Chapter 13

415 17 0
                                    

Nakabalandra ang mga damit na binili sa akin ni Aries. Puros mga magarbo at nakakalokang presyo ang nakadikit sa tag kaya pinag-awayan namin iyon pero matigas ang ulo niya at binili pa rin iyon para sa akin.

Kahit hindi naman kailangan, e. Nakukuntento naman ako sa murang damit pero masyado siyang maarte at gustong mamahalin iyong isusuot ko.

"Gaga ka! Ang mahal mahal nito. Talaga bang nilibre ka niya? Di kaltas sa sweldo mo?" tanong ni Faith na kanina pa tsi-ni-check ang mga pinamili kong damit. Hindi rin niya nakayanan ang mahal no'n.

"Sana nga kinaltas na lang... kaso hindi. Ayokong isipin niyang pinagsasamantala ko iyong nararamdaman niya kuno sa akin para bigyan ako ng mga ganiyan. Ayokong pinag-gagastusan niya ako," sagot ko at napaupo sa kama ko. "Ni hindi ko nga maisip ang kung anong dahilan kung bakit niya ako binilhan ng mga magagarang damit, e. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Nahihibang na talaga si Aries, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya."

"Tinamaan nga talaga sa iyo."

Sumama ang mukha ko. Kahit na anong waksi sa isipan ko lahat, hindi ko magawa dahil binabalikan pa rin iyon ng utak ko. Hindi ako nakatulog. Iniisip ko si Aries at naiinis ako na talagang nagagawa niya sa akin ito kahit na klarong-klarong pinagtutulakan ko siya sa intensyon niya sa akin.

Kung talagang seryoso siya o trip niya lang, kailangan kong lumayo. Kailangan kong iiwas iyong sarili ko sa kanya pero talagang sinasabi ko 'yan ngayon?!  E, heto nga ako ngayon, dilat na dilat at iniisip siya!

Kaya naman, hindi pa sumisikat ang araw ay nagising na ako. Agad akong naghanda ng almusal para sa pamilya. Halos magkasabay lang kaming pumasok ng kusina ni Nay Kusing na humihikab pang naglakad. Nagulat pa nga siya nang makita ako.

"Oh? Maaga ka ata?"

"M-Maaga po akong nagising," kahit na hindi ko alam kung nagawa ko bang matulog.

Tinulungan ko siyang maghanda ng almusal. Unang nagigising si Sagi at naauna ring umalis ng bahay para pumasok. Huli na talagang bumababa si Aries dahil kadalasang nagsisimula ang klase niya ng alas dyes o minsan ay tanghali na. Wala rin ata talaga sa bokabularyo niya ang maagang magising dahil minsan, inuumaga siyang mag-aral.

"Niana? Kayo na ba ni kuya?" tanong ni Sagi na halos ikabitiw ko ng dala kong pitsel. Ngumuso siya at mas lalo akong inasar dahil sa reaksyon ko.

Umiling ako. "Hindi."

"Pa... hindi pa," may kung sinong biglang sumulpot sa likuran ko. Napaiwas agad ako ng tingin nang malaman ko kung sino iyon. Himala ata? Maaga ata siyang nagising ngayon? Nakasimpleng pantulog lang siya—ternong kulay itim na pajama at tshirt lang pero...

Sige na nga, gwapo na talaga siya.

Bago paman ako kainin ng hiya dahil kay Aries, umalis na ako. Kahit na alam kong matalim agad ang tingin niya sa akin at ayaw akong lubayan. Bumalik agad ako ng kusina para maiwasan siya. Hindi ko kakayanin ang presensya niya at hindi iyon maganda lalo na't kasama niya ang kapatid niya.

"Niana... Pakilabas naman ng mga basura para makuha ng mga collector mamaya."

Kinuha ko na agad ang mga basura at idinala iyon sa labas. Hindi naman ako nag-rereklamo do'n. Hindi ako katulad ni Faith na ang pagtatapon na ata ng basura ang pinaka-ayaw niyang gawin. Kaya lang, bago pa man ako tuluyang makalabas, agad na may sumikop sa akin kaya hindi ko mapigilan ang pagtili ko.

"Aries!"

Nabitiwan ko ang mga basura. Mabuti nalang hindi ito nagkalat sa sahig kasi kapag pag nagkataon, dodoble na naman ang lilinisin ko!

"Ano ba?!" Ang sama na ng tingin ko sa kanya. Tinulak ko pa siya pero tawang-tawa pa siya sa ginagawa niya!

"Sandali lang..." bulong niya nang maipasok ako sa isang storage room nila. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya at agad na nataranta.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon