"Sigurado ka bang hindi niya girlfriend 'yon? Ex niya na?"
"Hindi ko alam, Faith."
"Ang ganda ha! Pero... mukhang maldita. O ganoon lang talaga dating ng mga batang mayayaman?"
"Hindi ko alam," matipid akong sumasagot sa tanong niya dahil hanggang ngayon naiinis ako. Ayoko lang malaman ni Faith 'yon at baka kung ano na naman ang isipin... tsaka hindi ko naman kilala ang pagkatao niya kaya hindi ko naman talaga alam.
"Hindi naman lahat ng anak ng mga mayayaman, suplada."
Totoo iyon. May mga classmate si Gelo na anak ng mga mayayaman pero 'di naman masama ang ugali. Siguro depende lang talaga sa tao. Kasi kung maldita, maldita talaga.
Kinuha ko ang mga gulay sa ref at hinugasan 'yon. Seryosong seryoso ako sa ginagawa ko. Hindi ko nga masyado sinasagot si Faith kasi hindi ko na iniisip pero napalingon nang bigla akong sikuhin ni Faith.
"Sinundo ka raw ni Aries? Bakit?" nang-aasar na naman siya.
Tumango ako. "Sinundo niya lang ako dahil gusto niya lang. Pambawi na rin siguro sa kabastusan—"
"Weh? Talagang iyon lang? Pansin ko nitong nagdaang araw ha, iba kong makatitig sa iyo! Baka may gusto sa iyo 'yan—"
"Hindi." Umiiling ako kasi imposible. May babae nga kanina eh.
"Biglaan—"
Isinantabi ko muna iyong ibang gulay. "Bakit siya magkakagusto sa katulad ko? Sa isang katulad ko, Faith? At tsaka, ang tanda ko para sa kanya. Sa tingin mo, hindi niya mas pagtutuunan ng pansin ang ibang babae na.. mas bata, maganda at mayaman?".
Wala ako sa sariling napalingon sa sala kung saan kasama ni Aries iyong babae kanina. Nang matauhan at naisip kung ano nga ang ginagawa ko, binalik ko agad ang tingin ko sa gulay dahil nararamdaman ko na ang kakaibang titig ni Faith.
"Nagseselos ka ba?"
"Hindi."
"Tunog nagseselos ka," wika niya.
"Hindi ako nagseselos." Umiling pa ako.
"Crush mo si Aries—"
"Nagtatrabaho lang ako. Tayo, di'ba?" Tumaas na iyong kilay ko kasi 'di na ako natutuwa sa mga biro niya. Hindi na rin ako kinulit ni Faith. Tahimik na kasi ako at seryoso lang sa pagta-trabaho. Alas dyes na nang umalis si Aries para pumasok kaya nagawa kong maglinis sa sala. Nag-ayos na rin ako ng libro sa library at nagpalit ng kurtina at iilang bed-sheets sa mga kwarto
"Niana?"
"Po?"
"Magkasabay kayong dumating ni Aries kanina... Sinundo ka ba niya?"
Napatingin si Faith sa akin dahil sa tanong ni Nay Kusing. Tahimik kaming kumakain ng tanghalian nang itanong niya 'yon kaya hindi ko maiwasang mailang man lang... o mahiya.
Tumango ako. "Opo."
"Pinopormahan ka ba niya?"
Halos mabilaukan ako sa pahabol na tanong ni Nay Kusing! Agad akong umiling para klaruhin na walang namamagitan sa amin at walang ganiyan nangyayari. Natawa si Faith sa naging reaksyon ko.
Umismid si Nay Kusing. "Hindi na ako magtataka kung isa sa inyo ang magkakagusto sa mga alaga ko. Gwapo ang magkapatid at hindi ko rin naman itatanggi na talagang maganda kayo... Ang sa akin lang ay kung meron mang namamagitan sa inyo, sana hindi maapektuhan ang trabaho—"
"Wala pong ganoon, Nay."
Kaya lang, ang daldal ni Faith! Dinadamay pa si Nanay sa pagiging malisyosa niya kaya ayun, kumbinsido na rin si Nanay na intersado raw si Aries sa akin.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomansaWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...
