10

25.2K 914 309
                                    

10

"Grabe talaga, akala ko tatamaan na tayo dito no'ng bola. Lalo na ikaw, dadaplis lang saakin 'yun kung sakali pero sa 'yo naman sakto ang bola! Buti naharangan agad ni kuya, pero sigurong masakit 'yon..."

Pinaglapat ko ang labi ko habang patuloy na nakikinig sa kung ano-anong sinasabi ni Imperial. Para s'yang nangungunsensya na ewan.

Tapos na ang practice ng basketball at meron pa kaming kailangan gawin kaya nagyaya na ako paalis.

"Oo nga, tapos 'yung isa d'yan 'di man lang nagpasalamat do'n sa tao. Basta nalang umalis..." Cleofa murmured.

Napalabi ako, totoong natatamaan sa mga ibinabato nilang parinig saakin.

Gusto ko naman kasi talagang magpasalamat kay Gideon kaya lang ay nahiya ako. Inunahan ako ng hiya kanina at nawalan ng lakas ng loob na harapin s'ya.

I wanted to thank him for protecting me. 

But then I remember how I've been treating him over the last few days.

Simula noong nagkaroon kami ng group study sa kanila ay naging mas madalas na iniiwasan ko ang kausapin s'ya. Naaalala ko ang huling salitang sinabi n'ya saakin, maging ang salitang sinabi ko sa kanya.

Napikon ako doon sa hindi malamang dahilan. Nainis ako sa kanya at pakiramdam ko pinaglalaruan n'ya lang ako. 

Since then, mas pinili kong laging manahimik kapag nandyan s'ya at mula rin noon ay bumalik s'ya sa pagrerebelde sa loob ng school.

"Are you ok, Rox? You're spacing out."

Nabalik ako sa sarili nang marinig ang boses ni mommy. Kumurap ako at tumingin sa kanya.

"Po?"

She smiled at me. "You're spacing out. I'm saying something here. I'm asking you about your day and you just stare straight at me. May problema ba? Ang lalim naman ng iniisip mo kanina."

I pouted and walked towards her. Naupo ako sa tabi n'ya sa sofa t'yaka malambing na yumakap sa bewang n'ya. My mom chuckled at what I did. 

"My whole day is fine. Same routine as always." Bulong ko kay mommy habang nakahilig sa kanya.

Marahan dumapo ang kamay n'ya sa ulunan ko at t'yaka dahan-dahang hinaplos ang buhok ko.

"Parang kailan lang ay yumayakap ka ng ganito saakin, pero maliit ka pa noon. Yumayakap at naglalambing ka kase pagod ka galing sa eskwelahan mo..." Mahinhing tumawa si mommy ako nama'y napapangiting nakikinig sa kwento n'ya.

"Ngayon yumayakap ka saakin, hindi ko alam kung naglalambing ka lang ba talaga o pagod ka ba... o baka naman may problema ka?" She breath heavily.

"Alam kong simula noong magkaroon ka ng isip hindi ka na ganoon kalapit saamin ng daddy mo. You were almost independent. You keep everything as long as you know that you can still solve it. Parang noon kapag may hindi ka maintindihan itinatanong mo pa saakin, ngayon ay iba na. Kapag hindi mo maintindihan you can always find a solution. You didn't ask for my help anymore."

Nag-angat ako ng tingin. Nahihimigan ko ang pagtatampo sa boses ni mommy. Bumaba naman ang tingin n'ya saakin para magtagpo ang aming mga mata.

"But I do understand you. Your dad and I were too busy for you to talk to us. Mas'yado kaming naging abala sa trabaho namin noong mga panahong nagdadalaga ka na. We wanted to secure your future. That's why."

Parang hinahaplos naman ang puso ko sa bawat reyalisasyong nararamdaman ko sa mga sinabi ni mommy. Ngayon ko lang napagtantong sa murang edad, nakaya kong tumayo sa sarili kong paa na walang tulong nila nguni't ginagabayan naman.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon