Chapter 31

525 15 0
                                    

Hindi ko alam kung paano nila naayos ang gulong ginawa nila. Ginawa ni Aries ang gusto ko kahit labag sa kalooban niya dahil mahal niya ako. Kahit naririnig ko ang pag-alma niya.

"It's because I love you damn so much..." lagi niyang binubulong sa akin 'yon kapag napag-uusapan ang  tungkol kay Sam. 

 Labag man sa kalooban niya, hinayaan niya akong makausap si Sam. Nagulat nga rin ako na pumayag si Sam sa gusto namin. Alam kong hindi madali sa kanya lalo na't ilang taon kaming nahirapan sa pinaniniwalaang totoo.

Una kaming dumating ni Aries sa Lucia's. Habang hinihintay namin si Sam, nag-order na rin ako ng fruit smoothies para sa aming dalawa. Madilim pa rin ang mukha ni Aries. Kahit na ayaw niya ang ginagawa namin, wala na rin siyang ibang pagpipilian dahil alam niyang tama lang na klaruhin ko ang lahat. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti siya pero agad ding nawala iyon nang dumating si Sam na naglalakad papalapit na sa amin.

Lumunok ako at medyo naawa sa hitsura niya. Klarong klaro ang kanyang mga pasa at sugat dahil sa suntok ni Aries. Padarag siyang umupo sa harapan namin at tamad na inilipat ang tingin sa akin.

"What do you want? Tito Ares called Dad to settle things between us. Really?" natawa pa siya. "Nagiging palaban ka kay Tito Ares?"

Magsasalita na sana ako pero sumabat si Aries.

"I'm doing this for Niana and for my baby."

Napansin kong natigilan si Sam at dahan-dahang tumingin sa akin. Pababa ang naging tingin niya hanggang na dumapo iyon  sa tiyan ko. Gumalaw ang kilay niya at hindi rin nagtagal ang sulyap na iyon.

"Y-You're pregnant—"

"Oo. At pasalamat ka na walang nangyari sa kanya dahil kung meron man... hinding hindi kita mapapatawad."

"Aries..." tawag ko. 

Natahimik silang dalawa.

Ako naman ngayon ang magsasalita. Tumikhim muna ako bago ko ipinatong ang dalawang kamay ko sa mesa. Napatingin pa si Sam doon at bahagyang tumaas ang kikay.

"Gusto mo bang magtanong? O ako ang magsasalita?" tanong ko kay Sam.

 Galit agad ang mga mata niya nang iniangat ang tingin sa akin. Pagod akong ngumisi. Alam kong galit na galit siya sa akin at ramdam ko pa rin ang pagpipigil... dahil sa nalaman.

Binuka niya ang bibig niya para ilabas ang tanong.

"Is it true? Totoo ang litrato di'ba so... kabet ka talaga ng Daddy ko?" Gumalaw ang panga niya. "Why? Alam mo bang may asawa at anak siya? What did he promised—"

"You bullshit—"

Umiling ako. "Maaring totoo ang litrato pero hindi ako kabet ng Daddy mo. Sa maniwala ka o sa hindi, hindi ko ginusto ang yakap na iyon." Umiling ulit ako. 

Narinig kong nagmura si Aries.

"Ilang taon kong namuhay sa patag, hindi ko alam na hahantong ako sa buhay na meron ako dito. Nagpunta ako ng Digos para magtrabaho pero ang totoo ay naloko lang kami. Ang inaakala kong pormal na trabaho, hindi ko inaasahang escort agency pala ang nakuha namin. Pinasuot kami ng magarang damit kahit labag sa gusto namin." Lumunok ako at inalala ang gabing iyon. Pareho kaming naloko ni Faith. Wala kaming pagpipilian no'n.

"Ang yakap... hindi ko yinakap ang Daddy mo, ni hindi ko nga siya kilala. Nalaman ko lang na isa siyang regular costumer nang sabihin ng manager namin na ihatid ko siya sa kwarto niya. Hindi ako bobo para hindi malaman ang susunod na gagawin. Natakot ako at doon... yinakap ako ng Daddy mo. Sinabi sa akin ng daddy mo ang trabahong pinasok namin. Na kailangan naming makihalubilo sa mga mayayamang may asawa't anak na. Nakita kita sa picture na nasa wallet ng daddy mo. Inamin niya sa aking may pamilya siya," dagdag ko.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon