"I didn't," rinig kong dipensa ni Aries sa mga magulang niya.
Nagkatinginan ang mag-asawa bago suminghap si sir Ares at binalingan ulit ang anak.
"What happened?"
Lumayo agad ako kay Aries. Hindi ako kumportableng makita kami ng mga magulang niyang ganito. Halos wala nang mapalagyan ang hiya ko sa naabutan nila. Lalo na no'ng narinig kong natawa si Mr. Castillo bago lumapit kay Ma'am Rege na parang may binubulong.
"You're early..." tanong ni Aries sa mommy niya. Hindi niya nagawang sagutin ang tanong ng daddy niya!
May inilapag na malaking supot si Ma'am Rege kaya agad kong inasikaso iyon. Nag-usap ang dalawa sa sala nang hilahin na siya ni Ma'am habang si Mr. Castillo naman ay umakyat para makapagbihis.
Sa totoo lang ay kinain ako ng pangamba. Pero alam kong kahit na... ganoon ay alam kong naging kampante ako sa hindi malamang dahilan o hindi ko maamin.
Lagi niya akong sinusuyo. Lagi niyang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kagusto. Kahit anong taboy ko, kahit anong suway ko sa kanya. Hindi siya nahihiyang iparamdam sa akin at sabihing mahal niya ako. Doon... buong buhay ko, ngayon lang ako natahimik at napanatag ng ganito. Nakakatakot kasi hindi kaya ng utak kong isipin pa kung bakit hindi kami pwede kasi sa tuwing sinasabi ko iyon ay lagi siyang may isasagot na pwede kami.
Parang iyong katwiran ko ang sumuko.
Nahulog na ako sa kanya, sa bata niyang puso.
"Sasamahan mo ulit ako, di'ba?" tanong niya.
Halos hindi ako makasagot nang matino dahil nahihilo pa rin ako sa halik niya. Nagdidilig lang naman ako dito nang bulabugin niya ako.
"Saan na naman iyan, Aries?"
Hinalikan niya ang pisngi ko. "Sa birthday party ng bestfriend ko. Hindi naman tayo magtatagal. Idadaan ko lang ang regalo ko. Please? Samahan mo na ako.."
Nanatili ang hawak niya sa pisngi ko habang iyong isa naman ay nasa ibaba ng bewang ko. Pulang pula ang labi niya kaya hindi ko magawang ilayo ang tingin ko roon. Hanggang sa sumilay ang ngiti, hindi ko pa rin nilulubayan iyon.
"Niana..."
"Okay," sagot ko.
Hindi rin ako nakatakas sa mga kapatid niya. Inaasar nila ako kasi alam nilang nahihiya ako kapag napag-uusapan ang tungkol sa amin ni Aries. Tinatakasan ko 'yon kaya hinahabol naman ako ng mga tukso nila.
Nakiliti ako nang dumampi ang labi niya sa balikat ko. Lutang pa dahil sa nangyari, galit pa nga ako dahil bigla lang siyang pumasok sa kwarto namin. Bwesit talaga 'tong si Faith at binigyan pa ng susi si Aries. Nakasimangot pa ako dahil nagbibihis ako nang makita siyang nakatayo sa hamba ng pintuan. Nadapa pa ako dahil sa gulat!
"Tigilan mo ako. Lumabas ka nga! Hindi kita—"
"Ssshhh..." hinalikan niya ang pisngi ko. Napapikit ako at natameme. Natatawa pa niyang inayos ang strap ng dress ko kaya napadilat ako. Matalim din ang tingin niya sa akin sa salamin. Napatingin ako sa kamay niyang bumababa patungo sa hita ko.
"I love you..." bulong niya.
Naubos na ang katwiran ko, lahat wala na.
"Mahal din kita," sagot ko.
Halatang nagulat din siya sa sinabi ko. Hanggang ngayon ay gulat pa rin siya sa tuwing sinasabi ko 'yon. Ngumiti ulit ako pero agad niyang binaon ang mukha niya sa leeg ko.
"Nakikiliti—"
"Damn it... You really love me! Hindi lang ito isang ilusyon o baka lang! You said... you love me!"
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomantikWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...
