Chapter 22

652 17 0
                                        

"Hindi ako aalis dito."

Nakatingin lang si Faith sa akin. Nirerespeto niya ang pananahimik ko tungkol sa amin ni Aries. Pero... hindi ko parin kinaya. Naramdaman ko ang simpatya niya kahit hindi niya sabihin. Hinagod niya ang likod ko na para bang hinihika ako. Humagulgol ako at sinubukang huwag umiyak. 

"Gusto kong malaman kung anong nangyayari pero mukhang hindi mo pa kayang sabihin sa akin.  Hindi kita pipilitin." 

Pinahid ko ang luha ko.

 Oo, nasaktan ako. Nasaktan ako at nainsulto sa lahat ng sinabi sa akin ni Aries. Inisip ko lahat ng matatamis niyang salita niya sa akin para lang makuha ang loob ko. Mas lalo lang akong nagmukhang tanga...na talagang naniwala ako sa kanya.

Sinaktan niya lang ako ng ganoon ganoon lang at dinadamay niya pa ang trabaho ko. Umiling ako. Hindi dapat ganito. Kailangan ko ang trabahong ito kaya susubukan kong pagtimpian ang galit niya. Susubukan ko pakisamahan ang pag-iinsulto niya para sa pamilya ko. Iyon naman ang rason kaya bakit ako nandito.

Pinanindigan kong kakayanin ko kahit na pinaparamdam niya sa akin na hindi niya talaga ako kailangan at tinitingnan na parang nandidiri siya.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba talaga aalis, Niana?" 

Inilapag ko ang juice na pinakuha ni Nay Kusing para sa kanya. Trinangkaso kasi si Nanay kaya ako na ang umako sa mga utos ni Aries. Hindi ko rin naman gugustuhing ipag-akyat siya ng meryenda dahil gusto kong isalba ang sarili ko sa kanya para sa trabaho ko.

"Hindi ako aalis dahil nagta-trabaho ako nang maayos," sagot ko. 

Matalim ang tingin niya sa akin. Mayabang siyang nakapang-dekwatrong  at hinahanapan ako ng mali para masunod lang ang gusto niyang umalis ako dito.

Ang akala ko'y kaya kong pagbigyan ang galit niya pero hindi ko pala kayang masikmura. Lahat ginawa niya para pahirapan ako. Para umalis ako. 

"Who cooked this? Ni wala man lang lasa! Palpak ang trabaho, wala talagang nagawang matino."

Halos iyakan ko ang natapong pagkaing niluto ko para sa kanya. Tatlong oras kong inihanda iyon. Alam kong paborito niya ang nilagang baka pero dahil siguro ako iyong nagluto, hindi niya nagustuhan iyon kaya sa huli, natambak lang sa lababo.

"Tss... trying hard," iyon lang ang sinabi niya bago siya padabog na umalis sa hapag-kainan at umakyat. 

Ilang gabi kong iniyakan 'yon. Kahit na ramdam ko ang awa ni Faith at kahit ng mga kapatid ni Aries.  Minsan, nahuhuli kong napapatingin si Tau sa akin kaya nagagawa kong ngumisi sa kanya para sabihing okay lang ako.

Sa huli, nasanay na rin ako kay Aries. Ganito naman talaga, ito naman talaga ang Aries na nakilala ko. Bastos, suplado, maldito at nagmumukhang walang modo.

Inisip kong kakayanin ko lahat para sa pamilya ko.

Iyon din ang akala ko... na talagang kaya ko.

"Talaga diyan tayo?"

Hindi ako lumingon. Nasa kusina ako nang marinig kong humagikgik ang babaeng kasama ni Aries. Alam kong si Khloe iyon. Hindi ko na kailangang lumingon pa para masigurado. Dahan-dahan kong pinunasan ang mga kubyertos. Kinagat ko ang labi ko nang marinig ang mga halinghing ni Khloe.

"Aries? Gabi na at may bisita ka pa?" tanong ni Nay Kusing.

"May gagawin lang kaming project. Don't worry, Nay... Nagpaalam ako kay Mommy at Daddy."

Natahimik na sila. Siguro umakyat na para gawin... kung ano man ang gagawin nila.

Napaigtad ako nang maramdaman ang haplos ni Nanay. Halos pumula na ang labi ko dahil sa pagtitimpi. Pumungay ang mga mata ni Nanay kaya sinubukan kong ngumiti kahit na may mga luhang tinatraydor ako.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon