Warning: R-18
Hindi ko naiintindihan kung paano nagagawang kontrolin ng taong mahal na mahal mo ang sarili mo? Iyon bang pati ikaw... hindi mo kailan naisip na kaya mong gawin ang bagay na iyon? Na kaya mong kainin lahat ng sinasabi mo at paninindigan mo.
Tulad ngayon...
Tuluyan na rin akong nawala sa sarili ko. Napatunayan ko na rin na talagang mahina ako sa kanya, na ang hirap niyang hindi patawarin. Humarap ako sa kanya kahit na tumutulo ang luha ko.
Labi niya lang, tunaw na kaagad.
Hinalikan niya ako... at hindi man lang ako umangal. Nanatili ang halik niya sa akin at bumagal lang iyon nang maidilat niya ang kanyang mga mata. Alam kong ayaw na ayaw niyang umiiyak ako pero hindi ko mapigilan. Hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak at para saan ang luha ko. Wala akong kontrol sa emosyon ko, ni sa nararamdaman ko nga wala. Gustuhin ko mang magalit at ipagtabuyan siya papalayo pero... sa tuwing iniisip kong itakwil siya, bumibigat lang lalo ang pakiramdam ko. Nahihirapan lang ako. Sapat lang na ayokong gawin iyon.
"Umiiyak ka ba dahil hinahalikan kita?" may badya ng takot ang tanong niya.
Umiling ako.
"Nasaktan ka ba dahil bumalik ako?" tanong niya ulit.
Umiling ulit ako.
"Ayaw mo ba—"
Hindi ko siya pinatapos sa kung anong sasabihin niya. Hinalikan ko ulit siya kahit na parang gripo ang pagtulo ng luha ko. Kahit na masakit pa rin... pero siya pa rin naman ang gusto ko. Mahal ko pa rin naman siya, walang pinagbago.
Lumipat ang hawak ko sa batok niya. Lumalim ang halik namin at walang awang pinasan ako. Habol-habol ko ang hininga ko dahil magkadikit ang mga tungki ng ilong namin—parehong tinititigan ang isa't isa.
Gumalaw ang kamay niya sa likod ko at dahan-dahang naglakad.
"Where's your room?" tanong niya gamit ang kanyang mainit na boses.
"D-Doon," turo ko sa kaliwang pinto. Hinalikan niya ulit ako at sa sobrang lalim nu'n ay siguradong hindi na ako makakaahon. Naramdaman ko nalang ang pagpasok namin sa kwarto. Binaba niya ako sa kama ko bago siya tuluyang naghubad sa harap at tinitigan ako na para bang hindi siya nakukuntento. Na-estatwa ako nang... makita ang pangalan ko sa dibdib niya. Hinalikan niya ang pisngi ko pero hindi pa rin maalis ang tingin ko sa tattoo.
"You want to touch it?" bulong niya.
Hindi na ako umimik at inabot ko iyon agad. Hindi ko alam na maganda ang pangalan ko. Pakiramdam ko, magandang maganda iyon dahil inukit niya iyon sa dibdib niya.
"I can't believe that I pushed you away before," sabi niya bago gumapang ang kamay sa loob ng damit ko. "That fucking lie..."
Umawang ang bibig ko nang maramdaman ang nangingiliti niyang kamay sa loob ng bra ko at pilit na kinakapa ang sensitibong parte ko doon. Pumikit ako at bahagyang lumiyad kaya walang awat niyang hinalikan ang leeg ko.
"Uhm—" tinakpan ko ang bunganga ko. Malaya na ang dalawang nabubuhay sa dibdib ko at nang ipasok niya iyon sa bibig niya at parang nakikipagespadahan sa dila niya, nawala na ako sa wisyo. Napakapit ako sa bedsheet. Masakit dahil naramdaman ko ang gigil niya pero mas lalo lang akong lumiyad.
"Aries..."
"I won't leave you again.." Umakyat ang halik niya sa labi ko. "I won't push you away again." Ngayon naman ay nasa tungki na ng ilong ko. "This time, I won't break my promise," hinalikan niya ang noo ko at hinaplos ang basa kong pisngi. "Kasama mo na ako kahit anong mangyari... sa kahit anong araw at oras. No more lies, Niana. You're always my truth now."
![](https://img.wattpad.com/cover/270750232-288-k278173.jpg)
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...