Halos luhuran ko na ang pagkain ko dahil sa dami. Masama kong tiningnan si Aries dahil kanina pa siya lagay nang lagay ng pagkain sa plato ko. Pagkatapos niya akong ambushin sa apartment at makipagsabwatan kay Tiyang, gaganituhin niya ako?
"Ano bang ginagawa mo? Hindi ko mauubos iyan, Aries! Ang dami... ayoko pa namang nagsasayang ng pagkain!"
"Pumayat ka kasi," bumaba pa ang mga mata niya sa katawan ko para manuri. "Parang kaunting yakap ko lang sa iyo, mababali na kita."
"Edi huwag mo akong yakapin," sagot ko sabay lantak sa manok na iniligay niya.
"Hindi naman pwede iyon. Paborito ko ang mga yakap mo," bulong niyang walang kwenta.
Talagang nilalait niya ako ngayon?! Wala namang problema sa pagiging payat! Natawa lang siya at mas nag-abot pa ng gulay sa plato ko. Kung hindi ko tinampal, malamang sige pa rin ang bigay niya.
"Mabait ang tiyang mo. You're so lucky... to have her," Kinuha niya ang table napkin at pinunas niya iyon sa labi niya. Nagkatinginan kami.
"After that night... nag-alala ako kung saan ka pupunta at saan ka magta-trabaho," inabot niya ang tinidor niya at sinusundot nalang ang karne na naliligo sa sarili nitong mantika at sauce. "That night too, I was punched by two." Nagawa niya pang humalakhak sa rebelasyon niya.
Umawang ang bibig ko. Oo, galit ako sa kaniya at nasaktan pero kailanman ay hindi ko hiniling na mapisikal at umabot sa suntukan! Ayokong nagiging bayolente siya dahil hindi iyon maganda! Kahit anong problema... kahit gaano man kagulo o kalaki iyon, hindi pa rin tama ang pakikipag-away.
"Bakit mo hinayaang gawin ng mga kapatid mo iyon sa iyo?
Ngumisi siya. "I deserved it. Nababagay lang sa akin iyon. I hurted you and because of that I lost you. Sinira ko ang pangarap mo para sa mga kapatid mo. You lost your job... because of my immaturity. Ni hindi ko naisip na nasasaktan ka rin," aniya na parang ilang taon niyang tinanggap ang resulta ng kanyang nagawa noon.
Hindi na ako umimik. Alam kong nagsisisi na siya sa mga nasabi at nagawa niya. Parang... unting-unti na namang natutunaw ang galit ko at naisip na ilang taon na rin naman ang nakakalipas pero... Niana! Isip muna! Isip!
Kumain nalang ako dahil ayokong umiyak. Pagkatapos naming kumain, pinilit niya akong manood ng sine. At dahil saktong now showing ang palabas ng paborito kong loveteam, pumayag na ako tutal... libre niya rin naman.
"The hows of us..." sagot ko. Tumingin kami pareho sa poster bago siya dumiretso sa pila para magbayad ng ticket. Pagkatapos ay pumunta kami sa popcorn stall para sa pagkain namin.
Tahimik pa rin ako kahit na pinagbibigyan ko siya. Nag-iingay lang at paimpit na napapatili kapag nagkakaroon ng sweet scene.
"Ang gwapo naman ni Daniel..." bulong niya na labis na ikinagulat ko.
Napalingon pa ako sa kanya. Tama ba at pinuri niya si Daniel Padilla?
Natawa siya bago nginuya ang popcorn. "KathNiel fan din ako, e." sagot niya.
Pero nung dumating na sa scene na sumuko na si George... na napagod na siya sa kakatiis sa buhay kasama si Primo, napatingin ako kay Aries. Seryosong -seryoso siya sa pinapanood niya. Sumisinghot na rin dahil mukhang iiyak pa ata. Mas iyakin pa siya kaysa sa akin!
"And what makes that sorry different from all your sorrys before?" sabi ni George, ang karakter ni Kathryn.
Kinagat ko ang labi ko.
Gumalaw siya sa kinanaupuan niya kaya bumalik sa screen ang mga mata ko. Napagtanto ko kung gaano kahirap para sa akin ang nangyari noon. Na baka sa ibang tao, iyon lang 'yun...pero sa akin, tumatak ang sakit. Nalaman ko rin na kapag napagod ka... nagagawa mong makasakit at ipagtabuyan ang taong mas piniling samahan ka. Na dahil na nasasaktan sila, nakakasakit ka na rin.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...