This is the last chapter of my Aries. Thank you for reading!
---
"Kailangan umalis ng Mama Sonya mo, Aries. Don't act like a kid. Kailangan natin ng katulong... kung ganiyan ka, walang magtatagal!"
This is the third time... tatlong beses nang nagagalit si Mommy sa akin dahil ilang katulong na ang umalis dahil sa ugali ko. Halos paulit-ulit nalang lagi ang sermon niya sa akin dahil sa pinag-gagawa ko. Memoryado ko na. Palaging para kang bata sa ginagawa mo. You're being immature! Maawa ka naman sa mga kasambahay na tinatakot at binabastos mo para lang masunod ang gusto mo!
Frustrated lage si Mommy sa tuwing may nagpapaalam na kasambahay at hindi makatagal dahil sa pauli-ulit lang na dahilan.
"Stop it, Kuya..." Our youngest throwed me a tumigil ka na sa kahibangan mo, kuya look. I smirked evily. The evil side of me—satisfied. Kapag nagtatagumpay akong palayasin sila, natutuwa ako. Sa tuwing hindi nila kinakaya, there's hope for me... A hope for my Nanay.
Yes... I fucking know that I'm very aggressive and rude lalo na't sa mga taong ayaw ko. I'm not saint.
Gwapo lang ako at mukhang anghel pero alam kong alagad ni Satanas ang pag-uugali ko. I'm not like my brothers. Hindi ako friendly at mapili ako sa mga kaibigan. Ibang-iba sa mga kapatid ko. Hindi ako banal at masama ang ugali. I'm not plastic. I only want true words. I'm not soft.
Galit ako dahil bakit kailangan pang umalis ni Mama Sonya ko? I do understand na pagod na siya and whatever reasons she had, I'm willing to accept it but... puwede namang bumalik di'ba? Like bakit siya aalis? Maiintindihan ko naman kapag kailangan niya ng break... basta bumalik lang siya! Parang ang dali lang para sa kaniya ang iwan ako kahit na ilang taon niya akong inalagaan at pinalaki.
I smirked.
Inayos ko pa ang props na hiniram ko pa sa classmate ko. Diablo mask iyon kaya ganoon nalang ang takot ng isang katulong dahil sa ginawa ko. Baguhan palang siya but I already planned something against her. I sneaked and tried my best to scare her at kapag naubos ang pasensya niya, aalis din. Itinago ko iyon sa kahon dahil alam ko, mamaya, aakyat si Mommy para pagalitan ako at kumprontahin.
Ganoon lang ang nangyayari.
Well, not until...
"May nag-aapply sa labas. Dalawang babae raw."
I didn't finish my breakfast dahil sa nabalitaan. Tuwang- tuwa si Mommy dahil may naglalakas loob na naman nag-a-apply. Para kasi siyang pinagbagsakan ng langit dahil napagod na rin ata 'yung recruiting agency niya sa dami nang umalis. She looked at me and maybe...warned me. Pinagbantaan niya na ako gamit ang mga mata niya.
"Behave," she said before pulling the door to go outside to entertain the new recruit.
Agad akong umakyat sa kwarto ko at sumilip. There... I saw two girls talking to my old maid. Sumunod na rin si Mommy at nakitang lumapad ang ngisi nilang dalawa. Pumasok pa at may dala-dalang envelope!
I gritted my teeth..
Ano na naman kaya ang magiging plano ko para paalisin sila?
The day when Mommy told me about them, I wanted to restrain myself. Lalo na't nakita at nakilala ko ang mga bagong katulong. They were shy. Tumaas ang kilay ko at agad na sinuri mula ulo hanggang paa. But, a girl with a big eyes got my attention. Nagmukha kasi siyang tarshier sa paningin ko.
I can tell that she's pretty but not my type, I think. Halatang mas matanda sa akin ng ilang taon. Halatang taga-bukid din at di sanay sa syudad. Hindi mahirap kumulo ang dugo ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
RomanceWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...