Chapter 20

477 14 2
                                    

"A-anong sinasabi mo?" 

Napatayo ako dahil sa sinabi niya. Madilim na agad ang tingin niya sa akin kaya kinabahan ako. Lalo na't nang pasimple niya akong hilahin para ilayo sa mga bisita. Nataranta ako pero agad niyang nahawakan ang palapulsuhan ko para 'di na makalayo.

"Bitiwan mo ako!"

Nagmamakaawa ako sa kanya dahil nasasaktan ako sa higpit nang pagkakahawak niya sa akin. Ayoko nang ganito. Ni hindi ko siya kilala!

Nagdilim ang tingin niya sa akin. Idinala niya ako sa kabilang parte ng hall. Doon, tahimik at walang bisita kaya mas lalo lang akong natakot. Luminga ako para hanapin si Aries pero napangiwi ako nang hawakan niya ulit ang dalawang balikat ko na para bang takot na takot siyang makawala ako. Punong-puno ng hindi ko maipaliwanag na galit ang mga mata niya.

"Ano ba?!"

"Saan at kailan kayo nagkakilala ni Aries?"

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako," gasgas na ang boses ko. "Hindi kita—"

Natawa siya bigla. "Ang kapal talaga ng mukha mo... Pagkatapos ni Dad, ngayon, ang bestfriend ko na naman ang trip mo?!" bintang niya sa akin.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Hindi ko na nagugustuhan ang tono ng paratang niya sa akin. Ni hindi ko nga siya kilala!

Wala na akong nakitang ibang emosyon sa mga mata niya kundi galit. Kaya ba ganoon niya nalang ako titigan noon? Bakit ba ang bastos ng pakikitungo ng mga batang mayayaman sa akin?!

Umiling ako. "H-Hindi ko alam kung anong sinasabi mo..."

Natawa siya at mas hinigpitan ang hawak sa akin.

 "Liar! I know you... Noong nakita kita sa bahay ni Aries, alam kong ikaw nga iyon! You're one of my father's slut bitches! Ikaw ang nakita ko... Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw iyong nakita kong kayakapan ng daddy ko."

Umiling ako.

"You bitch... sinira mo ang pamilya ko. Ang mga tulad mo ang dahilan kung bakit nasasaktan ang mommy ko. You ruined my family!" sigaw niya bago ako sinampal. 

Malakas ang pagkakasampal niya sa akin, sapat na para mapaatras ako at mapahawak sa pisngi ko. Tinakasan ako ng lakas nang maisip kung ano ang ibig niyang sabihin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at naestatwa. Ang galit na pinakita sa akin ay ang patunay kung paano nasira ng pagkakamaling iyon ang buhay niya... ang pamilya niya.

Teka... imposible. Hindi pwedeng mangyari  'to. Hindi... imposible.

At talagang... sa bestfriend pa ni Aries?!

Hindi ko ginusto iyon at kailanman hindi ko gugustuhin iyon!

Unti-unti kong nakilala kung sino siya. Gusto kong maiyak!

Sinubukan kong umalis pero pinigilan niya kaagad ako.

"At tatakbo ka pa, ha? Sa tingin mo makakatakas ka sa akin?!"

Lumapit siya sa akin pero ang tanging naisip kong gawin ay ang itulak siya at agad na tumakbo para makatakas sa kahihiyang ito at...sa nakaraan. Wala akong pakialam kung tumutulo na ang luha kong habang tinatakbo ang pasilyo. Wala na akong pakialam kung maraming makakakita sa akin. Wala na akong pakialam sa lahat.

Kaya lang, sa pagmamadali ko, nawalan ako ng lakas kaya natisod ako dahilan para masagi ko ang nakadisplay na mamahaling cake. Hindi ko nakita iyon dahil nanunubig ang mga mata ko, ni hindi ko nga nalamayang nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Umawang ang bibig ko kasabay ng pagkagulat ng lahat. Napamura ako sa isipan ko at lumuhod para linisin ang nasira kong cake!

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon