Chapter 29

666 16 0
                                        

Anak.

Tapos kasal?

Gusto ko na talagang bigwasan si Aries. Kung ano-ano na ang sinasabi niya sa mga magulang at pinsan niya. Wala naman akong magiging problema dahil kilala ko na naman ang pamilya niya pero masyado namang maaga para sa ganito!

"Niana?"

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Nanay. Umuwi ako sa patag para dalawin si Tatay na halos buong araw ng nakahiga dahil sa trangkaso.

"Kumusta na po si Tatay?"

Bumuntong-hininga siya. "Ayan... Nakahilata dahil sa katigasan ng ulo."

Natawa ako. Kakatapos lang kumain ni Tatay at nakatulog ulit sa sermon ni Nanay. Inako ko kaagad ang paghuhugas at agad na inatupag ang text messages ni Aries.

Aries:

Are you home?

Aries:

Sana sinama mo nalang ako.

Me:

May trabaho ka. Hindi ka pwedeng umabsent.

Wala pang ilang minuto, nagreply na kaagad siya.

Aries:

I'll fix my schedule for you kung sana sinabi mo lang na uuwi ka.

Hindi ko na siya nireplyan dahil alam kong ipipilit niya 'yung katwiran niya. Tumawag naman siya kaya natapos din ang pagtatampo niya. Hindi naman nagtatagal 'yon dahil hindi niya na ako matitiis. Naabutan pa nga kami ni Nanay kaya di niya naiwasang magtanong tungkol sa amin.

"Kayo na ulit?"

Tinikom ko ang bibig ko. Kakababa lang ng tawag ni Aries kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Pinatawad mo na siya?" marahang tanong ni Nanay.

"A-Ang hirap kasi, Nay. M-Mahal ko po talaga kasi siya at nahihirapan po akong bilugin 'yung sarili at itangging hindi ko siya mahal," bulong ko.

 Ilang segundo akong tinitigan ni Nanay bago tumango.

"Nakita kitang umiyak dahil sa kanya noon. Handa ka  na bang masaktan ngayon? Nagtiwala ka... sa batang 'yun. Malayo ang agwat niyo kaya huwag mong iisiping pareho kayo ng lebel ng pag-iisip. Kailangan mong punuin ang espasyo na nagagawa dahil lang sa malayo ang agwat ninyo." Kinuha niya ang unan mula sa kama. "Hindi naman sa hadlang ako o ayaw ko kay Aries pero anak... ayoko nang makitang nasasaktan ka at nahihirapan," dugtong niya.

Ngumisi ako at mas yinakap si Nanay. Tahimik lang ako at wala akong ibang ginawa kundi ang yakapin siya nang mahigpit. Hinagod niya lang ang likod ko at hindi na ako pinilit pa.

Gustuhin ko mang manatili sa patag, hindi ko magawa. Kailangan kong bumalik sa syudad dahil aalis ulit si Tiyang.

As usual, sinundo ako ni Aries sa terminal. Yinakap niya agad ako at pinatakan ng halik sa noo.

"I love you," bulong niya at pinagbuksan ako ng pinto para makapasok na sa kotse niya. At kahit na sa loob ng kotse, panay ang hawak niya sa kamay ko.

"Is it okay na may pupuntahan muna tayo? Goldilocks. Bibili lang ako ng cake para kay Sagi," sabi niya.

"Bakit? Anong okasyon?"

"Wala naman. Gusto niya lang kumain ng cake."

"Okay," sagot ko.

Hindi naman malayo 'yon dahil nasa downtown na naman kami. Naghanap siya ng space para maipuwesto ang sasakyan niya sa tamang lugar. Nag-desisyon na rin akong sumama kaysa maiwan sa loob ng kotse. Kaya lang, halos lumipad ang kaluluwa ko nang biglang may bumusina na akala mo'y babanggain ako.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon