Chapter 16

445 12 0
                                    

Ilang beses niya akong hinalikan. Wala na rin akong control sa sarili ko dahil sa bagong pakiramdam. Kakaibang tensyon. Parang kinukuha niya lahat ng tyansa para makabawi ako. Siya ang gumagalaw sa lahat dahil ramdam kong bago pa ako sa halikan.

Ramdam ko ang gigil niya, na pinaparamdam niya s akin ang pagka-uhaw niya. Parang dampi ay hindi pa rin sapat. Halos hindi ko alam kung anong nangyayari at kung ano ang susunod na pwedeng mangyari. Gaya niya, ayoko ring matapos 'to. Masyado na ata akong ambisyosa kung pati ito ay hinahangad ko na.

Hindi ko nga alam kung paano kami napasok sa sasakyan niya at patuloy akong hinahalikan.

Bago sa akin ang kiliting iyon. Parang kung may ano. Unang beses akong nahalikan sa leeg ko kaya para akong malagutan ng hininga nang maramdaman ang hininga niya roon. Walang sinumang nakagawa sa akin no'n. Lahat ng pwesto ng kamay niya, siya lang ang nakakagawa.

"A-Aries..." ni hindi ko magawang bigkasin nang maayos ang pangalan niya. Mas lalo lang akong nahihilo dahil sa pinaghalong amoy at hawak na binibigay niya sa akin.

Gusto kong hanapin ang katinuan ko nang maramdaman ang kamay ni Aries na dahan-dahang pinapaakyat ang dress ko. Malambot ang kanyang mukha, magulo na rin ang buhok niya dahil sa pagsabunot ko sa kanya. Mapula na rin ang labi niya dahil sa halik ko. Hiyang hiya na ako dahil sa posisyon namin dahil pilit niya akong iniipit sa loob ng sasakyan! Para akong naging palaman sa gitna ng upuan at ng katawan niya.

"Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa akin at ganito ako kabaliw sa iyo. I don't fucking know..." bulong niya at mas hinalikan ako sa leeg. Ramdam ko ang pagpipigil niya. Sa bawat angat ng tingin niya sa akin, may bahid iyon ng pagpapaalam.

Gusto kong magprotesta kasi hindi naman ito ang sadya namin sa sasakyan niya. 'E kasi dapat may kukunin siya pero bakit naman kami humantong sa ganito?!

Kahit na umaayaw ang utak ko, hindi rin naman mahindian ng katawan ko ang halik niya. Sa tuwing dumadampi iyon sa katawan ko ay napapapikit ako at umaasang... sige pa, na gusto kong halikan niya lang ako. Nagmumukha na akong matakaw. 

Nakakabaliw. Hindi dapat kami naghahalikan dahil wala naman kaming relasyon!

Pero sa kabila ng init, agad natigilan si Aries. Nakapatong na ngayon ang ulo niya sa leeg ko na para bang nagtatago. Naramdaman ko na rin ang kamay niyang dahan-dahang inaayos ang dress ko.

Anong... nangyari? 

"Damn it.. Saan na ba iyong pagpipigil ko.." bulong niya ulit na para bang nasasaktan siya sa sinasabi niya.

"Uh... ano..." Ako rin...Saan na rin iyong katinuan ko?

Nanlamig ako at halos marinig ang boses ni Tatay sa konsensya ko. Hindi dapat kami naghahalikan dahil unang-una sa lahat, wala kaming relasyon! At muntikan na kaming hindi makapagpigil! 

Uminit ng husto ang mukha ko. 

Agad kaming nabulabog nang may kumatok! Mas lalo akong nanlamig dahil naisip kong maaring may nakakita sa posisyon namin.

"Pakshit..." mura ni Aries at agad na umayos sa pagkakapwesto. Nakita namin si Rios kasama ang kapatid na si Calyx. Nakangisi nilang kinakatok ang bintana ng sasakyan ni Aries.

"Damn it!"

Marahas niyang binuksan ang pinto kaya agad na napaatras ang dalawa. Humagikgik sila na para bang alam na nila kung anong ginagawa namin sa loob.

"Aries naman... Kumuha ka naman ng kwarto. Kung sabagay... wala namang masamang makapoints sa kotse..." si Calyx na tawa pa rin nang tawa.

Kunot-noong tumingin sa kanya si Aries. Umabot sa lupa iyong kahihiyan ko dahil talagang nakita nila kaming ganito. Napahawak ako sa leeg ko dahil pakiramdam ko naiwan ang halik niya roon.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon