Submitted to:
Engr. Aries Gavine Castillo, ECT
Napakurap-kurap ako sa pangalan niya.
Sobrang ganda.
Kahit na galit ako sa kanya, hindi ko itatanggi na kahit papaano ay proud na proud ako sa narating niya. Alam kong importante sa kaniya 'to. Alam ko kung paano siya nagpakahirap mag-aral gabi-gabi para lang makapasa.
Napalunok ako at tinitigan ang project paper ng kapatid ko. Pinaglaruan siguro talaga ako ng tadhana dahil naging professor pa siya ng isang subject niya.
Noong una... inisip kong baka nagkataon lang dahil parehong Cor Jesian ang dalawa pero... hindi ko rin maiwasang isipin na baka sinadya ni Aries ang lahat. Na baka pinili niyang magturo kahit na lisensyadong engineer na siya para lang mapalapit sa... akin.
Ang kapal naman ata ng mukha ko?
Pinalayas ko siya. Dahil hindi pa ako handang magpatawad.
"Ate? Luto na ang pritong manok mo," lumingon ako sa kapatid ko at agad na binaba ang project niya. Nakita kong natawa siya nang ibaba ko iyon kaya tinampal ko na dahil kung ano-ano na naman ang iniisip.
"Hmmm? Nagkita ulit kayo, Ate?" tanong niya.
Binaliktad ko muna ang manok. "Oo pero wala namang nangyari."
"Talaga ba? Hindi mo siya.. kinausap tungkol sa nakaraan ninyo? I mean... kahit closure man lang?"
Umiling ako. "Ayokong pag-usapan iyon... at tsaka, ayoko munang makita siya."
Natawa siya. "Bitter ka?"
Hindi lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa amin. Alam ng pamilya ko ang nangyari sa akin dahil hindi ko kayang itago sa kanila ang lahta. Ayoko rin namang magsinungaling. Totoong nahirapan ako noon kaya kailangan kong magkaroon ng masasandalan at iyon ay ang pamilya ko.
Ngumuso ako. "Ayoko lang muna siyang makausap... Bitter na ba tawag nu'n?"
Pinagtawanan lang ako ng kapatid ko.
"Alam mo... sobrang strikto pa naman niyan, sa akin lang hindi." Natawa ulit siya. Hindi ko napigilan at nilingon siya kaya mas lalo pa siyang natawa sa reaksyon ko.
"Oo...totoo. May favoritism siya. Ang hirap-hirap niya kayang lapitan, tsaka, mahigpit siya sa mga plates namin pero pagdating sa akin, palaging may consideration at kung may mali man, kaunting sermon lang tapos ngingiti. 'Di tulad sa ibang estudyante na... terror kung tawagin siya. Palagi kasi siyang nakasimangot. Ang tawag nga sa kanya ng mga seniors namin ay Sir Saki... kasi nambabagsak daw."
Kumunot ang noo ko. Pwede ba 'yon? Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti. Alam kong hindi tama na maging unfair siya sa mga estudyante niya pero... kinilig naman ata ako dun? May kung anong gumagalaw sa sikmura ko.
Pinilig ko ang ulo dahil sa naisip. Baka ginutom lang ako sa priniprito ko.
"Akala ko nga... na wala lang iyong pagiging mabait niya sa akin dahil buong akala namin at ng departamento na girlfriend niya si Engr. Gomez pero hindi naman pala. Mukhang inlove na inlove talaga sa iyo, Ate! Iba ka!" Inasar niya pa ako nang inasar kaya wala akong ibang ginawa kundi ang irapan siya.
"Huwag kang mag-alala, Ate. Lisensya at diploma lang ang lamang sa iyo ni Engr. Gomez... pero para sa akin, the best ka pa rin," dagdag niya.
Halos ibato ko na sa kanya ang sandok dahil hindi niya ata ako titigilan sa pang-aasar. Minsan na nga lang kami magsama dahil pareho na kaming busy at walang oras, tapos ngayon na nandito ako ay nang-aasar pa siya.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
Roman d'amourWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...