Chapter 34

617 15 0
                                    

Pagkatapos ng proposal niya, binalita namin iyon sa pamilya niya at siyempre kila Nanay at Tatay din. Nakauwi na rin si Layla kaya hindi niya mapigilang maiyak dahil sa nabalitaan. Si Gelo naman panay ang asar dahil nakita niya na naman ang singsing ko.

"Ate... baka mamaya, mawala mo na naman 'yan.. lagot ka talaga!"

Binatukan ko na talaga siya. Paano ba naman kasi... kakasuot lang ni Aries sa kamay ko, muntikan ko nang maiwala. Masyado kasi akong nawili kaya noong naghugas ako ng kamay ay itinanggal ko na pero nakalimutan kong isuot ulit at naiwan lang ang mamahaling singsing na iyon sa banyo. Halos lumuwa puso ko nun... dahil paniguradong magagalit si Aries.

"You should keep your engagement ring, Niana. Hindi raw magandang pamahiin kapag naiwala mo ang engagement ring. Malas daw iyon," sabi ni Tiyang nang ikuwento sa kanya ni Gelo ang nangyari.

Pero nang aminin ko naman iyon kay Aries, natawa lang siya at inasar ako.

"Alam mo... ang tanga-tanga mo."

Tinampal ko ang braso niya kaya agad niyang inabot ang kamay ko para yakapin.

"Wala naman kaso kung maiwala mo. I can afford to buy you more rings," natawa pa siya. Ngumuso ako dahil hindi ako sang-ayon sa sinabi niya. Kahit na marami siyang pera at may budget, hindi pa rin kaya ng konsensya ko kapag naiwala ko ang singsing dahil alam kong importante iyon. Siyempre mahalaga iyon dahil bigay niya sa akin.

Sumulyap ako sa singsing. Nanatili ang labi ni Aries sa pisngi ko habang nakatingin na rin sa ginagawa ko. Naisip kong bagay ba ito sa kamay ko? Kumikinang ang bato tapos iyong daliri  ko... parang hindi naman ata bagay.

"Ano na naman ang iniisip mo?"

"Wala."

"You deserved that ring."

Napatingin ako sa kanya. Nababasa niya ba ang iniisip ko?

Pinatakan niya ako ng halik sa labi. Alam kong alam niyang ilang beses kong pinagdududahan ang sarili ko. Ewan ko... Minsan, nararamdaman ko kung dapat ba para sa akin ang lahat ng ito. Pero sa tuwing tinitingnan ko si Aries at sinasabi niya kung gaano niya ako kamahal, unti-unti kong naiintindihan ang lahat.

Na kahit wala akong natapos at napatunayan, nararapat pa rin sa akin ang pagmamahal na totoo at payak. Na kahit walang diploma, pwede pa rin akong magkaroon ng maganda at masayang buhay. 

Tama si Aries... nagsikap ako para sa mga kapatid ko. Nagtrabaho ako at nakipagsapalaran kaya nakilala ko siya. Nasaktan man ako noon pero nagpursige pa rin ako at nagpatuloy sa buhay kahit na wala siya. At ngayon na nagbalik siya sa akin, mas lalong naging maayos ang buhay ko. Siguro dahil natutunan ko siyang patawarin at mas mahalin.

Ang sarap pala sa pakiramdam. Limang taon akong natulog nang may bangungot dahil sa nangyari. Pinagbayaran ko ang naging desisyon ko noon na manahimik at takasan ang nakaraan pero... mas mabuti pa rin palang harapin ang lahat para sa ikakatahimik mo... na kahit na hindi ka siguradong paniniwalaan ka ng mga taong nakapaligid sa iyo, alam na alam mo pa rin ang totoo. Basta ang importante, alam mo ang totoo.

Hindi naging biro ang paghahanda ng kasal. Masyadong elegante ang pamilya Castillo. Kailangan ko pang dumalo sa mga family dinner nila at mas kilalanin ang bawat miyembro ng pamilya. Tama si Ma'am Rege at importante sa kanila ang kultura ng kasal muna bago bata. Saksi  ako kung paano pinagalitan si Aries, mismo sa harapan ko dahil nabuntis niya ako.

"I wanted to be honest. I'm really disappointed, Aries. We already told you to be careful para maiwasan ang mga ganito. It looks like you just want to be married for the sake of the baby." Seryoso ang naging tingin sa amin ni Sir Cali. Si Aries naman ay nakayuko lang pero hinawakan ang kamay ko. 

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon