"Ate!"
Binaba ko ang dala kong bag nang salubungin ako ng mga kapatid ko. Matagal na simula no'ng huling bisita ko kaya ganoon nalang sila kawiling makita ako.
"Pasalubong ko, te? Nasaan na?"
Binatukan ko agad kapatid ko. Hindi pa nga ako tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay, may siningil na agad siya.
"Ate... May sasabihin ako sa iyo."
Inilapag ko ang dala kong bag sa sala at hinarap ang kapatid ko.
"Ano naman 'yan dong?"
"Bad news, te."
Napaupo ako at tinitigan siya.
"Malabo na 'yung nakuha kong scholarship. Wala na ako sa listahan ng mga bagong set of lists na mismong pinost nila sa page," malungkot na sabi niya.
Natigilan ako. "Huh? Bakit daw? May bagsak ka ba?"
"Hala! Wala ha! Nag-aaral ako nang matino tsaka—"
"Naku, Ate! Palagi nalang sila naghaharutan ng girlfriend niya! Nauubos na nga pera niya sa load dahil maghapong nagtatawagan. Hindi sila nagsasawa—"
"Tumihimik ka nga! Ate, huwag kang maniwala diyan. Nag-aaral ako nang matino no. Kahit na itanong mo sa teachers at sa mga kaklase ko... hindi bababa sa 90 yung grades ko. Sadyang hindi lang talaga ako sinuwerte at natanggal sa listahan nang makatatanggap ng libreng allowance," dipensa niya. Halos sipatin niya pa si Inday.
Bumuntong-hininga ako.
"Paano ba iyan? Makaka-graduate ka pa naman di'ba?" tanong ko.
Tumango siya. "Oo, Ate... pero mas mabuting may allowance pa rin. Malaking tulong din 'yon."
"Okay. Huwag kang mag-alala dahil sa susunod... ay magbibigay ako para sa allowance mo basta mag-aral ka lang nang mabuti. Iyon lang talaga akin, makapagtapos lang kayo... okay na sa akin 'yon." Ngumiti ang mga kapatid ko. Hindi rin nagtagal at dumating sila Nanay. Nagawa pa ngang masahiin ni Nanay ang likod ko. Napapikit pa ako dahil sa dulot ng sarap. Namiss ko ito!
"Kumusta ang trabaho mo?"
Napadilat ako bago ngumisi.
"Okay lang naman," sagot ko. Hinuli ko ang kamay ni Nanay bago hinalikan ang likod nun.
"Sigurado ka ba? Maayos ba ang pakikitungo nila sa iyo? Hindi ka ba nila minamaliit at ina-agribyado?"
Umiling ako. "Mababait sila, Nay. Kahit na mayaman sila. Marunong silang makibagay sa amin. Nirerespeto din nila kami."
"Mabuti naman kung ganoon. Kilala ko naman ang pamilya Castillo pero gusto ko lang makasiguro na maayos ka doon. Alam ko kung gaano ka nagpapakahirap para sa amin, anak. At totoong nahihiya ako dahil hinayaan kitang saluhin ang responsibilidad namin... para sa inyo. Ang hirap kapag wala kang pribilehiyong makahanap nang maayos na trabaho. Ang hirap-hirap kapag wala kang natapos," sabi niya habang umiiling.
Hinaplos ko ang kamay ni Nanay.
"Nay, kaya nga po ako nagta-trabaho para sa inyo. Huwag niyo na po isipin na nahihiya kayo. Ginusto ko pong makatulong at tumulong sa inyo. Kailanman huwag niyo isiping kasalanan niyong nagta-trabaho dahil pinili ko ito. Tsaka, mas gugustuhin ko pong makita ang mga kapatid ko na nakasuot ng toga at may ipagmamalaking diploma at patunay na talagang nagpursige silang makatapos. Doon palang, panalo na tayo, Nay. Kahit walang pribiheliyong sinasabi nila, na kahit mahirap tayo ay naisikap natin silang pag-aralin at makapagtapos.."
Sa pagkakataong iyon, yinakap ako ni Nanay. Nabuhayan ako kahit papaano dahil sa yakap niya. Sinulit ko ang araw na kasama ko sila dahil alam kong babalik din ako sa realidad ng syudad.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...
