18

21.8K 707 306
                                    

18

"Are you okay?" I asked, my gaze narrowed on Cleofa.

Lumingon ito saakin t'yaka bahagyang nagpunas ng luha.

"Ayos lang, may naalala lang." She then smiled at me.

Ngumiti ako at hindi maiwasang ibaling ang tingin sa tinitingnan n'ya rin kanina. Naroon si Imperial sa sofa buhat-buhat ang baby ni Cleofa na tila ba aliw na aliw pa dito. Sa tabi ni Imperial ay naroon ang boyfriend n'yang si Jeremy.

"Ang bilis ng panahon 'no? Parang kailan lang hindi ko pa alam kung paano aaminin sa kanilang buntis ako..." She chuckled.

Muli ko s'yang nilingon nguni't ang mata n'ya ay nakatutok pa rin sa anak. I saw sadness in her eyes pero nangingibabaw pa rin ang kakaibang saya sa kanya.

Maraming buwan ang lumipas. Sa bawat buwan na iyon madaming nagbago nguni't mas madami ang nanatili sa kung ano ito dati.

Naalala ko pa kung paanong umamin si Cleofa kay Imperial na buntis s'ya noong araw din ng graduation namin. Noong isinama kasi ako ni Gideon sa celebration party nilang magkakaibigan ay sumama rin saamin si Imperial at Cleofa.

They're giving her alcoholic beverages because they knew Cleofa used to drink those liquors nguni't ako rin mismo ang pumigil at sinabihang hindi s'ya pwedeng uminom.

Tumanggi rin si Cleofa dahil alam n'yang bawal din iyon sa kanya.

Noong araw na iyon ay napaamin s'ya sa lahat tungkol sa kalagayan n'ya.

Ni hindi ko nga alam kung saan s'ya humugot ng lakas ng loob para sabihin sa lahat. Hindi lang kayna Imperial at Gideon n'ya nasabi kun'di maging sa mga kasama namin doon.

They didn't judge her, but that doesn't mean Cleofa wasn't judged by others.

Sa school palang ay naging usap-usapan na s'ya.

Hindi pumasok si Cleofa ngayong grade 12. She decided to stop studying.

Hindi naman ganoon kasensetibo ang naging pagbubuntis n'ya at laking pasalamat naming pare-pareho na hindi naging mahirap para sa kanya ang pagdadala ng sanggol sa sinapupunan.

Just like I always thought, Cleofa is strong.

I'm really proud of her.

"Sa tingin mo ba magiging mabuting ina ako sa kanya?" Bigla ay tanong n'ya saakin na s'yang ikinakunot ng noo ko.

"Bakit naman hindi?" We looked at each other. Kakaibang lungkot naman ang bumalot sa mata nya.

"Cleofa, I always knew that you would be a good mother to your baby. Kahit mag-isa ka lang at walang asawa, alam kong magiging mabuti kang ina. Isa pa, nandito ako. Nandito kaming mga kaibigan mo."

Tumango s'ya at napabuntong-hininga. "Sana nga Rox... Sana maging mabuting ina ako." Kinagat n'ya ang ibabang labi bago umiwas ng tingin saakin.

I sighed.

Hindi ko alam kung anong iniisip niyang maaaring dahilan para masabi n'yang hindi sya magiging mabuting ina. Mabuting tao si Cleofa at alam kong magiging mabuti rin s'yang ina.

Hindi naman dapat kwestiyunin pa iyon. I know she will.

"Can I carry her?" Pakiusap ko kay Imperial nang lapitan sila.

Nag-angat sila ng tingin saakin. Tila hindi inaasahan na nasa harapan nila ako nguni't napatango rin agad bago marahang inilipat ni Imperial ang baby sa bisig ko.

Namamangha ko itong tiningnan nang tuluyan nang mabuhat.

Ang gaan n'ya...

Lumukob ang saya sa puso ko nang makita kung paanong nagmumulat ito ng mata n'ya at iginagalaw ng marahan ang mga kamay.

Reclaiming PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon