01
"Rox!"
"Ha?" Tugon ko kay Cleofa nang malakas nito akong tawagin.
Kumunot ang noo niya t'yaka pinaglaruan ang lollipop na subo-subo. "Malalim iniisip mo, ah? Nagkukuwento ako dito, hindi ka naman nakikinig." Tunog pang nagrereklamo n'yang sabi.
I sighed. "Ano bang kinukuwento mo?"
"Hmph! Hindi ka nakinig eh, ayoko na ulitin! Ang haba kaya ng sinabi ko t'yaka mag-ta-time na. 'Di bale sasama ka ba sa'kin mamayang uwian? Deretso tayo ng Bistro. Diba nasabi ko na sa 'yo noong nakaraan? Birthday ni Jam, mayaman 'yun kaya manlilibre daw." Bahagya pang humahagikhik matapos sabihin ang pangalan ng boyfriend n'ya.
Napatampal ako sa noo nang makalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. "Ngayon ba 'yon? Akala ko sa susunod pang araw..."
Tumaas ang kilay ni Cleofa t'yaka kinalabit ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya. "Ay ineng, h'wag mong sabihin saaking hindi ka sasama? Oo, ngayon 'yon!"
Nakokonsensya tuloy akong napailing sa kanya. "I can't come." Ani ko. "May duty pa ako pagkatapos ng practice, 'e."
"Ay bakit? May babantayan ka na namang na guidance?"
I nodded.
"Oh? Sila Gideon na naman, ano?" She said, smiling maliciously at me.
Ngumiwi naman ako nang marinig ang pangalan ni Lofranco na binanggit niya. "Hindi na yata titigil ang mga iyon sa pagpapasakit ng ulo ko. Parang gusto ko nalang isuko 'yung p'westo ko bilang SSG president nang dahil sa kanila." Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Imbis na nag-aaral ako hindi ko magawa dahil halos araw-arawin nila ang paglilinis ng school pagkatapos ng klase."
"Gawin mo nalang daw kasing boyfriend si Mr. Lofranco. Baka sakaling tuluyang tumino at tigilan na ang pagbubulakbol." Biro nito na sinabayan ng tawa.
I slapped her shoulder and looked at her with wide eyes. "Are you insane, Cleofa? Gawin kong boyfriend?"
She laughed even more. "Easy naman Miss President, high blood ka na naman."
I clicked my tongue in annoyance. Parang gusto kong takpan 'yung tenga ko sa kung anong salitang lumalabas sa bibig n'ya. Naalala ko kasi si Lofranco ang madalas gumamit ng linyang iyon. Lagi ko nalang naririnig at mas lalo yatang tumataas ang dugo ko kapag sinasabi niya nang may ngisi sa labi.
Lofranco was a big part of my high school life. Buong high school ko ay walang na yatang araw na hindi ko siya nakikita. Mabuti pa noong first year at second year, nadadaan-daanan ko lang siya.
Pero noong dumaan na ang third at fourth hanggang ngayong senior high na naging SSG President ako ay wala na yatang araw na hindi ko siya nakikita at nakakasama sa mismong loob ng guidance office.
Kung may araw lang na hindi ko siya nakakasalamuha, iyon ay tuwing hindi siya pumapasok o kaya'y suspended s'ya dahil sa violation na ginawa niya.
"Alam mo namang malaki ang gusto no'ng isang 'yon sa 'yo. Malay mo lang naman tumino, diba?" Sabing muli ni Cleofa.
I rolled my eyes. "Kayo lang naman ang nagsabi at nagpakalat no'n, hindi naman totoo. Hindi din ako naniniwala sa inyo."
"Bakit gusto mo ba sa kanya mang galing na gusto ka n'ya? Aba'y buong school yata alam na may gusto sa 'yo 'yung tao, tapos ikaw tong patay-patayan ng malisya."
Hindi ko napigilang umismid. "Ewan ko sa 'yo, basta hindi muna ako makakasama sa inyo ngayon. Enjoy mo nalang na solo mo 'yung boyfriend mo, alam ko namang 'yon ang gusto mo." Nginisian ko s'ya t'yaka binitbit ang bag ko paalis ng cafeteria.