- This is just a short special chapter. This is not the same special chapter na ilalagay ko sa physical book. Namiss ko si Aries ko hahahaa
SC#1
Napatingin ako sa tatlong pregnancy test na hawak ko.
Lahat sila ay parehong negative.
Na naman.
Ilang pregnancy test na ata ang nasayang dahil sa falsity ko.
Pumikit ako at napahilamos sa sarili. Masyado ko atang prini-pressure ang sarili ko na mabuntis ulit. Iniisip ko masyado na akong matanda kapag pinatagal ko pa. Nauubusan na ata ako ng oras. Nanatili ang tingin ko sa salamin pagkatapos kong ipatong ang mga nagamit na P-Test sa tukador.
Napabuntong-hininga nalang ako.
Pitong taon na simula noong isilang ko si Rackel. Hindi madali ang pagbubuntis ko sa kaniya at mas lalo na nang ilabas ko siya. Halos na trauma rin ata si Aries nu'n. Alam kong pareho kaming nahihirapan dahil sa pagiging komplikado ko. Nadamay pa nga iyong trabaho niya. Nakakahiya.
Pinilit ko namang maging normal delivery pero halos naningil 'yung katawan ko pagkatapos ko siyang inilabas sa sinapupunan ko. Delikado kasi akong nagbuntis sa kaniya kaya hindi ko rin maalis kay Aries ang mag-alala na mabuntis ulit... kahit na alam kong gusto niya pa ng isang anak.
Pero napri-pressure na ako. Kasi alam kong gusto niya nang masundan si Rackel... hindi niya lang talaga masabi. Ayaw niya lang sabihin.
"Hindi pa ba buntis si Niana? Sundan niyo na si baby Rackel!"
Tumawa lang si Aries.
Tinatawanan niya lang ang mga pinsan niya.
Natatakot ako.
Gabi na at dito sa bahay naisipan ng mga pinsan niyang tumambay at mag-inuman. Naririnig ko silang napag-uusapan ang kung ano-ano... Madalas nilang mapag-usapan ang business, tapos may pinag-uusapan silang tao tapos babalik ulit tungkol sa mga trabaho nila tapos magtatawanan at mag-aasaran. Tuwing linggo ng gabi sila nagkikita at nagtitipon kaya hindi rin maiwasang kantyawin siya ng mga pinsan niya.
"Ang hina mo, Aries. Buti pa si Leo... nakadalawa agad at mukhang magta-tatlo na!" si Rios naman ngayon ang nang-aasar sa kaniya.
"If ibibigay ni God... then I'm very thankful." Natawa ulit si Aries. "But I don't want to take risk anymore... not my Niana. I love babies but I love Niana more."
"Cringe. Kung ako sa iyo, husayin mo ang sperm mo." si Calyx.
"Sabihin mo... I want another baby! Lezzgo! This time, boy naman!"
Sa tuwing naririnig kong napag-uusapan nila ang tungkol sa bagay na iyon, natatakot ako. Parang may kung anong nakapasan sa likod ko...
Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko. Sinanay ko ang sarili ko sa madamong pagkain. Ng-e-exercise din pagkatapos kong asikasuhin lahat ng kailangan ni Rackel. Pinagbibigyan ko rin si Aries sa tuwing nasa mood siya pero... wala pa ring nangyayari. Pinagbubutihan ko! Nag research pa nga ako... ng... uh... best position kasi iyon ang sinabi sa akin ng asawa ng pinsan niya. Best positions for sex to have a baby. Namula ako sa nagawa ko. Naririnig ko kasi ang boses ni Sa-ab kaya hindi ko maiwasang mahiya sa pinag-gagawa ko.
Natatakot nga ako baka mamaya, hindi iyon magustuhan ni Aries... at magalit siya.
Ano ba kasing nangyari at nabaog ata ako bigla? Nagka problema ata ang katawan ko kasi malabong... si Aries ang may problema. Alam kong healthy naman siya.
Pinilig ko ang ulo ko sa naisip.
Hindi na talaga maganda ang naiiisip ko. Para akong lalagnatin. Nagiging praning lang ako. Mas sinasaktan ko lang ang sarili ko dahil ilang beses na rin akong nabibigo na nakabuo nga kami.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
Roman d'amourWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...