Halos masuka ulit ako. Pakiramdam ko may hinahalukay sa tiyan ko na gustong-gusto ko maduwal. Pagdilat ko, nakatunganga lang si Aries habang hinahawakan ang kamay ko.
"Aries."
Nang marinig niya ang boses ko, agad niya akong dinaluhan. Kulang nalang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Bahagya akong pumikit dahil ayoko sa amoy ng kwarto. Masakit 'yon sa ilong ko.
"Anong nangyari?"
"Nahimatay ka," sagot niya.
Napahawak ako sa ulo ko. Ang huling natatandaan ko ay ang pag-aaway ni Aries at ni Sam tapos iyong Mommy niya tapos nakaupo lang ako... at wala nang nakita pa.
May kung anong binubulong si Aries sa akin. Natigil lang iyon nang parehong dumating si Sir Ares at Ma'am Rege. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero magkasalubong ang kilay ni Sir Ares nang tumingin sa amin.
"Dad—"
"You shut up," malamig na salubong sa kanya ni Sir.
Anong nangyayari? Bakit galit ang mga magulang niya sa kanya?
Naalala ko ang nangyari! Ang nangyari sa kanila ni Sam!
"Mom... Dad. Please—"
"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, Aries Gavine! Kanina lang ay tinawagan mo ako dahil may eskandalo kayong ginawa ni Sam tapos ngayon, tumawag ka ulit para sabihing nasa hospital ka and told me the result?!"
"Honey... Pwede bang pag-usapan niyo 'yan na kayo lang muna? Not in front of Niana?" sulpot ni Ma'am Rege.
Hindi na sumagot si Sir Ares at bigla nalang itong lumabas ng kwarto.
"Aries? What now? Sundan mo ang Daddy mo sa labas!"
Nilingon niya muna ako kaya tumango na ako. Nagda-daalwang isip pa siya pero pinilit siya ng Mommy niya. Lumabas siya para sundan ang daddy niya. Agad din akong hinawakan ako ni Ma'am Rege at mukhang humihingi pa ng dispensa sa nakita kanina.
"Ano po bang nangyari habang tulog po ako? M-May problema po ba? Galit si Sir nang pumasok at mukhang naka-abala pa po ako sa inyo."
Ngumisi siya.
"My son really loves you, Niana. He's a spoiled brat na akala mo'y di propesyunal at mukha pa ring batang mag-isip... pagdating sa iyo." Hinawkaan niya ang kamay ko. "Poor you... minahal ka ng anak ko. Hinding-hindi ka na makakawala sa kanya, hija."
Ngumuso ako.
Hinaplos niya ang buhok ko.
"At huwag mo sanang iisiping galit kami dahil nandito ka. We're just worried. My son likes mess at ayaw naming madamay ka sa mga gulong gusto niya." Mas lalo niyang hinawakan ang kamay ko. "Alam ko ring malaki ang kasalanan ng anak ko sa iyo pero alam kong kaya iyong punuin ng pagmamahal niyo. It's just your Sir Ares got mad because of your...uh... pregnancy."
Natikom ko ang bibig ko.
Hindi ko alam pero parang may sariling utak ang kamay ko para dumapo iyon sa tiyan ko.
Pregnancy? Buntis? A-Ako?
"And Ares dont want this. Lumaki sila sa isang kultura na dapat kasal muna bago magkaroon ng anak. He's very conservative. Kasalanan ni Aries 'to kaya ganoon nalang ang galit ng sir mo nang malaman niyang nabuntis ka ng anak namin," napapikit pa siya.
Tumulo ang luha ko. Hindi ko rin alam kung ano... paano...
"Hindi siya marunong magpapigil. Alam ko naman iyon pero iba pa rin pala kapag nangyari na." Ngumiti si Ma'am sa akin.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...
