Chapter 8

618 14 0
                                        

"Nadistorbo ata kita. I'm sorry."

Nakatingin lang ako sa malaking salamin na nakakabit sa dingding ng kwarto ko. Humikab pa ako kahit na ramdam ko na yung hapdi dahil sa pamumugto ng mga mata ko. Tinitingnan ko ang sarili ko dahil hindi ko alam kung bakit ako napangiti... o natatawa sa pagtawag niya.

"Ano... Okay lang, Aries. Kakain na rin naman ako kaya okay lang na tumawag ka... Pero may nangyari ba?"

Ilang segundo siyang natahimik bago nagsalita. Hihikab pa sana ako ulit pero tinakpan ko na yung bibig ko kasi nasa kabilang linya pa nga siya.

"W-Wala. I just want to make sure na safe kang nakauwi."

"Ah... Oo. Safe naman kaya lang, nakatulog ako kaagad 'eh. Napagod ata ako sa byahe—"

"Ate!"

Napatayo agad ako dahil sa biglaang pagtawag sa akin ng kapatid ko. Kanina pa siya sumisigaw na kakain na. Inakyat pa talaga ako kasi ayaw niyang pinaghihintay ko ang pagkain.

"Oo! Lalabas na ako..." sigaw ko sa kapatid ko bago ko ulit binalikan si Aries. "Teka lang Aries, ha.. Tinatawag na ako ng kapatid ko para maghapunan..."

"Oh! Okay.. Eatwell."

Binaba ko na ang tawag at lumabas na ng kwarto. Naabutan kong abala si Gelo sa mga assignments niya sabay salubong ng ngisi niya sa akin kaya pumwesto ako sa harapan niya.

"Ate, kumusta ka naman sa trabaho mo?"

"Okay lang naman. Tama ka at mababait ang mga Castillo. Hindi sila malupit sa mga katulong nila," sagot ko at kumuha ng kanin pagkatapos ay inilagay ko sa plato ko.

Kahit na... hindi maganda iyong unang linggo ko do'n, okay lang naman. Nagpaliwanag na rin naman si Aries kung bakit ganoon nalang ang pagsalubong niya sa akin dahil ayaw niyang palitan ang kinagisnang yaya niya. Pero natutuwa ako at na-realize niya na hindi niya dapat kami pinagbubuntunan dahil trabaho ang gusto ko, kailangan ko ang trabaho ko. Alam niyang nagkamali siya at humingi ng tawad sa akin.

"Gwapo rin ba, Ate?" natatawa niyang tanong.

Hindi siya nakatingin sa akin kasi nagsusulat siya pero halata sa boses niya ang pang-aasar. Pinanood ko ang sulat-kamay niya at namangha kung gaano kaganda iyon. May nakikita rin akong isa sa apat na bahagi ng papel at may malalaking numero iyon sa itaas na kulay pula.

"Oo, gwapo sila. Pati 'yung mga pinsan nila. Lahat gwapo." Nag-sandok na ako ng kanin at inilagay iyon sa plato ko.

"Hindi mo crush, Ate?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Itong batang 'to, wala na ibang inisip kundi puro crush. Puro crush at pag-ibig ang nalalaman! 

"Hindi. Ang babata pa nila... nag-aaral pa," sagot ko.

Tinawanan niya lang ako. Akala mo nagjo-joke ako 'eh.

"Ano naman ngayon, Ate? Hindi naman basehan ang edad para—"

Umiling ako at iniangat ang kutsara ko para tumigil na siya. Alam ko na kasi ang sasabihin niya.

"Nasasabi mo lang 'yan dahil ang bata mo pa," sabi ko.

"Totoo kaya! Hindi naman talaga hadlang ang edad! Basta mahal niyo ang isa't-isa, wala kayong magiging problema."

Natawa ako.

Hindi naman totoo 'yan.

"Nabubulag kayo ng ideyang basta mahal niyo ang isa't isa ay okay lang, na importante sa relasyon niyo na maging okay kayo sa isa't isa... Pwes, hindi ganoon kadali iyon, Gelo. Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mo pa ring ikonsidera ang mga nasasabi ng mga taong nasa paligid mo. May mga opinyon nila na masasaktan at maapektuhan ka. Isip... isip dapat ang pinapairal." Tinuro ko kaagad ang ulo ko.

Yes, No, Maybe (Castillo Series #1)-  PUBLISHED UNDER IMMAC PPHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon