Chapter 28

547 13 1
                                    

Nakakapanibago ang ginagawa ni Aries. Napapadalas ang pananaglit niya dito sa apartment kaya hindi ko magawang hindi mahiya kay Tiyang. Araw-araw nagbibigay ng mamahaling bulaklak at regalo.

"Tiyang... Pasensya ka na kay Aries at makulit talaga—"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong okay lang. Mas mapapanatag ako kapag nandiyan siya. Hindi rin kasi ako makapante sa tuwing iniiwan kita dito. Mabuti nalang at nandiyan siya para samahan ka.. Kahit pa-paano ay hindi ako mag-aalala sa iyo," aniya sabay subo niya sa pagkain.

Ngumiti ako.

 Kahit ako rin mismo, alam kong hindi ko siya mapipigilan. Pursigido siya at mapilit. Wala nga akong nagawa nang sabihin niyang isasama niya ako sa birthday party na dadaluhan. Ayan na naman ang party na 'yan. Hindi ko nga alam kung paano makihalubilo sa mga taong... katulad nila.

Nanlamig ako nang maalala ang lahat pero lagi niya namang sinasabi na... kahit anong mangyari, hindi niya na ako iiwan.

Pero hindi pa rin ako sigurado.

"Please trust me... kahit ngayon lang. Hindi na mauulit ang nangyari ng gabing 'yon.."

Iyon ang lagi niyang sinasabi.

Hindi niya naman maalis sa akin ang matakot. Malaki ang epekto sa akin ang nangyari kaya hindi ko alam kung kakayanin ko pang humarap sa maraming tao—sa mga mayayamang katulad nila.

"Lumaki ata dede mo?"

Agad kong tinakpan ang dibdib ko. Namula agad ako sa sinabi niya. Nagbibihis ako tapos... bigla lang siyang pumasok! Hindi ko alam na pwede niyang gawin iyon! 

Oo nga pala at... mayaman siya kaya malaya niyang gawin ang gusto niya dito sa mall! Palibhasa at kilala ng ama niya ang may-ari ng Gmall kaya malakas ang loob niyang pumasok.. Pero hindi pa rin iyon tama!

"Aries... ano ba.. Ladies fitting room 'to... bawal ka dito!" sipat ko sa kanya pero ngumisi lang siya at imbis na lumabas, ni-lock pa niya ang pinto!

"Sinabi ko sa sales lady na buntis ka at kailangan mo ng alalay," natawa ulit siya. "Pero bakit nga ba lumaki ang dede mo?"

Napapikit na ako.

"Baka may gatas na 'yan? Baka buntis ka na? Delay ba ang period mo? Naduduwal ka ba o di kaya'y nahihilo? Hmmmm? May sumisipa na ba sa tiyan mo? Pa-check up na—" sunod-sunod ang naging tanong niya kaya hinampas ko na siya ng hanger.

 Bumagsak ang damit ko kaya nakita niyang umalog iyon kaya imbes na ngumiwi, namangha pa siya!

"Aries... ano ba," pulang pula na iyong mukha ko. Naiinis na ako at nahihiya.

"I think... there's a milk there," turo niya sa dibdib ko. "For my baby." Umukit ng kakaibang ngiti ang labi niya.

"Hindi ka na nakakatuwa." Umirap ako at inayos ang bra ko.

Tinulungan niya akong ikabit iyon. Kahit kaya ko naman, matigas talaga ang ulo niya.

"Matigas na talaga ang ulo ko," bulong niya bago inayos ang damit ko.

"Huh?"

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. Ilang beses niya pa akong pinilit na pumili pa ng ibang damit para may pagpipilian daw ako. Okay na naman ako sa simple at naka-sale na dress. Hindi na naman kailangan na mapa Oxygen, Regatta at Penshoppe pa.

"Okay na ako sa dress na pinili ko!"

"How about your shoes? Sandal? Maraming magandang—"

"Sa ukay ukay na ako pipili! Mas makakatipid pa at siguradong tatagal sa akin," putol ko ulit sa kanya.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon