Hindi ko mapinta ang mukha ni Aries. Pagkatapos sabihin ng babaeng nagngangalang Karen ang tanong niya, seryoso na ang mukha niya.
Gumalaw ng kaunti ang labi niya at inabot ang kamay ko. Napatingin pa do'n si Chloe pero lumapit si Aries sa kanya kasi kakausapin niya raw si Karen. May bigat sa paa siyang yumuko ng kaunti. Hindi ko alam kung anong binulong niya kay Khloe kaya umalis na sila at iniwan kami.
"You want dessert?" mahinahong tanong niya kahit na nararamdaman kong iritado pa rin siya.
Ngumuso ako at tumango. Strikto siyang tumayo at pumunta sa isang sulok na punong-puno ng desserts. Isinubo ko ang ulan na may kaunting kanin na nasa plato ko at napabaling sa celebrant. Nang magtama ang tingin namin ay kumaway siya at tumango. Mamaya ko nalang siya babatiin kapag wala na ang mayayamang kaibigan niyang nakapalibot sa kanya.
Bumalik si Aries na may dalang platong puno ng panghimagas. Kinagat ko ang labi ko nang biglang maglaway dahil unang beses kong makakatikim no'n kaya natakam ako. Kumuha ako ng isa at pinuno ang bunganga ko.
"Drion wants to meet you."
"Ako rin pero mamaya nalang kasi nakakahiya sa mga kaibigan niya," sagot ko kahit na punong-puno pa ang bunganga ko.
Kumunot ang noo niya. "Bakit ka ba parating nahihiya?"
Hindi ako sumagot kasi alam ko namang hindi niya maiintindihan iyon. Hindi naman ako katulad nila na mayaman at magaling makibagay kasi alam ko naman talagang malayo ang mundo nila sa mundo ko. Hindi naman ako katulad ni Aries na ang dali-daling maka adjust kasi pinapakisamahan din naman siya.
"Mamaya nalang kasi."
Hindi niya na ako kinulit pa. Busog na busog ako dahil sa dami ng pagkaing inilapag niya. Halos bumigat ang tiyan ko. Ayoko rin namang magsayang dahil naiisip kong nagtatapon ako ng pagkain kapag hinahayaan kong hindi ubusin iyon. Ang dami pa namang taong walang makain tapos ako, magsasayang lang?!
Pinilit kong ibuka iyong bibig ko para sa huling subo. Inimbita agad ako ni Aries sa table ng mga pinsan niya dahil kanina pa siya tinatawag. Maingay at panay ang tawanan nila kaya naman walang mapaglagyan ang hiya ko nang mapunta sa amin ang atensyon nila.
Mababait ang mga pinsan ni Aries pero talagang nakakahiya.
"Hi Niana!" si Rios na malawak na agad ang ngisi.
"Siya na ba iyon?"
"Bakit ang pangit ng dinala mo kahapon?!" sigaw nung isa pa nilang pinsan na nagngangalang Calyx.
"Siraulo ka talaga, Cal."
Kumuha ng upuan si Aries at pinuwesto niya iyon sa tabi niya. Uminit ang pisngi ko nang maghiyawan sila...kaya napatingin pa ang ibang bisita sa mesa namin. Hindi ko na rin mapigilan ang ngumiti lalo na't kung ganito sila.
"Happy birthday!" bati ko nang tuluyan lumapit si Drion sa banda ko. Bagay sa kanya ang suot niyang white long sleeves. May dala siyang regalo nang lumapit sa amin. Ngumisi siya at yumuko pa ng kaunti.
"Salamat, Ate!"
"Nasa legal age na si Drion. Ano kayang magandang gawin sa unang gabi ng legality niya?" tanong ni Calyx. Tatawa na sana siya nang bigla siyang barahin ni Leo.
"Pinaglihi ka talaga sa duga, Cal! Ang manyak-manyak mo. Utak mo puro sex!"
"Ay sumasapaw? Wala ka bang lalaki ngayon at ako ang—"
"Kuya Calyx!"
"So gross..." rinig kong bulong ni Aries. Kahit na patuloy na nag-aasaran ang mga pinsan niya, bumaling siya sa akin at ngumisi. Ngumiti na rin ako kaya mas lalo lang siyang dumikit sa akin. Sa tuwing inaalok siya ng mga pinsan niyang tumayo, umaayaw siya dahil ayaw niya akong iwan.
BINABASA MO ANG
Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)- PUBLISHED UNDER IMMAC PPH
Storie d'amoreWarning: Rated 18+. This story contains mature contents that clearly not suitable for young readers. When you think you're old enough to read this one then read at your own risk. Age. Social Status. Gap. Does it matter? Naniniwala si Niana Garcia n...