21

19.5K 648 161
                                    

21

"We still need to undergo some tests about his condition. Ang sabi n'yo ay wala naman s'yang asthma, but then it is possible. Nahirapan s'yang huminga at nawalan ng malay. It's either asthma or another type of heart complication."

Parang unti-unting gumuguho ang mundo namin ng mga magulang ko habang pinapakinggan ang bawat katagang sinasabi saamin ng doktor tungkol sa kundisyon ng kapatid ko.

Tumulo ang luha at hindi maiwasang hawakan ng mahigpit ang kamay ng kapatid kong hanggang ngayon ay nakaratay sa hospital bed at walang malay.

Sunod-sunod na naman ang luha ko habang nakatingin dito.

Hindi ko matanggap na matapos n'yang magkaroon ng prosopagnosia ay magkakaroon na naman s'ya ng panibagong sakit.

"Miro baby... Hold on for Ate... Please hold on for us. " I whispered to him, crying.

Narinig ko ang hikbi ni mommy habang nakahilig kay daddy. "This is my fault. Kung sana mas naging maingat ako noon..." Sunod-sunod ang naging hikbi n'ya.

Sabay naman kaming napailing ni daddy sa kanya. Kung p'wede lang. Sana ako nalang. Sana saakin nalang 'yung sakit n'ya.

I failed my international tournament. I gave up.

Nang malaman kong isinugod sa ospital ang kapatid ko ay kumuha agad ako ng flight kahit pa sabi ni Coach Nella ay hindi naman daw ako pwedeng basta-basta magback out.

Ano pa bang magagawa ko sa championship na iyon kung ilang beses na rin akong nagkamali?

Mas maraming may deserve ng panalo at sa tingin ko sa unang pagkakataon, hindi ko deserve iyon.

Siguro hindi talaga para saakin iyon.

Nasa isip ko lang ng mga oras na pauwi ako ay ang kapatid ko. Walang oras na hindi ako umiyak at nagdasal na sana, sana walang mangyaring masama sa kanya. Sana hindi lalong lumala.

I was worried sick. Ni hindi pa ako nakakatulog ng maayos simula kahapon.

I can afford to lose the championship, but not my brother. I can't afford to lose Miro...

"Roxana," tawag saakin ni daddy na s'yang ikinatingin ko sa kanya.

Nakita kong natutulog na si mommy sa mahabang sofa na inuupuan nila kanina. Si daddy naman ay papalapit saakin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha n'ya kaya nang makalapit ay agad akong binigyan ng mahigpit na yakap.

"Daddy, I f-failed..." Basag ang boses kong sinabi sa kanya iyon at hindi mapigilang humaguhol ng iyak.

Marahang haplos ang naramdaman ko sa ulunan kasabay paghigpit ng yakap ko sa bewang n'ya.

"I failed you. I failed mom. I failed my d-dream...."

"Shh... It's ok, anak. It's ok. We're still proud of you." Marahan nitong bulong saakin.

Humigpit ang kapit ko sa kanya habang patuloy sa pag-iyak. Ramdam na ramdam ko ang umuukit na sakit sa puso ko habang inaalala ang mga paghihirap ko mula sa simula. Inalala ko kung paano ako nangarap ng mataas at ipinangako sa sariling pagdating ng oras na makasali ako sa isang international competition ay uuwi akong panalo.

But I did not...

Natalo ako. Nasira ang pangarap ko...

Marahang haplos sa pisngi ang s'yang naging dahilan para malimpungatan ako. Ni hindi ko napansing nakatulog na ako kakaiyak. Namumungay ang mga mata kong nag-angat ng tingin sa taong gumising saakin.

My lips parted a bit when I saw Gideon's worried face in front of me.

"Rox..." Bulong n'ya.

Muling dumaan saakin ang sakit. Hindi ko mapigilang making emosyonal. Muling nangilid ang mga luha ko.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon