"Your dick really worked hard," bastos na sabi ni Sagi kaya binatukan siya ni Tau sa harapan namin. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang tumawa simula nang malaman nilang buntis ako.
"Is this part of your plan, Kuya? Ang buntisin siya para hindi siya na makawala?"
Namilog ang mga mata ko.
"Really? Nasa plano ko naman talagang hindi siya pakawalan at baka tadhana talaga ang gumawa ng paraan para maging akin siya."
Gumalaw ang panga ni Tau dahil gusto na ring matawa sa sinasabi ng Kuya niya.
"Kuya... you don't believe in destiny's shits... What happened?"
Pinatong ni Aries ang kamay niya sa hita ko.
"This love... happened."
Mas lalo silang natawa. Hindi sila makapaniwala sa sinasabi ng Kuya nila kaya kung saan-saan na napupunta ang usapan. Napag-usapan narin namin ni Aries ang tungkol sa pamamalagi ko ulit sa bahay nila habang tinatapos pa iyong pinapagawa niya.
"Okay lang naman sa akin ang maliit na bahay, Aries."
Hinalikan niya ang leeg ko. "Simple lang naman ang bahay na pinagawa ko para sa atin."
Ngumuso ako. Buti sana kung hindi ko siya kilala kaya maniniwala ako.
"We're going to share in one room—"
"Di'ba may bakante pang kwarto?" putol ko.
Tumaas ang kilay niya at nakahalukipkip na tumingin sa akin.
"Bubukod ka ngayong magkaka-anak na tayo?"
Umawang ang bibig ko. "Hindi pa tayo kasal."
"Ilang beses na tayong natulog na magkatabi, ha? Bakit ngayon ayaw mo na?" hindi siya makapaniwala sa tanong niya. Kumikirot na ang kilay niya dahil sa sinabi ko.
"Ayaw ko nga! Hindi pa tayo kasal!" pagpupumilit ko sa kanya. Agad akong kumuha ng unan at kumot bago tuluyang lumabas sa kwarto. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon at nagpapigil pa.
Pipihitin ko na sana ang pinto ng bakanteng kwarto nang makita ko si Aphrodite kasama ng yaya niya.Nagtama ang tingin namin kaya dahan-dahan siyang ngumisi. Ang cute niya!
"Hi!"
Natuwa rin siya agad sa bati ko. Ang gandang-gandang bata! Nasa limang taon gulang na si Aphrodite at manang-mana kay Ma'am Rege. Maputi at natural na maganda. Sana kasing-ganda niya si baby ko no.
"Matutulog na siya?" tanong ko sa yaya niya.
"Yes po."
Inabot ko ang pisngi niya kaya mas lalo siyang ngumisi sa akin. "Pwede ba akong matulog sa kwarto mo?" tanong ko. Hindi ko alam pero mas gusto ko siyang kasama kaysa kay Aries!
Nakita kong lumabas si Aries sa kwarto niya. Nakapagpalit na siya ngayon at supladong isinirado ang pinto. Nagtama ang tingin namin kaya agad na naman akong nairita.
"Sa kwarto ako ni Aphrodite matutulog!"
"Niana—"
Inabot ko kaagad ang kamay ni Aphrodite kaya kahit nagtataka ang bata ay pumasok na kami sa kwarto niya. Wala akong pakialam kay Aries na nakatunganga lang sa amin. Dapat niya akong pagbigyan ngayon dahil talagang iiyak ako kapag pinilit niya ako sa kwarto matulog!
Walang nagawa si Aries dahil seryoso ako. May kung ano siyang binilin sa yaya habang ako ay dumiretso na sa kama ni Aphrodite. Nagtataka pa nga siya pero hinayaan niya lang ako.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...