Para sa akin, kahibangan ang magustuhan ako ng isang Aries Gavine Castillo. Maliban sa agwat at sa estado, talagang hindi ako makapaniwala na sinasabi niya at naniniwalang baka napag tripan niya lang ako. Hindi naman ako mabibigla dahil sa edad nila ay natural lang na papalit palit sila ng babae.
Pero simula nang umamin siya sa akin ay ako naman ngayon ang 'di matahimik.
"Niana?"
Napalingon ako kay Faith na kagagaling lang sa banyo. Nakabalot pa siya ng maliit na puting twalya at kunot-noo'ng nakatingin sa akin.
"Pansin ko nitong mga nakaraang araw, lagi ka nalang tulala. May problema ka ba?"
Humiga ako sa kama ko. Umiling ako para kumbinsihin ang sarili kong hindi naman ako apektado kay Aries.
"Wala. May iniisip lang pero hindi naman problema," sagot ko. Parang ako yung problema.
Ilang segundo niya lang akong tinitigan bago niya binuksan iyong aparador niya para makapagbihis. Hindi rin naman ako nakakaligtas sa pang-aasar sa akin ni Faith tungkol kay Aries pero alam kong hindi niya naman sineryoso iyon dahil siya mismo, alam niyang nakakatakot kapag seryoso mong nagustuhan ang isang Castillo. Kapag seryosong pinangarap mo sila.
At tsaka, trabaho naman iyong pinunta ko dito. Hindi naman iyong lovelife-lovelife na iyan. Hindi na ako bata para tugunan ang mga bagay na iyan. Mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang responsibilidad ko bilang panganay, matrikula ng mga kapatid ko, pang gastos sa bahay at para kila nanay at tatay.
Wala talaga sa listahan ko ang pag bo-boyfriend.
Kaya naman, pilit kong winawaksi sa isipan ko si Aries. Kahit na minsan ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin. Kahit na minsan ay pinaabutan niya ako ng mamahaling rosas at kung minsan pa ay pinapadalhan niya ako ng tsokolate at meryenda., Si Faith lang din naman ang umuubos ng mga no'n dahil hindi ko kayang ubusin dahil sa sobrang dami. Hindi rin ako mahilig sa matatamis.
Mas lalo lang din akong nahiya kay Mr. and Mrs. Castillo. Sa tuwing ngumingisi si Ma'am... pakiramdam ko init na init ako. Para bang may isang kasalanan akong nagawa sa kanila. Nakakahiya pero hindi naman nila ako kinakausap tungkol doon. Alam kasi nilang hindi ako kumportable kapag napag-uusapan.
Akala ko makakaligtas ako... pero sa mga kapatid ni Aries, nagkamali ako.
"Is it true?" tanong sa akin ni Tau nang kornorin nila ako kasama ang kapatid na si Sagi. Kakauwi lang nila galing sa laro nang mapag-tripan na naman nila ako.
Naghuhugas ako nang sabay silang pumasok sa kusina at parang mga timang nagtatanong tungkol sa amin ng kuya nila.
"Mommy said that Kuya told them that he likes you... kaya lang, binasted mo ba siya? Ikaw 'yong bumasted sa kanya?" si Sagi.
Ngumuso ako kasi hindi naman ganoon, wala namang pambabasted dahil sa pagkakaalam ko, iyong basted basted na iyan ay para lang sa mga nanliligaw.
At hindi naman nangliligaw si Aries sa akin.
"Baka jino-joke lang ako," natatawa kong sinagot iyon.
"Hindi ganoon si kuya. Si Sagi, baka pwede pa... pero si kuya? Bihira lang siyang umamin sa nararamdaman niya kaya kung sinabi niya sa iyo na gusto ka niya, talagang gusto ka niya."
"Hey! I'm a good boy!"
"Good boy to any girls," sagot ni Tau.
Humalakhak si Sagi.
"Grabe... ako agad ang nakita!"
"Oh bakit? Hindi ba totoo?"
"Ako rin naman... I don't do girlfriends pero tang ina, naniniwala naman ako na there's only one girl, Kuya. One girl... at kapag nagmahal ako, seryoso naman ako! Hindi ako mangliligaw para sa good time lang!" sabat ni Sagi.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...