Chapter 2

881 17 0
                                        

"Kakain na po Tay, Nay."

Inilapag ko ang pritong isda at nilagang saging sa lamesa. Bumaba si Layla at sumunod naman sa kanya si Gelo. Nagtatalo pa ang dalawa kaya kinurot ko sa tagiliran ang kapatid kong lalaki dahil hawak-hawak na naman nito ang cellphone niya. Katawag na naman siguro ang girlfriend na mukhang maghapon lang na nakatelebabad!

"Hoy ikaw! Atupagin mo 'yang pag-aaral mo, ha. Malilintikan ka talaga sa akin kapag nagloloko ka sa pag-aaral," banta ko sa kapatid ko.

"Ate naman... Hindi naman ako nagiging pabaya sa pag-aaral no."

"Siguraduhin mo lang dahil talagang tatamaan ka sa akin," banta ko.

Sabay na pumasok si Tatay at Nanay na parehong kakagaling sa taniman. Ngumisi si Tatay nang makita ang pagkain sa hapag.

"Oh, Niana. Kamusta ang paghahanap ng trabaho niyo ni Faith?" tanong ni Nanay bago siya umupo sa pwesto niya.

"Magandang balita po! Tanggap po kami agad," sagot ko.

Natigilan sina Tatay.

"Kay dali naman ata? Totoo ba 'yan? Baka mamaya may kung anong anumalya 'yan ha?" tanong ni Tatay. Inabot ko 'yung kanin at inilapit sa kapatid kong si Layla.

"Totoo po. Sa katunayan ay sa mga Castillo po kami magta-trabaho."

"Castillo?"

"Sa mga Castillo, Ate?" sabat ni Gelo sa usapan namin. Tumango lang ako kaya mas lalo lang silang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Talaga ba? Naku! Mabuti naman at natanggap ka. Magpakabait ka doon, Niana. Mababait sila.. Kung hindi dahil sa pamilya nila ay ilang magsasaka na ang walang makain at lupa ngayon.." ani ni Tatay.

"Ano pong ibig niyong sabihin Tay?"

"Si Don Geraldino, ang unang Castillo na tumulong sa mga kasama kong magsasaka noon. Nilaban niya ang karapatan namin hanggang tuluyang napasa-amin ang lupa. Kahit papaano ay malaking tulong din ang naibigay niya sa akin noon. Hanggang sa sinunod ng mga anak niya ang yapak niya. Katulad niya ay marami rin silang tinutulungan kahit na sa kabila ng yaman at pangalang hawak nila.."

"Oo Ate! Mababait din sila! May mga Castillo akong kakilala na nag-aaral sa CJC. Hindi sila 'yong karaniwang mayayamang nakikita natin sa telebisyon na hambog at maarte. Ibang iba sila Ate." singit ni Gelo.

Ang dami namang mapuri sa pamilyang 'yon.

Pero kung sabagay, kung pagbabasehan lang si Mrs. Castillo, talagang mabait ang pamilya nila. Taliwas sa mga ibang mayayaman na parang galit sa mga mahihirap. Hindi ko naman nilalahat pero... basta. May mga ugali ang mga mayayaman na talagang hindi maiintindihan naming mga mahihirap.

Ang dami-daming pabaong paalala ni Nanay! Ewan ko talaga kung ano iyong iisipin ko. Kung nag-aalala siya sa akin o talagang wala lang siyang bilib sa akin na magagawa ko nang maayos ang trabaho ko?

"Niana! Tara na at baka mahuli tayo," sigaw ni Faith. Mahigpit na yakap muna ang ibinigay ko kay Nanay bago ako naglakad papalapit kay Faith.

"Ano ba 'yan! Parang nag-aabroad naman tayo kung makapagpaalam diyan," bulong niya.

"Alam mo ikaw? Napaka inggitera mo. Palibhasa kasi, hindi ka sweet sa tatay mo."

Mas lalo siyang sumimangot.

"Uuwi naman kasi tayo tuwing linggo kaya okay lang."

Natigil lang ang bangayan namin nang makita na ang sakayan. Nandito pa rin iyong kaba pero bahala na, para sa pamilya. Sana lang... sana lang talaga, mababait din 'yong mga anak para hindi naman ako magkaproblema. May problema pa naman ako sa pasensya pero kung sakaling may problema nga sa pag-uugali ang mga alaga namin ay baka pwede naman akong makapagtimpi. Susubukan ko. Para sa pera. Para sa pamilya. Para sa kinabukasan ng mga kapatid ko.

Kasi kailangan ko ang trabahong 'to.

Bahala na talaga si Lord.

Pero nang makarating kami sa mansyon, nasabi kong tama nga ako.

Hindi talaga lahat maganda. Hindi talaga lahat madali. Hindi talaga lahat mabait.

