Chapter 21

467 14 0
                                    

"Mom! I want her out! I want her gone! Tell her to leave this house now... please!"

Natulala nalang ako sa sahig. Nasa baba ako, kasama ko si Faith habang pinapakinggan kung gaano ako gustong paalisin ni Aries sa mansyon.

Kung noon, nakagagawa talaga siya ng paraan para iparamdam sa akin kung gaano niya ako kagusto, ngayon, halos magmakaawa na siyang lisanin ko ang bahay na 'to. Bumalik siya sa dating Aries na nakilala ko.

"Niana? Anong nangyayari?!" madiing bulong sa akin ni Faith. Kanina pa pulang -pula ang ilong ko dahil panay ang pisil ko para hindi ko magawang maiyak sa naririnig.

Nakakagawa talaga siya ng paraan para saktan ako.

Hindi pa sapat iyong hindi niya ako pinapansin at umaastang hindi niya ako nakikita. Sinubukan ko naman... kaso ayaw niya akong bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Kung makatingin din siya sa akin, halatang nandidiri. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ng mga kaibigan niya pero gusto kong malaman niya ang totoo. Na nagsasabi naman ako ng totoo.

Tumunog ang pintuan. Nakita kong bumaba si Sir Ares na may madilim na mukha. Ako agad ang hinanap niya. Isang hakbang mula sa hagdanan, ramdam ko kaagad kung gaano kabigat ang hininga niya. Sakto ring magkasabay na dumating si Tau at Sagi na parehong naka-basketball jersey at pawis na pawis.

"Dad? What's happening? Sa labas palang, dinig na namin ang sigaw ni Kuya. Anong nangyayari?" si Sagi sabay lapag ng sapatos niya sa sahig.

Napatingin sa akin si Tau pero yumuko lang ako.

"Your kuya is acting like a fucking child."

Napakagat labi ako sa sagot ni Sir. Kahit na hindi ako mag-angat ng tingin, alam kong nasa akin ang mga mata ni Sir Ares.

"Mawalang galang na po, Sir... Pero bakit naman po gustong paalisin ni Aries si Niana? May nagawa po ba siya... May nangyari po bang hindi maganda sa trabaho niya? Pumalpak po ba siya?" si Faith na hindi na nagawang pigilan pa ang pagtatanong.

"What?! Gustong paalisin ni Kuya si Niana?" gulat na tanong ni Sagi.

Ngayon, nasa akin na rin ang tingin ng magkakapatid.

Napapikit ako. Ngayon, nasa alanganin na ang trabaho ko. Hindi ko matanggap na talagang... dinadamay niya ang trabaho ko! Hindi ko mahanap ang rason niya kung bakit gusto niya akong paalisin!

Napadilat ako nang bumaba si Ma'am Rege. Tulad na Sir, seryoso ang mukha niya at ako agad ang hinanap.

"I think... you two should talk. Huwag naman sana ganito. Aries wanted you to leave but I also don't want to get this job for you. Alam kong ikaw ang bumubuhay sa pamilya mo. So you better fix your problem... with him."

"And besides... girlfriend ka niya kaya kailangan niyong mag-usap," sabat ni Sir Ares.

Gusto kong matawa sa narinig ko. Girlfriend.. girlfriend huh. May kahalikan nga siyang iba...

Tumango ako kasi tama sila. Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin kami nakapag-usap. Umakyat ako kahit na labag sa kalooban kong kausapin siya. Inisip ko nalang na ayokong mawala ang trabaho ko kaya gagawin ko ito.

Hindi ako kumatok kasi alam kong hindi niya ako pagbubuksan.

Pinihit ko ang doorknob. Makapal ang mukha kong binuksan ang pinto para magawang ipasok ang katawan ko.

"What the fuck are you doing?! Get out!" sigaw niya. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niya.

Pero hindi ako nakinig. Sinirado ko ang pinto at matapang na tumingin sa kanya.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon