05
"So we needed a place where we could have our group study and at the same time gagawa rin tayo ng research paper at presentation..." I said.
Napatingin saakin ang apat kong group mates. Nagkaroon kasi kami nitong activity. Research paper at sa isa pang subject ay may presentation naman kami. Gladly same group lang ang kailangan sa dalawang subject na iyon.
"P'wede namang saamin," Marylou suggested.
"Isn't your house a bit too far? I mean, if sa inyo, mapapalayo kami. Malayo masyado 'yung house n'yo sa house namin." Anang naman ni Sheena.
Nagkatinginan kaming tatlo nila Cleofa at Imperial. Siguro kami lang ang walang issue dito sa kung saan talaga p'wedeng magkaroon ng group study. But, Sheena and Marylou's parents are a bit strict.
Well, I have a group of geniuses here. Pero tama nga naman, medyo malayo rin kasi ang kayna Marylou.
I played my lips with my fingers habang hinihintay pa ang mga desisyon nila.
"What about Roxana's house? Malapit-lapit lang ang kanila." Sabi pa ni Marylou.
I blinked twice before nodding at them. "P'wede naman."
"I think we can't, Saturday at Sunday ang group study natin. Your brother has a same-day appointment with his doctor, right?" Paalala naman ni Cleofa saakin.
That makes me shut up. Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan iyon? I shook my head and sighed.
"So bawal din sa inyo?" Naguguluhang sabi ni Imperial.
I looked at her. "P'wede naman ang kaso hindi natin magagamit ang study room as well as living room." Iyon kase ang madalas gamitin ng kapatid ko tuwing may session s'ya. Hindi naman p'wedeng istorbohin kasi maaaring mawala s'ya sa konsentrasyon.
Tumango-tango si Imperial. Pare-parehas kaming natahimik, malalim na nag-iisip kung saan kami pwedeng gumawa ng activity at magkaroon ng group study. They suggested coffee shops and libraries na inapilahan naman ni Cleofa, may distraction daw kapag gano'n.
"Edi samin nalang," Imperial suggested. "Walang tao sa bahay kung hindi ako at mga katulong, kanina ko pa naisip na sa bahay nalang namin kaso baka hindi kayo pumayag."
Ako naman ang napatahimik nang dahil sa sinabi n'ya. Mukhang napaisip naman ang mga kasama ko.
"Hindi ba nakakahiyang pumunta sa inyo?" Cleofa blurted.
Imperial lips twitched. "Bakit naman nakakahiya? Tayo lang naman ang tao doon, t'yaka mga kaibigan ko kayo at kaklase. May study room at library saamin, may computer room din na p'wede nating gamitin."
Gusto kong sabihing mayroon din naman kami sa bahay. I suddenly hesitated to do our activity in their house. Maybe it's not a good idea, or maybe it's just me.
Napabuntong hininga si Imperial nang makitang natahimik kaming apat. "Doon nalang tayo. Next week pa naman ang dating nila kuya Gideon galing business trip."
"Oh..." Agad na sabi ni Cleofa at kataka-takang sumulyap pa saakin. "Kaya pala wala s'ya nang isang linggo, ano? Kaya pala tahimik ang school at walang guidance visitors ngayon." kunwari pa itong nagtataka at napatango-tango.
Lihim naman akong napasimangot. Nang-aasar na naman si Cleofa. Himala nga namang tahimik ang isang linggo ko. Ni hindi nga ako nagagawi sa guidance ngayon. I also know that Lofranco has been missing since Monday.
Wala na kaming nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto ni Imperial. Wala na rin kasi kaming oras para pagtalunan pa kung saan kami magkakaroon ng group study.