Note:
Hi! Just want to say this. About the story, if hindi kayo comfortable basahin ang ganitong genre, then you can skip this series. And I'm not tolerating pedo type of relationship. You can read my story to see it for yourself. End the story if curious po kayo. I'm not a veteran writer so bear with me, natututo pa rin po ako. Please don't hate me and my stories, especially this series. Thank you.
---
"Ang ganda mo!"
Kanina pa ako pinupuri ni Faith. Wala akong nagawa kundi ang pagbigyan si Aries dahil alam kong hinding-hindi niya ako titigilan. Ayokong umabot sa punto na pati mga magulang niya ay hihingi ng pabor sa akin tungkol do'n dahil mas lalong nakakahiya. Mas lalo lang akong walang magagawa kapag pinilit ako ni Mrs. Castillo.
Pero huli na ang lahat. Ganon pa rin naman ang nangyari.
"Ang sabi ni Aries, ikaw daw ang magiging date niya sa birthday party ni Drion." Ngumisi pa si Ma'am sa akin. "Actually, hindi naman kailangang may date pero sa tuwing may mga occassions silang magpi-pinsan, laging out of place si Aries kasi hindi naman nagdadala ng date ang batang iyon," si Ma'am Rege nang minsan niya akong kinausap tungkol sa party.
Napakamot ako sa braso ko. "Unang beses ko po kasing... naimbita sa isang magarbong pagtitipon, Ma'am... kaya hindi po ako kumportable."
"It's just a simple party, Niana. No need to worry tsaka... kasama mo naman si Aries. Sagi and Tau will be there too." Umupo siya sa sofa at inabot ang tsa'ang pinagawa niya sa akin.
"You should come."
Wala na akong nagawa. Hindi natuloy iyong plano kong umuwi sa amin dahil sa party na dadaluhan. Kabado man, wala rin naman akong alam sa party ng mga mayayaman. Alam ko namang ibang-iba sila magparty kumpara sa amin dahil hindi naman kami kinakailangang magkaroon ng bago at magarbong damit para mag celebrate.
"Naghihintay na si Aries sa baba," si Nay Kusing nang sumilip siya para tingnan ako.
Pinagkasya ko ang sarili sa salamin. Makulay na Niana ang nakikita ko. Ang kulay maroon na dress na nakatakip sa katawan ko ay bago sa akin. Hindi ko aakalaing mas babagay sa akin ang ganito... na dahil sa damit na 'to mas nakita ko ang hubog ng katawan ko. Ang pagkakatali ni Faith sa buhok ko at ang ayos nito ay simple lang din. Nakalugay pero ang dulo nito ay maalon. Binasa ko ulit ang labi ko at agad kong nalasahan ang tamis ng strawberry flavor ng liptint na ginamit sa akin.
"Ingatan mo 'yan! Iyan iyong sinuot ko sa graduation ko no'ng highschool... Ang luma na pero maganda at matibay pa rin!" sabi ni Faith habang itinuturo ang kulay itim kong sandal.
Ngumuso ako kasi saktong-sakto sa paa ko.
"Pwedeng akin nalang?" natatawa kong tanong.
Sumimangot siya at pinagtaasan ako ng kilay.
"Binilhan ka ng dress, dapat nagpabili ka na rin ng sapatos!"
Hinila ko agad iyong buhok niya.
"Gaga ka talaga."
"Bumaba ka na. Naghihintay na sa iyo ang alaga mo..."
Napatingin ulit ako sa salamin. Kailangan pa akong itulak ni Faith para tuluyang lumabas. Hiyang-hiya akong lumabas sa kwarto namin. Kahit na papak naman ako ng papuri, hindi ko maiwasang hindi mahiya dahil sa mga sinasabi nila. Pakiramdam ko... hindi bagay sa akin.
"She's here."
Narinig ko ang boses ni Sagi. Hindi pa pala sila nakaalis. Humigpit ang hawak ko sa dress ko lalong lalo na nang umangat ang tingin ni Aries sa akin.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...
