Chapter 6

481 14 2
                                    

Nanunuot sa balat ko ang lamig. Gumagabi na kasi kaya ganoon nalang magparamdam ang hangin na lumulusot sa mga bintana. Kakatapos ko lang magpunas at bumaba ulit para ayusin ang iilang gamit sa kusina. Nakasuot na ako ng jacket at pantulog.

Sumunod din si Faith sa akin na humihikab pa habang nakapasok ang dalawang kamay sa loob ng kanyang shirt. Naka-ternong pajama na rin at handa nang matulog.

Nilingon ko ang itaas. Naririnig ko na ulit ang malakas na tawanan ng magpipinsan sa kwarto ni Sagi. Parang may nilalaro sila ng kung ano.

"Nag-inuman na naman siguro kaya ganoon nalang sila kaingay ngayon," si Aling Kusing.

Mukha nga dahil kani-kanina lang ay may bumaba para kumuha ng maraming yelo at canned beer sa ref. 

Maya-maya pa, nagpaalam si Nay Kusing sa amin kaya naiwan kami sa kusina. Habang abala kami sa pagliligpit, napansin kong may tumawag at hinahanap si Nay Kusing.

"Nay Kusing?"

Bumaba ang isang lalaki—-Ewan ko kung lalaki nga ba dahil ibang-iba ang kilos niya. Maputi ito at kulay gray ang buhok niya dahil sa hair color. Medyo chinito rin kaya hindi maitatanggi na mahitsura. Ngumisi siya nang makita niya ako.

"Hi!" Halos mawala na yung mga mata niya dahil sa lapad ng ngisi. "Leo nga pala... pero mas gusto kong tawagin mo ako ng Ley para hindi masyado boy na boy..."

Umawang ang labi ko nang mapagtanto kung ano siya. Nagkatinginan kami ni Faith. Parang nasasayangan pa siya dahil gwapo ito.

Pero ba't naman sayang? Kung ganiyan naman siya, okay lang naman.

"Sir—"

"Hep! Ley na nga lang. Nasi-stress ako kapag tinatawag niyo akong Sir... Ayoko nu'n!" reklamo niya tapos hinanap pa ng mga mata niya si Aling Kusing.

"Nasa HQ siya. Nagpalit lang ng damit. May kailangan ba kayo sa itaas?"

Umupo siya sa counter at tamad na nakahalumbabang nag-angat ng tingin sa akin. Inabot niya 'yong baso at agad na nagsalin ng tubig doon.

"Lasing na ako. Hindi ko sila kaya. Mga pro-drinker!" natatawa niyang sabi. Mukhang lasing na nga dahil may natatapon na kaunting tubig habang sinusubukang isalin iyon sa baso niya.

"Ako na..." kasi alam kong masasayang lang ang tubig.

Pinikit niya ang kanyang mga mata. Mukhang napaparami na ang inom nila kaya nag-aalala na rin ako. Kung ano-anong sinasabi at kinukwento niya hanggang tuluyan na siyang nakatulog sa kusina.

Kaya nang maabutan siya ni Nay Kusing, agad niyang pinatawag ang mga nakakatandang kapatid para buhatin na siya at umuwi.

Nagpagewang-gewang pang bumaba 'yung isa dahil sa sobrang kalasingan. Tawa lang sila nang tawa kahit wala namang nakakatawa. Kaya lang, natigilan sila nang umalingangaw ang boses ni Sir Arestair. Parang nabulabog iyong mga diwa nila.

"Huwag kayong lumabas! Magpapatawag ako ng driver na susundo sa inyo. Ang sabi ko ay huwag kayong sumobra kasi uuwi pa pero talagang ang titigas ng ulo ninyo, hindi kayo makuha ng isang salita man lang!"

Dahil sa sermon ni Sir Ares, para na sila ngayong sardinas na nagsisiksikan sa sala. Puro sila lasing kaya bagsak na bagsak ang katawan nila. Kaya lang, hindi ko nakita si Aries.

"Manang... Gisingin mo nga si Aries at patulugin mo sa kwarto niya para maiakyat na rin si Sagi at Tau... Lasing na ang mga 'yan kaya kailangan nila ng alalay. Please..." utos ni Ma'am Rege sabay baling sa dalawang anak niyang wala ng malay.

Ako na ang umakyat para kay Aries. Katulad ng mga pinsan niya, hindi na ako nagulat nang maabutang lasing na din siya. Para siyang patay na nakatihaya lang sa kama at pulang-pula hindi lang ang kanyang mukha, kundi kumalat din 'yun sa leeg at dibdib niya. Magulo rin ang buhok at may iilang drawing sa mukha. 

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon