Dahil sa nangyari, hindi ko magawang salubungin ang tingin sa akin ni Aries. Alam kong tinitingnan niya ako pero mas pinipili kong huwag nang patulan ang tingin niya sa akin.
Kasi talagang nakakahiya... at hindi ko kayang tagalan pa ang tinginan namin.
"Dang? Mamalengke ako... Ano sama ka ba?" tanong ni Faith na nakabihis ng pang-alis para pumunta ng palengke. Hindi ko naisip na Sabado pala ngayon at ubusan na ng stocks kaya dapat lang na pumunta kami ng pamalengke para mamili. Pero si Faith naman ang nakatoka ngayon at wala ako sa sarili...
"Hindi na. Wala na man din akong kailangang bilhin kaya sa susunod nalang," sagot ko at kumuha ng malinis na twalya para punasan ang basa kong kamay. Tumango lang si Faith at tinalikuran ako.
Kaya lang, nagsisi agad ako sa desisyon ko nang makita si Aries na tahimik na nagbabasa sa labas. Sana pala sumama nalang ako. At dahil nga Saturday, expected na ang mga kasama kong stay-out ay nagpaalam na kanina para umuwi. Ako lang ang madali niyang mapag-utusan kapag may kailangan siya. Ngumuso ako at yumuko. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong huwag siyang tingnan man lang kasi ewan ko ba, parang may nag-uudyok sa akin na lingunin siya.
Kaya ganoon nalang ang gulat ko nang magkasalubong ulit ang tingin namin.
Binalik ko sa pagwawalis ang atensyon ko. Hindi ko kailanman naisip na mangyayari ito. Kailan lang ay galit pa siya at bastos sa akin tapos ngayon ay nagkaka-ilangan kami kasi inamin niyang gusto niya ako? Sino ba naman ang hindi magugulat. Tsaka, ang bata niya para sa akin. Kahit naman gusto ko siya ay hindi rin naman tamang sabihin ko 'yon. Dahil sa agwat ng edad at estado sa buhay namin—ang layo-layo.
Tsaka, may kahalikan nga siya kagabi.
"Did you eat?"
Natigilan ako at napatingin sa kanya. Nakalapag na sa lamesa ang librong binabasa niya at nakapang dekwatrong nakatingin lang sa akin. Wala ng emosyon ang mukha niya.
Tumango ako. "Oo. M-May kailangan ka ba? May pagkain—"
Tumayo siya.
Kinabahan agad ako nang humakbang siya para lumapit sa akin. Napatingin pa ako sa mga paa niya kaya ramdam ko ulit ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahigpit ang hawak ko sa dalang-dala kong walis. Nanatili ang tingin niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang umiwas at napahawak sa batok ko.
"I gave you time... Is it enough?" bulong niya.
Kumunot ang noo ko.
"Anong sinasabi mo?"
"Time to think about my feelings—"
Umiling ulit ako. Umatras siya konti at napadaing. Parang nafru-frustrate siya sa akin. Tinitigan ko siya kahit na halos sumabog ang dibdib ko.
"Hindi ka pa sigurado diyan, Aries. Ilang beses kong sasabihin sa iyong hindi nga pwede."
Pumikit siya at napabuntong-hininga.
"Maniwala ka kasi." bulong niya at natawa pa. "Hindi ko alam paano, kailan at bakit. I just know.. I'm falling Niana! I'm damn falling inlove with you!" sigaw niya na ikinagulat ko.
Agad kong tinakpan ang bibig niya at napalingon sa paligid, takot na baka may nakarinig sa sinabi niya.
Kaloka tong lalaking ito!
"Sshhh! Ano ba... baka mamaya, may makarinig at—"
Hinawi niya ang kamay ko bagyo yumuko. Ganoon nalang ang pag-awang ng labi ko nang dampian niya ako ng halik. Halos uminit ang pisngi ko nang mapagtantong na second kiss na namin iyon.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomantikWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...
