Ayokong sumama sa kanya.
Pero hindi ko naman siya pwedeng pabayaang umalis nang mag-isa lalo na't lumalalim na ang gabi. Kung tutuusin, pwede ko siyang isumbong sa mga magulang niya pero dahil ayokong magalit at pag initan niya na naman ako, pinilit ko nalang ang sarili kong samahan siya.
"May pera ka naman siguro?" tanong niya. Napakamot ako sa braso ko kasi naman wala akong dalang pera.
Tumaas ang kilay niya marahil nabasa niya ang reaksyon ko.
"Tss. Sana hindi ka na sumama—"
"Utang nalang," putol ko sa kanya kasi nagsisimula na namang bumula ang bibig niya. Mas lalo siyang nairita. Hindi naman sigurong masamang mangutang, hindi niya naman siguro mamasamain iyon.
"Ano... wala akong dala kasi matutulog na sana ako. Babayaran nalang kita kapag nakauwi tayo."
Hindi na siya nagsalita pa at naglakad nalang. Dahil gabi na nga, malimit nalang ang mga pedicab na napapadaan. Nakaramdam din ako ng lamig pero keri pa rin. Nang makapara, umupo ako sa likuran, sa likod ng driver habang siya naman ay pumwesto sa harap.
"7 eleven, Kuya." rinig kong sabi ni Aries sa driver.
Pinagmasdan ko siya. Hindi ko siya maiintindihan pero pakiramdam ko ay may problema siya. Napatingin ako sa tahimik na kalyeng dinadaanan namin. Tanging ang mga ilaw nalang mula sa poste ang nagbibigay liwanag sa daan.
Nang makarating kami sa downtown, marami na akong nakitang mga pedicab at mga taong namamasyal sa Rizal Park. May mga usok din na nagmumula sa mga ihawan pero may iba ring nagsisimula nang magligpit. Huminto ang pedicab sa tapat ng 7 eleven. Bumaba si Aries kaya bumaba na rin ako. Sinundan ko siya at kahit na panay ang tingin niya sa akin ay tahimik lang akong sumunod sa kanya.
"What do you want?" bagama't hindi niya ako tinitingnan, matutunugan mo pa ring iritado siya.
"Hindi na. Okay lang ako," sagot ko kasi nahihiya rin ako sa kanya. Umutang na nga ako ng pamasahe, baka mamaya maubos iyong extrang pera ko kung uutang pa ako ng pagkain.
"Tssss. Kailangan mong kumain. Kakain ako, alangan namang titingnan mo ako habang nilalantakan ang pagkain ko? Sige na.. Huwag ka nang mag-inarte."
Bumuntong-hininga ako.
"Iyang mogu-mogu nalang," sabi ko at itinuro ang mogu mogu na kulay pink.
Kinuha niya iyon. Kumuha rin siya ng iilang chips tapos isang inumin niya. Kumuha din siya ng iilang chocolates tapos yosi. Pinigilan ko ang sarili kong punain iyong pagyoyosi niya pero dahil alam ko ang pag-uugali ng batang 'to, hindi nalang ako nakialam pa.
Umupo kami pagkatapos niyang bayaran iyon. Nanatili ang kunot sa noo niya habang nilalagay sa harap ko ang pagkain.
"Ano... Mogu-mogu lang naman—"
"Eat."
"Wala akong pera—"
"Libre ko na," sabi niya at binuksan 'yung inumin niya. Nakatingin lang siya labas habang kumakain. Binuksan ko na rin iyong akin at tahimik na kumain. Naisip kong hindi ko nga pala dala ang cellphone ko kaya paniguradong nagtataka si Faith dahil ang tagal kong pumunta sa HQ.
"Ano... Aries."
Walang emosyon siyang humarap sa akin.
"Dala mo naman siguro ang cellphone mo no? Baka pwedeng magpaalam ka sa Mommy mo. Sabihin mo nalang na kasama mo ako.. Hindi ko kasi dala iyong akin," sabi ko. Naisip ko kasing hindi tama na hindi siya nagpapaalam. Kahit na lalaki siya, hindi pa rin natin alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya kung hindi ko siya nahuling pumuslit ngayon.

BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
Roman d'amourWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...