Chapter 3

606 16 1
                                    

"Anong sabi mo? Pinadala si Karrick sa US?"

Tahimik kong inilapag ang almusal sa lamesa. Nakasunod din si Faith sa akin at dala-dala ang inumin nila. Seryoso silang nag-uusap habang kami ay nagta-trabaho lang nang tahimik.

Baka mamaya, may sumpungin na naman at ayaw kumain.

"I want coffee."

Natigilan si Faith dahil saktong sa kanya nakatingin si Aries. Pero ang gaga, binaling ang tingin sa akin na para bang ako dapat ang magtimpla nu'n para sa kanya.

"I said—"

"Ano bang gusto mo sa kape mo? Matamis o—"

"Normal coffee. Tamang tamis, tamang pait. Marunong naman siguro kayo nu'n, right?" pinagtaasan niya pa ako ng kilay. "Nakakaintindi ka naman siguro."

"Kuya! Don't be so rude," si Sagi.

"Okay, Sir. Sandali lang po." sagot ko at naglakad papasok sa kusina. Kahit na nagsisimula na naman akong mainis sa kanya, isinantabi ko nalang muna 'yon. Hindi ko namalayang padabog kong kinuha ang tasa. Tinantya ko nang maayos ang asukal at kape dahil si senyorito, masyadong mapili.

Mabuti nalang at wala na siyang nasabi sa kape ko. Mukhang wala na rin namang kailangan ang magkakapatid, nagdesisyon na kami ni Faith na bumalik sa kusina para makatulong kay Aling Kusing—ang mayordoma ng mansyon. Hindi siya masungit pero hindi ko rin naman masabing mabait siya. Minsan ko nang nakita na pinapagalitan niya ang mga kasama ko dahil pumapalpak sila at may nakakaligtaan pero kapag maayos naman ang trabaho ay pinupuri niya naman.

"Tapos na ba silang kumain?"

"Opo. Uh... Kailangan niyo po ba ng tulong?"

"Niana! Maglilinis muna ako sa itaas. Tawagin mo ako kung kinakailangan mo ng tulong ko."

Tumango lang ako at pumunta sa lababo. Nakita ko kasing may mga hugasin kaya huhugasan ko na.

"Ilang taon ka na nga, hija?" tanong ni Aling Kusing. Pinahinaan ko ang agos ng tubig bago sumagot.

"Twenty-six po," sagot ko.

"Hindi ka ba nag-aaral?"

Umiling ako. "Highschool lang po ang natapos ko dahil wala na kaming pera para pambayad sa pagkokolehiyo ko."

"Sayang naman kung ganoon. Kaya ka ba nagta-trabaho para makapag ipon at makapag-aral ka?"

"Hindi po. Nagtatrabaho po ako para sa mga kapatid ko. Magka-college na po kasi 'yung isa ko pang kapatid kaya pinaghahandaan ko. Ayoko kasing matulad sa akin na hanggang higschool lang ang natapos, na hanggang highschool lang kinaya ng pera namin."

"Wala ka na bang balak na bumalik sa pag-aaral. Bata ka pa naman. ha? Sayang naman kung susukuan mo na ang edukasyon mo," sagot niya. Napangiti ako. Sa tuwing iniisip ko 'yon, na kung mag-aaral ako ay totoong mas maraming opportunidad ang darating sa akin pero.. paano naman ang mga kapatid ko? Kung mag-aaral ako, sino namang magta-trabaho para sa kanila?

Hindi rin naman kakayanin ng sahod ko kung sakaling pare-pareho kaming mag-aral at paniguradong hindi kakayanin ng katawan ko 'yun.

"Okay na po ako na makapagtapos ang mga kapatid ko." sagot ko.

Matalim akong tinitigan ni Aling Kusing. Nga lang, pareho kaming napabaling kay Sagi nang sumulpot ito sa kusina.

"Sir? May kailangan po kayo?"

Ngumisi siya. "Nah... I can get a drink on my own. At tsaka, drop that sir. Hindi ako sanay diyan. Tawagin mo nalang akong Sagi since mas matanda ka naman sa akin." sabi niya habang binuksan ang pinto ng ref. "Or should I call you Ate nalang?" natawa pa siya habang tinatanong 'yun.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon