! 

"Are you sure you're okay here?"

Tumango ako.

"Mamaya pa naman iyong lakad natin di'ba? Dinner iyong sabi mo, e."

Siya naman ngayon ang tumango.

 "I'll call you," sabi niya at agad na hinawakan ang batok ko bago pinatakan ng halik sa pisngi at labi. Hindi ko tuloy mawala ang ngisi ko kahit na no'ng lumabas na siya para bumaba.

Hindi ko kailanman inisip na magiging masaya ako.

Noon, sinuko ko na talaga lahat. Inisip kong kakalimutan ko siya dahil nadala na ako sa unang beses na naramdaman kong mahal na mahal siya. Nasaktan niya ako pero heto pa rin ngayon, pinatawad ko siya kaya may blessing na dumating.

Hinawakan ko ang tiyan ko. Hindi pa naman gaanong kita 'yon pero ramdam ko na talagang may nabubuhay na anghel sa tiyan ko. At kahit na hindi pa siya kumpleto at hinihintay marinig ang tibok ng puso niya... kahit na hindi ko pa siya naiilabas, mahal na mahal ko na ang batang 'to at pangakong ibibigay ko sa kanya lahat. Buong buhay ko.

Pinilig ko ang ulo at pinunasan ang luha. Nagiging iyakin talaga ako.

Natulog na lang ako pagkatapos kong maligo at kumain. Sinubukan kong tawagan si Faith pero hindi niya na sinasagot ang tawag ko. Inisip niya sigurong ibubuking ko siya dahil may koneksyon na ako kay Aries.

Siraulo talaga ang babaeng 'yon. Ano kaya ang nangyari at bakit parang nagtatago siya? Bakit parang may tinatago... at takot na takot na matunton ng mga Castillo. Wala naman siguro siyang ginawa no? Mas lalo tuloy akong nag-alala. Pumasok sa isipan ko na baka naloko na naman siya.

Ilang oras lang bago tumunog ang alarm clock ko. Hudyat iyon na kailangan kong maghanda para sa dinner date namin ni Aries. Kinikilig pa rin ako sa tuwing yinayaya niya akong lumabas. Para kaming mga bata.

Simpleng puff black lace dress ang sinuot ko. Regalo sa akin ni Gelo iyon last month. Hanggang hita pa rin ang itataas nu'n. Flat shoes na rin ang pinares ko. Itinali ko ang buhok ko kahit na bahagyang nagulo iyon dahil sa pagsuot ko ng dress. Sinuot ko na rin ang relong binigay niya sa akin bilang monthsary gift. Namula pa nga ako dahil kinikilig pa rin ako sa mga gamit na binibili niya para sa akin kahit hindi ko naman hinihingi. 

Nang matapos, bumaba na ako at agad na dumating ang isa pang sasakyan ni Aries na susundo sa akin. Habang nasa byahe, iilang pabango pa ang inamoy ko sa loob ng sasakyan. Ayoko sa masyadong matamis na pabango. Ewan ko pero simula noong magbuntis ako, nagiging mas sensitibo ang pang-amoy ko. Hindi ko alam pero baka ganoon lang talaga pag buntis. Laging may issue sa katawan. 

Agad akong inihatid sa Avenue One Hotel at agad ring iginiya sa Cafe Leonida Restaurant. Si Aries ang nagplano ng lahat kaya kinabahan ako dahil bakit... parang walang tao? Ako lang ata ang customer?

Bumati sa akin ang isang dalagang waitress at agad akong sinamahan papunta sa malaking table na may pagkain na at kung anong inumin. Kumalabog ang puso ko lalo na't nakita kung gaano kaganda ang pagkaka-ayos habang palapit ako sa mesa. Hindi ko naman napigilan ang pag-awang ng bibig ko dahil kitang-kita ko kung gaano  pinaghandaan ni Aries ang lahat. Napatakip na talaga ako sa bunganga ko dahil agad nagkaroon ng musika ang lugar. At ilang kurap lang ay nakita ko na siyang  nakangising nakatingin sa akin habang hawak ang isang mamahaling bulaklak.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon