"Huy! Okay ka lang?"
Pinatay ko 'yung faucet dahil kanina pa pala umaapaw iyong tubig na sinasalin ko. Nagmura ako sa isipan ko dahil kanina pa ako okyupado at halos wala sa sarili. Hindi ko na nagagawa ng maayos ang trabaho ko.
"Oo," pangungumbinse ko sa sarili ko.
Alam ko ang linya sa pagitan namin ni Aries. Kung bibigyan ko ng pansin ang nararamdaman ko, alam kong masasaktan lang ako. Ang dami kong nakikitang nahihirapan dahil... nasasaktan sila at ayokong magaya sa kanila. Kung totoo man ang sinasabi ni Aries tungkol sa nararamdaman niya, pwes, hindi tama iyon at kailangang itigil. Magkaiba kami ng mundo at 'di dahil gusto niya ako, pwede na.
Dahil may mga bagay na kahit gustuhin na'tin, may hindi pa rin pwede.
At iyon ang gusto kong maintindihan niya. Bukod sa mahirap ako at walang natapos, ayokong sayangin ang respeto sa akin ng mga magulang niya. Pinagkatiwalaan nila ako. Ayokong masira iyon. Importante sa isang katulad ko kung saan ako lulugar. Tiwala at respeto—iyon lang ang inaalala ko.
"Bakit naman hindi tayo sinama? Malalagot na naman tayo kay Dad! Hindi sanay si Kuya Aries na unimom, Kuya!"
Naghihiwa ako ng rekado nang salubungin ni Sagi ang Kuya Tau niya na galing pa sa school. Napatingin ako sa sala nang marinig ang boses nilang tunog may inaalala. Si Aries na naman ba? 'Eh hindi ko nga nakita 'yon mula kaninang umaga dahil ang sabi ni Faith, madaling araw pa nang umalis 'to. Akala ko magja-jogging lang pero hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik.
"Akala ko kasi kasama mo siya kaya hindi ko na siya pinilit na isama ako."
"Ang daming namamatay sa maling akala, Kuya. Patay talaga tayo kay Dad..." wika ni Sagi.
Napatingin si Faith sa akin. Ako naman, imbes makinig sa usapan nila, inabala ko nalang iyong sarili ko sa trabaho ko. Ayokong isama iyong sarili ko kay Aries. Ayaw ko nang makialam. Kasi gaya ng sabi ko...hindi tama. Mas mabuting ngayon palang, alam ko na iyon, na ginagawa ko na ang tama bago pa maging huli ang lahat.
Hindi pa naman ako hulog na hulog sa kanya.
Kaya pa. At tsaka, ang bilis talaga ng nangyari. Parang kailan lang, galit na galit siya sa akin.
Kaya lang kahit anong dedma ang gawin ko, patuloy akong ginagapang ng pag-aalala lalo na't lumalalim na ang gabi pero hindi pa rin siya nakakauwi. Hindi pa naman siya hinahanap ng mga magulang niya pero ang sabi ni Sagi... uminom daw kaya sila hindi mapakali.
Alas otso na nang hanapin siya ni Ma'am Rege.
"Wala pa ba si Aries?"
"Wala pa. Maaga siyang umalis kanina. Walang pasabi kung saan pupunta," sagot ni Nay Kusing.
"Sige... Tatawagan ko nalang."
At dahil nag-aalala nga ako, sumilip ako sa sala para sana makibalita kay Ma'am Rege. Nag-kunwari akong nagpupunas ng mesa pero ang totoo, gusto ko lang makakuha ng balita sa kanya.
"Ano bang nangyari, Niana?"
Halos mapaluhod ako sa gulat dahil na naman kay Faith! Sumunod siya sa akin. May dala pa siyang pamunas... para kunwari... naglilinis talaga kami.
"Pwede ba... huwag kang basta-basta sumusulpot?! Ilang beses na 'to ha, masasapak na talaga kita," naiinis kong bulong sa kanya bago ako naglakad ulit papuntang kusina dahil sa takot na baka marinig kami ni Ma'am Rege.
"May nangyari talaga,'eh. Kanina ka pa wala sa sarili... tapos umalis si Aries. May nangyari..." bulong niya. Ayaw niya akong tigilan. Napaka usisesera.
Sinimangutan ko siya. Hindi maganda ang pakiramdam ko tapos dumadagdag pa siya.
Papatulan ko na sana lahat ng asar niya nang may dumating na kotse sa labas. Napasilip kami ni Faith sa bintana at nakita si Aries na bumaba mula sa kotseng 'yun. Kung hindi ako nagkakamali, nakainom nga siya dahil halos magpa-gewang gewang na siya. Lumabas ang isang pamilyar na babae para alalayan siya at tuluyang makapasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...