"Niana? May tao sa labas. Kanina ka pa niya hinihintay," sabi ni Tiya Linda na sumilip mula kusina.
Ibinaba ko ang plorerang hawak ko at mapait na lumunok.
"Hayaan niyo siya tiyang... Aalis din iyan."
"Boyfriend mo ba?"
Umiling ako.
"Dating nobyo?"
Hindi ako umimik. Inayos ko na ang mga bagong biling pulang rosas ni Tiya.
"Gusto bang makipagbalikan? Bakit hindi mo papasukin para naman makapag-usap kayo?"
Ngumuso ako dahil alam kong hindi lang pag-uusap ang mangyayari sa amin! Nagawa niya ngang gawan ako ng hindi kanais-nais... kaya hindi ko na siya kakausapin!
Pumikit ako at halos mainis kung bakit siya bumabalik sa buhay ko. Ilang taon na ang lumipas pero bakit siya nagparamdam ulit?
Hindi biro ang dinanas ko. Pagkatapos niya akong palayasin sa buhay niya, gatilyo ang pagmamakaawa niya na umalis ako. Tapos ngayon, nagkukumahog siyang bumalik ako sa kanya?! Pinaglalaruan niya lang ba ako?
Naglalaro lang ata siya.
Ang daming nangyari! Kahit gustuhin kong manatili para sa trabaho ko at para sa kanya, hindi niya ako pinagbigyan. Ang makitang sinasaktan niya ang sarili niya para lang umalis ako...hindi ko kakayaning hayaan siya. Hindi ko kakayaning bumagsak siya. HIndi ko kakayaning sirain niya ang buhay niya at mas lalong hindi ko hahayaang bigyan pa siya ng pagkakataong saktan ako ulit. Ayoko rin namang sirain niya ang kung ano at sino siya... kaya umalis ako para sa kagustuhan niya.
Oo, mahirap. Mahirap dahil kinain ko ang paninindigan kong hindi ako magpapa-apekto para sa pamilya ko pero mahal ko rin naman si Aries. At sa tuwing tinataboy at gumagawa siya ng paraan na ikakasira niya, hindi ko kakayanin iyon.
'Di bale ng ako ang magkandakubang maghanap ng trabaho para kumita at maipadala sa pamilya ko!
Pareho kami ni Faith na umalis sa mansyon. Hindi ko hiningi iyon sa kanya pero pursigido na rin siyang umalis. Nga lang, naghiwalay kami nang kunin siyang kasambahay ng kapatid ni Sir Ares. At ako... mas minabuti kong putulin ang ugnayan ko sa kanila. Naghanap ako ng ibang trabaho. Nagawa kong maging tindera sa palengke. Hindi man kasing laki ng sahod ko, sapat pa rin naman para sa pamilya ko. Kahit kakaramput lang, nagsumikap ako at nag-ipon!
Hindi ko na siya kailangan.
Dahil sa trabaho ko, nakilala ko si Tiyang. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Suki siya ng pwestong pinagta-trabahuan ko at saktong naghahanap siya ng katulong para sa anak niyang ilang taong nakikipaglaban sa sakit na cancer. At dahil alam kong mabait si Tiyang, pumayag ako. Mabait din ang anak niya kaya kahit papaano ay bumalik ang ginhawa ko sa pagta-trabaho. Bahagya kong nakalimutan lahat.
Kaya lang, naging mahirap sa akin ang nagdaang taon lalo na't namatay ang anak ni Tiyang. Napamahal na ako sa bata kaya masakit sa akin... para rin akong nawalan.
Pero sa kabila ng lahat, hindi nagbago si Tiyang. Lahat ng tulong niya at magandang pakikitungo, tatanawin kong utang na loob iyon. At sa pagkawala ng anak niya, hindi ko siya iiwan.
Naiintindihan niyang ganoon ang takbo ng buhay. May namamatay... at may nabubuhay. Masaya siyang natapos na rin ang paghihirap ng anak niya kaya mas naiintindihan ko ang pagmamahal ng isang ina. Na kahit masakit para sa kanila, kung para sa anak at sa ikakaligaya nila, okay na rin sila. Lahat gagawin nila.
Ganoon din ako sa pamilya ko. Ibibigay ko lahat para sa kapakanan nila. Nagpakatatag ako para sa pangarap ng mga kapatid ko.
Nanatili ako kasama si Tiyang at naging katulong niya sa negosyo hanggang sa lumipat kami dito sa apartment niya. Nagsilbi na rin akong tagabantay sa lahat ng umuupa dito. Malaking tulong sa akin kaya natawid ko ang pag-aaral ng kapatid ko na ngayon ay pareho ng nasa kolehiyo.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...