Tatlong lalaki ang magarang nakaupo sa mamahaling sofa nila. Nakatayo si Mrs. Castillo at inisa-isa na pinakilala sa amin ni Faith ang mga binata niya. Iyong isa, okay na okay. Kay gwapong bata! Maputi at matangos ang ilong nito. Bagay din sa kanya ang kanyang itim na buhok. Tama lang din ang pangangatawan. Ngumiti siya sa amin at ramdam namin na talagang nagagalak siya na makilala kami.

"You can call me Sagi." pagpapakilala niya. Inabot niya pa 'yung kamay niya sa amin kaya nalaman ko kung gaano kalambot iyon at halatang hindi man lang sanay na magtatrabaho.

Tumayo naman 'yung isa pang lalaki, manang mana siya kay Mrs. Castillo. Maputi rin ito katulad ni Sagi pero magkaiba ang hugis ng kanilang mga mata. Kulay tsokolate rin ang buhok niya at may katangkaran din. Matangos din ang ilong at hindi mapagkakailang ang gwapong bata.

"Taurus... pero siguro Tau nalang para mas okay," sabi niya. Katulad ni Sagi ay inabot niya rin ang kamay niya sa amin.

"Aries—"

"Bakit may bagong katulong, Mom? Aalis na ba talaga sila Mama Sonya?" tanong nu'ng isa.

Hindi katulad ng mga kapatid niya, iba iyong dating niya. Suplado siya at mararamdaman mo talagang ayaw niya sa iyo dahil tinititigan ka niya sa paraang ayaw niya.

"Kuya... Aalis na si Aling Son. Can you just—"

"Hindi ikaw ang tinatanong ko. I'm asking Mommy!" putol niya sa kapatid.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

Ang bastos na bata.

Bumaling siya sa amin at hindi naman naramdaman na welcome na welcome kami. Ngumiti si Mrs. Castillo na para bang humihingi siya ng tawad sa inakto ng anak.

"Si Kuya ay nagiging parang shit na naman."

"What do you want me to do, then? I'm so pissed kasi binuwesit niyo ako." wika niya bago nagmartsa papuntang kusina.

Talagang.. grabe!

"Pagpasensyahan niyo na. Talagang ganoon ang panganay ko. Ayaw niya kasi sa mga bagong katulong kasi lumaki siyang si Sonya ang nag-alaga sa kanya. Pero kahit naman gustuhin kong panatilihin si Sonya rito para sa kanya, I can't do that kasi tumatanda naman siya. Pero mabait naman 'yang si Aries."

"Oo. Kailangan lang iuntog ng tatlong beses."

"Sagi! Stop it kung ayaw mong may laptop mo na naman ang masira."

"Whatever."

Ngumiti ako kay Mrs. Castillo. "Okay lang po. Masasanay din po siya sa amin, di'ba Faith?" siniko ko 'yung katabi ko para malaman ko kung buhay pa ba. Kanina pa kasi titig na titig kay Sagi!

"Ah? Ha? Oo!"

"Naku! Salamat naman. Ilagay niyo na 'yung gamit niyo sa HQ. Nakahanda na lahat doon. Magpahinga nalang muna kayo at bukas na kayo magsimula. Panigurado namang napagod kayo sa byahe."

Alam kong hindi magiging madaling pakisamahan ang isang taong ayaw sa iyo. Lalong lalo na't kung harap-harapan niyang pinapamukha sa iyo na ayaw niya talaga.

"Kain na po—"

"Get lost. I'm not hungry." supladong sagot niya.

"Pero pinapatawag—"

"I said, get lost! Mahirap bang intindihin 'yon?" sigaw niya tapos padabog akong pagsasarhan ng pinto.

Sa totoo lang... para siyang bata. Sa tingin niya, ikinakagwapo niya 'yon? Ni mga kapatid ko ay hindi ko hinahayaang bastusin at pagtaasan ng boses man lang. Tapos siya? Kung talagang ayaw niya sa amin, hindi niya naman kailangan maging bastos o sadyang bastos lang talaga siya? Hindi ba siya pwedeng mag-adjust man lang?

Mas matanda pa rin ako sa kanya kaya kailangan respetuhin niya pa rin ako. Kahit katulong lang ako.

Pero ganoon nga talaga siguro. Iyong respeto, minsan nagiging sukatan ang estado ng buhay para respetuhin ka. Amo siya at katulong lang ako. Kaya minsan, ang hirap hingin nu'n sa kanila.

Pero hindi naman ako pwedeng sumuko lang dahil may masyadong attitude. Pagtitimpian ko pa rin siya sa abot ng makakaya ko. Iyong kaya pa ng pisi ko.

Kasi kailangan ko ng pera.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon