"Niana..."Nagising ako nang maramdaman ang halik niya sa leeg ko. Kumalat din agad ang pagod at pananakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung ano 'yung una kong igagalaw hanggang sa unting-unti ko nang naaalala ang nangyari. Dahan-dahan akong nahimasmasan.
Namilog agad ang mga mata ko.
"Aries-"
"I love you..." hinalikan niya agad ako. Isang ekspresyon lang ang nakita ko sa mukha niya. Ginusto niya ito at alam ko rin kung gaano ko inialay ang sarili ko sa kanya, kung ano iyong nakuha niya. Tumingin ako sa mga mata niya na wala man lang bahid ng kung anong pagsisisi o paghihinayang. Agad kumalat ang hiya sa sistema ko.
Patawarin sana ako ni Tatay!
May nangyari sa amin! Nadala ako sa init ng nararamdaman ko... may nangyari sa amin... kahit wala kaming relasyon at talagang nangyari bago kami ikasal!
"Aries... Iyong trabaho ko," sabi ko tsaka sinubukang bumangon at iniabot ang damit ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumuso. Uminit ang pisngi ko nang makita ang katawan niya. Hindi masyado natatakpan ng puting tela ang kabuohan niya dahil wala masyadong gamit dito sa kwarto at puro supplies lang ng bahay.
"It's okay. Sila Sagi na ang bahala."
Umawang ang bibig ko. Wala pang limang segundo, nasapak ko na siya. Tawang-tawa siya dahil talagang nagulat ako na kasabwat niya ang mga kapatid niya dito!
"Huwag ka na kasing magselos... Tingnan mo tuloy, nawawala ang pagpipigil ko kapag nakikita kitang nagseselos. Gustong gusto kitang kagatin, halikan at-"
"Tumahimik ka nga!" sigaw ko at agad na tumayo para makapagbihis.
Hiyang hiya ako kaya kahit masakit ay tumalikod ako pero ramdam ko ang tingin niya sa katawan ko. Hiyang-hiya ako! Lord, bakit naman kami humantong sa ganito...
"Niana," sinubukan niya akong yakapin mula sa likuran kaya natigilan ako.
Iniabot niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"You said you love me... totoo naman iyon di'ba? Hindi mo naman ako niloloko at mas lalong hindi mo sinabi iyon dahil sa init ng katawan mo," bulong niya.
Kinagat ko ang labi ko dahil naalala ko kung paano ko sinabi sa kanya ang lahat. Dumausdos ang kamay niya sa kamay ko. Hinalikan niya ulit iyon kaya napatingin ako sa mukha niya. Para siyang batang nagmamakaawa sa akin. Ilang beses kong naramdaman ang dampi ng labi niya kaya halos antukin na ako.
"Niana... tell me... girlfriend na kita, right? Gusto mo ligawan kita hanggang sa pormal mo ibibigay sa akin ang sagot mo. What do you want? Anong gusto mo sa relasyong ito? Come on, honey... tell me."
"M-masyado atang mabilis to, Aries. Ang mga magulang mo... hindi ko alam kung paano ko sasabihin-"
Ginamit niya ang hintuturo niya para pigilan ako.
"Alam na ng mga magulang ko kung gaano ako kabaliw sa iyo. You don't need to worry about them."
Matagal ko siyang tinitigan. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
"Kailangan ko nang lumabas. Aries, may trabaho ako."
Ngumiti siya at dahan-dahang tumango. Siya na mismo ang umayos ng damit ko kaya pulang-pula ang mukha ko sa pinag-gagawa niya. Yinakap niya muna ako bago siya tumalikod at mabilis na nagbihis. Kaunting galaw lang ng kamay niya ay parang nagmamarka agad sa akin kung gaano kaganda ng katawan niya. Bata pa siya pero alam kong may mas ikakaganda pa iyon.
Lumabas kami ng kwartong iyon. Mabuti nalang at walang nakakita sa amin. Dali-dali akong pumunta sa banyo at halos tumili dahil sa nangyari. Hindi ko nga siya magawang lingunin kahit na tinatawag niya ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomansaWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...