Prologue

75.6K 1.7K 1K
                                    

Prologue

"Make sure to collect your classmates' papers before lunch and bring them to the faculty."

"Yes, ma'am," I said as our professor turned away from me and exited the classroom.

I licked my lips unconsciously and looked around at my classmates, who were busy answering their quizzes.

Ito na ang last class namin sa umaga at may urgent meeting ang mga professor and as the classroom president, tungkulin kong siguraduhing maayos na matatapos ng mga kaklase ko ang quiz bago lumabas ng classroom para mananghalian.

Bumalik ako sa upuan ko at tahimik lang na naupo doon.

"Did you hear the news, Roxana?" Mahinang bulong saakin ni Cleofa na s'yang katabi ko.

Tingnan ko s'ya at napansin kong nakatakip na rin ang papel niya at mukhang tapos na kaya bumaling na saakin para dumaldal.

"What?" I asked.

Nang-aasar ako nitong tiningnan. She chuckled and put the tip of her finger on my nose, slightly poking it.

"May nalaman kasi akong balita, Rox." Aniya. "Wanna know what it is?"

"Nalaman ba talaga o inalam?" Nangiwi ito nang dahil sa sinabi ko habang ako naman at mahinang napatawa at inilingan s'ya.

For all I know, hindi niya nalaman lang ang balita... I know she eavesdrops on someone's conversation and starts to get chika from them, typical Cleofa doings.

"Yeah, So what is it then?" Pagbabalik ko ng usapan namin kanina at bahagyang inililipat ang tingin ko sa mga kaklase kong nagsasagot pa rin.

Kanina pa naman akong tapos at meron pang halos kinse minuto bago ang lunch time.

"Well, narinig ko lang naman sa ibang seniors na Mr. Lofranco gets the highest grade in his math class! I mean, he excels in Mr. Navarro's class. Remember? Who was the most feared professor during the senior year of high school?"

"Oh?" Bumalik ang tingin ko sa kanya.

Of course, I know Mr. Navarro. The famous professor, famous for being terror. Ang alam ko ay mathematics ang hawak niyang subject sa grade 12, he's also teaching grade 11 but gladly hindi sa amin.

Tumango-tango saakin si Cleofa. "Ang galing, diba? Usap-usapan s'ya lalo na dahil halos s'ya ang may pinakamataas na marka galing kay Mr. Navarro since last year."

I just looked at her. Hindi ko mahanap ang tamang salitang dapat sabihin sa kanya kaya nang tumingin din s'ya saakin ay napasimangot na ito.

"Come on! Parang hindi ka naman interesado sa sinasabi ko."

I shrugged. "Sort of,"

Bumuntong hininga ito t'yaka sumandal sa kinauupuan.

"Duh? It's Mr. Lofranco! The famous Lofranco, who always got into-" I cut her words and finished it instead.

"Guidance office..." Tumatango-tango ako at ngumiwi.

Matunog ang naging singhal ni Cleofa at bahagya pang natawa. She patted my head like a kid and laughed more.

"Nagpapapansin lang 'yun sa'yo... Alam mo naman at alam ng lahat na crush ka no'n! Gosh, I wish I was you! But then, turn off ako sa kanya. Masyadong madaming bisyo sa katawan at bad boy..." Naiiling pa siya saakin.

Imbis na pagtuunan ng pansin ang sinasabi niya ay itinuon ko ang sariling atensyon sa mga kaklase kong lumalapit na saakin para magpasa ng papel nila. Hindi na rin nagtagal at natapos ang oras ng klase at dumating ang lunch break.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon