Chapter 5

714 18 5
                                        

"Chocolates mo..."

Napatingin ako sa Hersheys na iniabot niya sa akin. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba 'yun kasi... pagkatapos ng pag-uusap namin, medyo naging okay na siya sa akin. Medyo lang naman. May bahid pa rin kasi ng iritasyon iyong boses niya pero ramdam ko naman na para na akong tao kapag kinakausap niya na ako.

"S-Salamat," sabi ko sabay kuha nu'n sa kamay niya.

Naglalakad na kami papasok sa subdivision nila kasi sa kanto lang kami binaba ng driver. Gusto rin kasing maglakad ni Aries kaya kahit na masakit na 'yung paa ko, hindi na ako umalma pa.Tumitingala siya sa langit habang naglalakad. Nagtatahulan iyong mga aso kapag napaapdaan kami sa iilang kabahayan. Malamig na rin iyong ihip ng hangin kaya inipit ko 'yung kamay ko sa kili-kili ko para makaramdam lang ng kaunting init.

Napatingin siya sa akin kaya nagkatinginan kami pero agad kong iniwas ang tingin ko... baka magalit na naman 'to sa akin.Hindi ako makatagal kapag nagkakasalubong ang tingin namin. Para kasi niya akong pinagbabantaan.

Nakakatakot siyang titigan.

"You're cold?" tanong niya.

Tumango ako. "Pero okay lang tutal malapit na rin naman tayo," sagot ko.

Tumango siya at napatingin sa tsokolateng binigay niya sa akin. Ngumuso ako at iniabot sa kanya iyon.

"Huh?"

"Baka gusto mong kainin. Okay lang naman sa akin—"

"No. It's yours now. Nagtataka lang ako kasi hindi mo binuksan. You're not going to eat it?"

"Bukas nalang. Ire-ref ko..."

Hindi na siya nagsalita pa kaya nang makabalik na kami ng mansyon, mabuti nalang at walang nagising nang kumalampag ang gate. Agad na umakyat si Aries sa kwarto niya habang ako ay dumiretso sa kusina para ilagay iyong chocolate sa ref. Sinugurado ko munang locked na ulit 'yung mga pinto, pati na ang mga ilaw at wala ng iba pang nakasaksak bago dumiretso sa HQ. Mas mabuti na iyong nag-iingat.

Tulog na si Faith nang pumasok ako sa kwarto namin. Tahimik na 'yung pasilyo kaya alam kong ako nalang iyong gising.Napagdesisyunan kong mag half-bath nalang muna bago matulog. Sinikap kong hindi makagawa ng kahit anong ingay dahil natutulog na ang mga kasamahan ko. Pagkatapos kong magbihis ay humiga na rin ako sa kama ko at agad ding nakatulog.

Kinabukasan, tinulungan kong magluto si Aling Kusing ng almusal. Inihanda ko na agad 'yung bacon at itlog sa hapag para handa na ang lahat kapag bumaba na ang mga bata. May pasok ngayon kaya kailangan nila ng maagang almusal.

Unang bumaba si Tau. Naka uniporme na siya at kakaligo lang. Ngumiti siya sa akin at humalik pa kay Aling Kusing bago umupo sa upuan para kumain.

"Ang mga kapatid mo Taurus?" tanong ni Aling Kusing.

"Natutulog pa si Sagi, mamaya pa po ang klase niya. Si Kuya... I don't know. Baka mamaya pa iyon. Maaga naman 'yung kumikilos kapag may morning class siya..."

Umalis na rin si Taurus pagkatapos niyang kumain. Nagdesisyon nalang akong magdilig ng halaman habang hinihintay na bumaba 'yung dalawa. Kaya lang, nang makita kong bumaba si Aries suot ang kanyang PE uniform, natigilan ako. Baka kasi may kailangan siya. Agad kong pinatay 'yung gripo at ibinaba ang water hose tapos dumiretso sa loob. Napatingin siya sa akin kaya hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano.

Baka sabihin niyang feeling close na agad ako.

"Uh... May kailangan ka pa ba, Sir?" tanong ko.

Pumwesto na siya sa mesa para makakain. Bumuka iyong bibig niya pero hindi naman siya nagsalita. Kumuha nalang siya ng itlog at inilagay 'yon sa plato niya bago umiling.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon