"Mga gwapo pa rin ang mga bisita ng Aries mo!"
Kinurot ako ni Faith kaya agad kong inabot ang buhok niya at walang awang hinila iyon para makabawi.
"Tumahimik ka nga. Ang ba-bata pa nila." Pinagdilatan ko siya ng mga mata dahil gusto kong maintindihan niya na 'di tamang magpantasya ng mga bata.
"Hayan ka naman sa bata-bata mo ha! Ang isyu mo sa edad, dang. Hindi ka na ba updated sa social relationship gap ngayon? Walang may pake sa edad, Niana... Ikaw lang ata." Tinuro niya pa ako.
"Kapag mahal mo, mahal mo. Kahit pa ka-edad ng tatay mo, tiyuhin mo—kapag nasa tamang edad ka na... at mahal mo siya, wala namang mali doon!" sinuway niya pa ako na parang kasalanan ko pang ma-issue ako sa age gap na 'yan.
"Kilabutan ka nga."
"Nyenye," para siyang bata. "Manang ka talaga."
Sinimangutan ko siya kaya inasar niya na naman ako ulit kay Aries. Hindi ko na siya pinansin at mas nag-pokus nalang sa trabaho ko. Alam kong hindi niya rin naman maiintindihan 'yon. Tumungo ako sa garden para diligan ang mga halaman. Naririnig ko ang tawa nila kaya hindi ko maiwasang hindi sila lingunin.
Pero hayan na naman iyong lalaking grabeng makakatitig sa akin. Dahil sa kanya, hindi na ako lumingon ulit. Ganoon na ganoon din ako titigan ng mga kaibigan ni Aries sa party kaya inisip ko nalang na baka weird ako sa mga mata nila. Tinapos ko na ang trabaho ko at agad na bumalik sa kusina.
"Ate? Pwede po pahingi ng water?"
Napatingin ako sa boses na iyon. Siya iyong babaeng dumikit kay Aries kanina. Tumango ako at kinuha ang pitsel ng tubig sa ref at iniabot iyon sa kanya.
"Ah, Ate... ang sabi ni Aries, may gawa raw na brownies iyong Mommy niya. Pinapalabas niya ata—"
Natigilan siya nang biglang sumunod sa kanya si Aries. Nagawa niya pa akong kindatan kaya ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
"Baked to ni Mommy. I'm sure, ang sarap nito." Pagmamayabang niya pa bago inilabas ang isang tray ng brownies. Tumingin ulit siya sa akin pero ganoon nalang ang gulat namin nang tumili ang kaklase niyang babae.
"Vida!"
"Omg!"
Paano ba naman kasi... natapon iyong dala niyang tubig!
Nabasa ang damit niya kaya... namilog ang mga mata ko nang bumakat ang dibdib niya. Kumunot ang noo ko nang makita ang una niyang ginawa ay ang humarap kay Aries. Si Aries naman, nagulat at hindi alam kung bibitawan ang tray ng brownies. Agad siyang nag-angat ng tingin sa itaas.
"Aries... I'm wet!" maarteng sigaw ng babae habang pinapakita ang nabasa niyang damit.
Uminit ata ulit ang ulo ko.
Hindi ko napigilan at ako na ang kumuha ng tissue. Mukhang 'di alam ng batang ito ang magpunas! Hindi dapat siya humaharap ng gano'n lalo na't bakat na bakat iyong dibdib niya.
Napatingin sila sa akin kasi bigla ko lang iniabot ang tissue.
"Magpunas ka."
Tinitigan niya lang ako. Para bang ang sama ko pa kasi binigyan ko siya ng tissue.
"Aries? Hindi mo ba ako pahihiramin ng t-shirt mo?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko dahil mukhang may ideya na ako sa gusto niyang mangyari. Tumikhim si Aries at inilapag ang tray ng brownies sa mesa.
"Pahihiramin... Sandali—"
"Can I go with you? Sa room mo nalang ako magbibihis."
Teka? Ano raw?!
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...